Luna's Point of View
LILIKO na sana ako para puntahan si Klein nang marinig ko ang nagtataasang boses niya at ng ama niya. Ipapasa ko lang kasi 'tong inabot na folder ng secretary ni Justin—I mean Mr. Villanueva.
Agad akong umatras at napayakap sa hawak kong folder nang marinig ko ang galit na sigaw ni Klein.
"You can't understand and you will never understand! Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam dahil wala ka sa posisyon ko! Sabagay, ano ba naman ang pake mo? Ikaw lang naman naging dahilan ng mga paghihirap ko ngayon! "
I froze. Parang nabingi ako sa naririnig. It was as if million of sharp knives were stabbed on me.
Gustuhin ko mang umalis ay di ko magalaw ang mga paa ko. Parang ang sistema ko na mismo ang gumawa ng paraan para marinig ko ang lahat ng paghihirap at sakit na dinanas ni Klein dahil sakin.
"Ikaw, ikaw ang nagtulak na pakasalan ko ang babaeng 'yon! Ang walang kwentang babaeng' yon! "
I covered my mouth as it almost let out a sob. Hearing him confess how hurt he is because of me? Makes me feel like dying. Ganun ba ako kasama?
I didn't mean this, but I know I became selfish. I didn't want this too, but what can I do? This is what my parents wants and I also love him so much.
I silently made my way out of his office. Hindi ko tinanggal ang kamay ko mula sa bibig ko hanggang makalabas. Hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak.
It was like a big rock was thrown on me. I was slapped with the mere truth again. I feel so sorry for Klein and for everything. It hurts to know that he's not happy with me and the fact that he will never be.
Kasi kung bibigyan ako ng pagkakataon para magdesisyon para sa sarili ko, pipiliin kong humiwalay na lang sa kanya. It's just because of my family. I can't disobey my parents, I can't because if I do, walang-wala na ako.
I could just keep my love for Klein kahit na wala ang kasal. Pero nakakainis. Nakakainis dahil wala akong magawa. I always follow what my parents want. All I do is follow. Sunod ako ng sunod, kahit na alam kong nakakasakit na ako.
"Luna? What are you doing here?"napalingon ako sa nagsalita.
My eyes widened. Agad kong tinuyo ang mga luha gamit ang kamay at inayos ang sarili.
"Dad—I mean, Mr. Montero. "I cleared my throat and sniffed. "W-wala po, I'm sorry." nauutal kong sabi. I bit my inner cheek when he looked at me with his wrinkled forehead.
Suddenly, he sighed deeply as if he realized something. "Have you heard it? "tanong niya.
I want to shake my head to say no, but I unconsciously nodded. Damn it, cooperate self!
Dad looked at me with his saddened eyes. "I'm sorry Luna, pagpasensyahan mo na si Klein. Intindihin mo nalang. "he said as he pat my shoulder.
Palagi naman. Siya naman palagi ang iniintindi ko. God knows how I try hard to understand him. Kahit na narating niya na ang tuktok ng pasensya ko, mas hinahabaan ko lang ang pasensya ko kakaintindi sa kanya. I always understand him, because I know I have my faults too.
"O-okay lang po Mr. Montero. It's not new naman na po sa akin. "kapagkuwan ay nagawa ko pang ngumiti ng pilit.
Hangga't maaari, ayaw kong makita nila akong nahihirapan dahil kay Klein. Ayaw kong makita nila akong sumusuko. I don't want to disappoint them. I promised to stay with Klein.
"You are not. You're crying. "he said as he pointed my face.
Agad kong hinipo ang mga pisngi ko. It's all wet. Ni hindi ko man lang napansin na tumutulo pa rin pala ang mga luha ko.
"Ay! Sorry po. Napu-napuwing lang siguro. "tumatawa kong sabi. Don't be like this infront of Klein's dad Luna. Please don't be.
