Merjie’s Point of View Hindi ako nakapasok ngayon. Grabe ang lagnat ko. Kumikirot ang sugat ko sa ulo. May infection pa yata ako. Tumawag ako kay boss Mark, at ang sabi niya magpahinga lang daw ako. Hindi pa nakakatulong na maginaw ngayon at nanginginig ako. Halos hindi rin ako nakakain maghapon. Sumasakit ang ulo ko kapag matagal akong nakatayo. Lord send your angel here. I need food. Nagising ako sa katok sa pintuan. Akala ko naman aalis kaagad kaya hindi ko pinagbuksan. “Merjie!” sigaw ni Redgie. Nananaginip yata ako. “Merj, buksan mo ang pinto mo. Nandito na ang kotse mo,” sigaw ulit nito. Alam nga pala nito ang bahay ko. Hinatid niya ako kagabi. “Wala yatang tao,” sagot ng kasama nya. “Do you know her number?” tanong ni Redgie. They will not go away, so I decided to open the doo

