Chapter 15

3862 Words
KLEIN drives so fast. Yung tipong parang may galit siya sa daan. Hindi ko nga alam kung saang daan kami dumaan dahil halos hindi ko matanaw ang dinadaanan namin sa bilis niyang magpatakbo ng kotse. Buti nalang talaga at buhay parin kami hanggang ngayon. My husband's a good driver, kaskasero nga lang. He's good because he find ways and avoids traffic so easily. Halos mamatay nga lang ako sa nerbyos. Buhay naming narating ang isang hotel. It's a five star hotel, I can tell since sikat ang hotel na 'to, nakita ko na kasi sa TV yung ads nila, at pang mayaman. Only rich can afford. Haha. Huminto kami sa mismong harap ng entrance. Nasa loob pa lang ako ng kotse ay kita ko na ang mga eleganteng mayayaman na naglalakad sa red carpet papasok sa venue at ang media na panay ang kuha ng litrato sa mga dumaraan. Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang pagsara ng driver's seat. Hala lumabas, di man lang nagsabi. Akala ko ay bababa ako ng mag-isa nang pagbuksan niya ako. Nilahad niya ang kamay sa harap ko kaya napatitig ako ron. "What now? Let's go." he hissed. Nataranta namana ko at agad na hinawakan ang kamay niya. He helped me stand up and even guided me para hindi ako mauntog sa pagtayo. Hindi pa man ako nakakalayo sa kotse ay nasilaw na ako sa sobrang dami ng camera'ng nagfa-flash sa mukha ko. Bahagya akong pumikit dahil sobrang sakit sa mata. Wala akong makita eh! Nanayo ang balahibo ko nang maramdaman ko ang makikisig na braso ni Klein sa bewang ko. "Don't go far away from me. "bulong niya dahilan para maramdaman ko mainit niyang hininga sa tenga ko. I nodded as a response. Napatianod ako nang magsimula siyang maglakad. Naglakad kami sa isang mahabang red carpet habang hawak niya ako sa bewang at pinipicturan kami ng mga photographers sa paligid. I kinda feel uncomfortable, but I like the way he's guiding me to walk. Nang marating namin ang dulo ng carpet kung nasan ang pinto ay saka kami pinagbukan ng pinto ng dalawang lalaking halatang mga security. Binigay ko rin ang invitation sa lalaking nagkokolekta nito. Agad akong namangha nang makapasok kami sa loob ng venue. Natanaw ko ang nag-gagandahang design ng malaking silid na kinaroroonan namin. May malaking chandelier sa gitna, malalaking kurtina at iba pang palamuti. Halatang engrande talaga sa ganda. Sa baba naman ay may nagsasayawan at nagsasayahang tao habang sa dulo ng malaking hall, naroon ang stage at kung saan nakalagay malaking banner. '78th Asian Bachelor's Grand Ball' Ito ang ang unang pagkakataon na nakadalo ako sa ganitong klase ng pagtitipon. Akala ko, talaga hindi ko magugustuhan ang ganitong klaseng mga okasyon, pero ngayon pa lang nagugustuhan ko na. Bumaba na kami ng hagdan ng nakahawak pa rin siya sa bewang ko. Nang marating na namin ang ground hall, sinalubong kami ng isang waiter at binigyan ng champagne. Tumingin pa ako sa paligid at nag-obserba. Puros magagara ang lahat ng nakikita ko. Pati ang mga tao na narito, sa suot palang manliliit ka na. Buti na lang ay nakapili ako ng dress na sakto sa eleganteng theme. I'm wearing a simple long sleeved, backless dress that completely shows of my back and hugging my body tight. It's color silver, na hindi gaanong kahabaan, it also has a slit on the left side that shows off half of my leg. Umatras ako ng bahagya nang tanggalin ni Klein ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa bewang ko. He faced me and drowned me with his deadly glare. He's wearing a black tuxedo. Bagay sa kanya at sobrang gwapo niyang tignan. He looks so masculine and dark in