"It's okay to cry when you're sad or hurt Luna. But not always, "he handed me a handkerchief from the left side of his chest. "I know he's hurting you and making you cry but, "tumikhim siya bago nagsalita ulit. "I know this is something that I shouldn't ask. But please, don't think that I'm considering his behavior. Don't give up on Klein. Wait for him to see your worth. "
I don't know until when I can wait for him. I can't even imagine myself waiting for more years. But, I'm already at this point, magtatlong taon na akong kasama siya. I can't just give this up. Ang hawak ko na lang para magpatuloy ay ang pagmamahal ko para sa kanya.
"Pero kung hindi mo na talaga kaya, I will be the one to file an annulment for the both of you—"
I got alerted when he said the word, annulment. No, big no. I don't see that as a solution. Kaya ko pa.
"Wag po." I cutted him off. "Kaya ko pa po dad. Si Klein lang yan, kayang-kaya ko siyang tiisin. "
He smiled at me bitterly and pat my head. "I know we're being selfish. Thank you Luna."
"Pareho lang po tayong selfish, haha. " biro kong hindi magpatawad sa kanya.
Pinagkaitan ko si Klein ng kasiyahan at kalayaan. Nagawa ko lang naman na maging selfish dahil kaya ko pa at gusto ko ako naman. Masama na kung masama. Pinagkaitan ako ng pagmamahal at kalayaan ng mga magulang ko, kaya gusto kong maranasan lahat ng 'yon ngayon, sa piling niya. Gusto kong maging masaya sa piling niya.
Nakakatawa nga lang at naging ganito ang pangyayari. Akala ko pagkatapos naming ikasal magiging proud na sina mama at papa sakin, akala ko mamahalin ako ni Klein, akala ko mahihigitan ko si Sam at higit sa lahat akala ko magiging masaya ako. Pero akala ko lang lahat, mali ako.
Every day, I'm suffering all of the consequences. Nasasaktan ako, oo, pero dapat lang sa akin. Kasalanan ko naman.
I just want to be happy but I didn't know that it will be this painful.
All my life I never felt the feeling of true happiness. I just want to experience that with Klein. And I will never give up until I feel happiness with him. Magiging masaya kami ng magkasama.
——
Natauhan ako sa pagkakatulala nang makita ko mula sa kalahating salamin kong pader ang isang babae. Kunot noo ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa makalapit na siya sa pinto ni Klein.
Mabilis akong tumayo para pigilan siya. Ni hindi ko alam na dadating siya, so she's not allowed to meet the CEO.
"Uhm, excuse me Miss. "I called for her attention. "I'm sorry, but you can't enter. "I said as I waylaid my body infront of the doors.
Strikta ako. No one can enter his office and no one can meet him unless may appointment at nakadaan sa akin. That's rule number one.
"Oh sorry, may invitation lang kasi akong gustong ibigay kay Mr. Montero, personally. "sabi niya sa pabebe niyang boses.
Pasimple kong tinignan ang agaw pansin niyang suot. Fitted na sando na may nakapatong na coat at mini-skirt na nasobrahan sa pagka-mini. Sobrang ikli, halatang hilang-hila niya pataas.
Binalik ko ang tingin sa kanya. "Still, you can't. Ayaw niyang may ibang pumapasok sa loob. Kung gusto mo siyang makausap ng personal, request for appointment at isa pa, hindi siya tumatanggap ng bisita sa mismong opisina niya. " sabi ko na nagpa-arko ng peke niyang kilay.
"Ako na lang ang magbibigay kung ganun man ka importante. "nilahad ko ang kamay sa harap niya.
Pilit siyang ngumiti kahit na halatang naiinis na siya. "No, I need to give this personally. "ambang papasok na naman siya kaya dinipa ko ang mga braso sa pinto.
"Bawal nga kasi. "I hissed. Tigas ng ulo.
She huffed because of irritation, "Ano ba? Sabi nang kailangan kong ibigay sa kanya to ng personal, di ka ba nakakaintindi?! "amok niya. She even pushed the right side of my shoulder. Aba!
"Bawal nga kasi, ikaw? Di ka ba nakakaintindi? "kalmado ko pa ring sabi sa kanya. Mahirap na't baka pag sinabayan ko 'to, makalbo 'to.
"Just let me in! "nagpumilit na naman siyang pumasok.
Masyado kang makulit ah? "Hayyst oo na. "umirap ako at hinawakan ang isang door knob.