it. Gwapong-gwapo. "I want you to behave. Don't do anything stupid. "he warned emphasizing the word 'stupid'. As if naman gagawa ako ng katangahan dito para ipahiya ang sarili ko sa harap ng eleganteng mga taong narito. "Oh! Klein!" Pareho kaming napatingin sa babaeng tumawag sa kanya. Sobrang ganda at sexy niya and her skin is so fair. She's wearing a tube dress that is more show off than mine. She's a goddess, indeed. Nakakapangliit. Agad kong binawi ang lahat ng papuri ko sa kanya at napaarko ang isang kilay nang makita ko kung paano niya binesohan si Klein. Wow ah? Sobrang bilis niyang nahalikan sa pisngi si Klein plus the fact na kakakita lang nila. Eh ako na palaging nakikita si Klein tapos asawa pa, ni hindi man lang nagagawang halikan siya kahit sa pisngi. "Margie, how are you? "Klein asked with a smile on his face. He doesn't smile like that when he's with me. Bakit sobrang dali niyang ipakita ang ngiti niyang 'yan sa iba? Ni minsan nga hindi niya ako nagawang ngitian ng ganyan. "I'm fine, as usual, still Asia's top model." pagyayabang ng kausap niya. Ha? Hakdog? Hanapin ko kaya yung nagtanong tapos usap kami para masaya. "Ooh, that's nice. " Nice? Nagyayabang na nga, nice? Tsk, tsk. Hay Klein. Pag maganda kaharap ang bait-bait. I wonder if this woman is also one of his flings? Tsk, never mind, ayaw kong sirain ang mood. May iilan pa silang pinag-usapan. Panay ang kabit niya kay Klein at dinidkit niya pa talaga ang dib-dib sa braso ng asawa ko. Tapos may patawa-tawa pa siya at hampas ng mahina sa dib-dib ni Klein. Habang ako nakatanga lang sa harap nila. Hello? Nandito ako! "Oh, who's this girl by the way? "tukoy sa akin ni Margarette habang maarteng nakaturo sakin. Sandali akong tinapunan ng tingin ni Klein at agad ding binalik ang tingin sa kausap. "She's my secretary. "simple niyang sagot. Oo, aminado ako na nag-assume ako na ipapakilala ako ni Klein bilang asawa niya. As if naman. "Oh really? She looks like though. "pabebeng tumawa si Margarette dahilan para mangibabaw ang pang-iinsulto sa boses niya. Ngayon pa lang marahas ko na siyang sinasabunutan sa utak ko. Pasalamat siya hindi ako bayolenteng tao. "Hi, Miss? My name is Luna Shye dela Fuente, secretary of Mr. Montero. "pagpapakilala ko sabay ngiti. "Miss?" kunot noo niyang tanong. "Don't you know me? I'm the Asia's famous model. Margarette Coulton? "she said, insisting that I should know her. Ngumiwi ako at umiling-iling. Di ko naman kasi talaga siya kilala. "W-what?" di makapaniwala niyang sabi. She looks pissed. Naiinis ba siya dahil sa pagtawag ko sa kanya ng miss o naiinis siya dahil di ko siya kilala? Both? "I'm sorry Margie, my secretary came from the province so she doesn't know about you. "Klein apologized. "Excuse us? "hinigit ni Klein ang braso ko at hinila ako papunta sa isang sulok. "What was that? "impit niyang tanong. It's like he's refraining himself from raising his voice. "I just...I just don't really know her. "dahilan ko at yumuko. I bit my lower lip, he's pissed because of me again. "You just embarrassed me in front of Margarette. Such a rude secretary." he said. When I looked up, I saw how he pressed his lips together because of disappointment. "I'm sorry. Hindi na mauulit. "yumuko all ulit para di makita ang mukha niyang galit. "Better not be. "matigas niyang sabi. "Now, wag kang sasabat pag may kinakausap ako. Sumunod ka lang sa akin at wag kang lalayo. Mahirap na, baka magkalat ka na naming ng dumi mo dito. "he tsked before he turned his back and walked away. So ano ako dito? Buntot mo? Display? I'm not going to