Akmang itutulak niya na ang isang bahagi ng double door nang buksan ko ito para sa kanya, kaya sa sahig ang punta niya.
"What the?! "asik niya at tumayo. "You b***h! "sinampal niya ako nang pagkalakas-lakas at tinulak dahilan para tumama ang ulo ko sa pader.
Pakiramdam ko yumanig ang mundo ko ng dahil sa ginawa niya. It hurts so much! Nagsimulang umikot ang paningin ko kasabay ang pagkirot ng ulo ko.
"How dare you to do that to me?! Walang hiya ka!"aniya habang nagpapag-pag.
Nanginginig ang mga tuhod ko kaya napakapit ako sa pader para manatiling nakatayo. Sinubukan kong umiling-iling para mawala ang pagkahilo pero mas lalo lang lumala.
Nakita ko ang babaeng lumapit uli sakin. Sa nakikita ko dalawa na sila. Nagdadalawa ang paningin ko. Tiim kong pinikit ang mga mata ko pero ganun padin, hilong-hilo na ako.
Ramdam ko ang pagsabunot niya sa buhok ko dahilan para mapatingala ako. She was about to hit me when God sent a miracle.
May anghel na sumalo sa mabigat niyang palad.
"How dare you? "nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ko ang isang pamilyar na baritonong boses.
"M-Mr. Montero. "bumakas ang takot sa boses ng babae.
I felt arms around my waste. Kaya agad kong sinandal ang katawan ko. I surrendered my strength on him.
"So-sorry po hi-hindi ko po sinasadya—"
"Shut the f**k up and go! "singhal niya rito.
Gusto ko pa sanang tawanan ang babae pero huli na nang lamunin ako ng tuluyan ng kadiliman.
——
"Aray. "ungol ko at dahan-dahang tumayo mula sa pagkakahiga. Napahilot ako sa sariling sintido nang maramdaman ko ang pagkirot nito.
Agad akong naalerto nang mapagtanto ko kung nasaan ako. Napalinga-linga ako sa paligid. Hala ka, anong nangyari? Bakit ako nandito?
Napaigtad ako at sunod-sunod na nagsitayuan ang mga balahibo nang marinig ko ang sunod-sunod na pagtikhim. I know the owner of that voice. It's Klein.
"You passed out. "
Nilingon ko kung saan nanggagaling ang boses. Dumapo ang tingin ko sa high stool ng mini bar kung saan ko nakita si Klein, nakaupo habang nakatingin mismo sakin.
Agad akong nag-iwas ng tingin. Katangahan mo ba naman Luna! Patay ka na naman nito!
Lumunok ako nang marinig ko ang yapak ng sapatos ni Klein papalapit sa direksyon ko. Prenteng umupo siya harap ko at dumekwatro habang hawak ang baso na paniguradong ang laman ay alak.
My heart started to pound like crazy when I felt his gaze on me. Makailang ulit pa akong lumunok dahil sa matatalim niyang titig. Parang gusto ko na lang mawala bigla.
I flinched when I heard him clear his throat. Di niya man lang ba ako tatanungin kung okay lang ako? As if Luna, as if. Baka nga kantsawan niya pa ako or pagalitan eh.
Ano kayang nasa isip niya ngayon? Siguro disappointed siya dahil kebago-bago ko palang eh nag-cause na agad ako ng gulo.
"Why didn't you fight back? "basag niya sa nakakabinging katahimikan na bumalot sa boong opisina.
Tinignan ko siya sa mata, gulat ako nang ganun rin ang ginawa niya. Lumunok nalang ako at nag-iwas. Nakakapaso ang mga tingin niya. Malamig pero nakakapaso.
Napabuntong hininga na lang ako at yumuko. Bakit nga ba hindi ako lumaban?
"Kasi, "napakagat ako sa ibabang labi. "Pointless. P-pag lumaban ako, ako pa rin yung matatalo sa huli. Tapos sobrang sakit ng g-ganti sakin. "mahina kong sabi. "Kaya hindi na ako lumaban."
Tulad lang ng ako ang dahilan ng kalungkutan at pagdudusa mo ngayon, kaya sobrang sakit ng mga ginganti mo.
"You're being pathetic Miss dela Fuente." his husky voice objected. "Anong klaseng dahilan yan? "he smirked.
"There's nothing wrong with fighting back, as long as you're on the right side. "makahulugan niyang sabi. Nag-angat ako ng tingin at di makapaniwalang tumingin sa kanya. This is the first time I heard him say these kind of words.
"Kaya pala. "tatango-tango kong sabi dahilan ng pagtaas ng kilay niya. "Kaya pala lumalaban pa rin ako ngayon para sayo dahil alam kong tama ako. "I finished my sentence with a smile.
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. O ano Klein? Kilig ka no? Haha.
Pero oo nga naman tama siya, walang masama sa paglaban, as long as tama ka sa pinaglalaban mo. Kaya ko nga siya pinaglalaban kasi alam kong tama ang ginagawa ko, diba?
"But sometimes you have to give up even if you are right. Specially when you're already losing from the start. "biglang bawi niya sa sinabi na nagpangiwi sa akin. Ngi? "Sometimes giving up is the best thing to do. "sabay simsim niya ng alak.
Give up? Does he want me to do that?
"Giving up is not in my vocabulary. Therefore, I have the word 'trying', Sir. "I said formally. "I have enough reason to fight and that is you. "
Pangalawang banat, yo!
I have courage to fight for you because you gave me, you always do. Maybe you can't accept my love, at least I'm fighting and you're worthy.
"I assure you, you won't win anything from me. "he said with thick assurance before he stood up. "Let's go back to work Miss dela Fuente. "he drank the remaining alcohol, effortlessly. "Be ready for tomorrow." nilapag niya ang isang envelope sa harap ko.
Kung tama ang pagkakahinala ko, yun yung envelope na gusto sanang ibigay sa kanya nung babaeng nambugbog sa akin.
Pinulot ko 'yon at tumayo na para lumabas. It's an invitation for a Bachelor's Party. At hindi lang pangalan ni Klein ang nakalagay sa imbitasyon, pati pangalan ko.
Napangiti ako dahil 'ron. Ibig sabihin ako ang magiging date niya sa party. Nae-excite na tuloy ako!
——
Matapos ang buong araw ay dumiretso na ako sa pag-uwi. Ngayon pa lang eh ihahanda ko na ang susuutin ko para sa party. Magpapatulong ako kay Bea, nyehehe.
Matapos ng sagutan namin kanina, hindi na ulit kami nagkita since di niya rin ako pinatawag buong maghapon.
Kasalukuyan akong nakasakay sa isang taxi ngayon, pauwi. Mag-aalas diyes na ng gabi. Binaling ko ang tingin sa labas ng taxi. Bumuntong hininga ako nang maalala ko ang pinag-usapan namin kanina.
He turned me down, again. Bakit ba sa tuwing nakakahanap ako ng pag-asa bini-bring down niya ako? Siya na nga mismo nagsabi na walang mali sa paglaban basta tama ka, tapos biglang bawi pagkatapos ko siyang banatan?
Tuloy hindi mawala sa isip ko ang sagutan namin kanina. Nakakainis nga lang siya kasi sobrang sama niya talaga kahit minsan. Sarap upakan, pasalamat mahal.
Pero sa lahat ng sinabi niya, may tumatak sakin.
'I assure you, you won't win anything from me.'
He's assuring me already without even knowing or trying. He really wants me to give up, but someone told me not to. And it's his own father, kahit na hindi ako sinabihan ng ama niya, hindi ko pa rin siya susukuan. Kahit maldito ang asawa ko, kahit ganyan siya, I can still see him as worthy of my love and sacrifices.
Malas niya talaga at nakasal siya sakin. Susuko lang naman ako pag pagod na talaga ako eh, pag di ko na kaya. At bago pa man yun mangyari, sisiguraduhin kong mahal niya na ako.
Our love is a war, and I'll be the soldier to fight. Mahirap man mag-isa, kakayanin ko. That's how I love Klein. Even if I lost all of me, I will still love him.
Mas gagawin ko pa ang lahat mula ngayon. Nasimulan ko na, kaya tatapusin ko.