do things that will surely embarrass you, I will never do. Kanina, hindi ko lang talaga siya kilala. What's wrong with that? Marami siya kinausap at puros negosyo ang pinag-usapan nila. Habang ako ay tahimik lang lagi sa tabi niya. Minsan nabuburyo na lang ako at umuupo sa di kalayuan. Minsan naman napapansin ako ng mga kausap niya, tinatanong kung sino ako, pinapakilala ko naman ang sarili ko bilang sekretarya at agad ding tumatahimik, pinupuri pa nga nila ako minsan. Sana di na lang ako pumunta diba? Display lang naman pala ako dito s***h buntot. Hindi ko din naman nagagawang mag-enjoy kasi naka bantay din si Klein sa akin. Dagdag niyo pa ang nananakit ko nang paa ng dahil sa suot kong heels. Pero tong si Klein parang wala lang. Walang pake. "Klein-ay Mr. Montero pala. Kuha lang ako ng maiinom. "paalam ko. Pero di niya rin ako napansin dahil may kausap siya. Naglakad ako patungo sa mahabang mesa na puno ng mga pagkain. Kukuha lang sana ako ng drinks pero naakit ako ng mga pagkain. Damn, I want to eat. Napakagat labi ako at tumingin sa direksyon ni Klein, busy parin siya habang kausap ang isang matandang hapon. Wala naman sigurong masama kung kakain muna ako diba? Itinuro ko sa mga lalaking nasa likod ng mesa ang mga pagkaing gusto ko. Matapos nilang ibigay saakin ang platong puno ng pagkain ay humanap ako ng bakanteng mesa at upuan at doon umupo. I removed my shoes before I started to eat and roamed my eyes everywhere. I'm so glad that I found a place to rest. The food tastes good, kaso nga lang sobrang kokonti lang ng serving. Yung parang sa restaurant na pang mayaman. Yung tipong, pang isang subuan lang. After eating I massaged my feet. Sobrang sakit kasi at nangangalay. Hindi ko maiwas ang tingin ko sa maraming taong nagsasayahan. Buti pa sila nag-eenjoy. Nagulat ako nang makita kong lumuhod ang isang lalaki sa harap ko at sinimulang hilutin ang paa ko. "No, no, it's fine. I can do it myself. " I said while trying to take his hands away from my feet. "Stay still." he insisted. Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nasa harap ko. Laking gulat ko na lang at halos manigas ako sa kinauupuan nang makita ko kung sino ang nasa harap ko. Pano ba naman? Sino bang hindi magugulat sa kanya? Bigla-bigla na lang siyang sumulpot at hinilot ang paa ko. "I've been searching for you. "bakas sa boses niyang ang pagkairita. I couldn't help myself but to smile. My heart is beating so fast. Hindi ko inaakalang gagawin niya sa akin ang gingawa niya ngayon sa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mag-angat siya ng tingin dahilan para magkatinginan kami. Tinaasan niya ako ng kilay kaya napakurap-kurap ako. "What?" nakataas ang isang kilay niyang tanong. Umiling ako. Buti na lang at hindi gaanong maliwanag ang space kung nasaan kami ngayon. Hindi niya nakikita ang pamumula ng mukha ko. Pagkatapos ang ilang sandali ay binitawan niya na ang paa ko at nilagay ng maayos sa harap ko ang stilettos. Nakaiwas ang tingin niya pang inalok ang kamay niya para tulungan akong tumayo na syempre, tinanggap ko naman. Ako lang ba 'to, o talagang nagiging gentleman ang asawa ko. "Hey Klein," sumulpot ulit ang Margarette sa harap namin. "The dance will start soon, can we?" Naangat ang sulok ng labi ko dahil sa inis. Hindi ko alam na may dance, pero di niya man lang ba naisip na kaya ako nandito kasi ako ang date ni Klein? Tumingin sa akin si Klein. Asang-asa ako na tatanggihan niya ang babae, pero mukhang hindi 'yon mangyayari. "Sure, Marge, why not?" he chuckled. Sabi ko na nga ba. Mas pipiliin niya naman talaga yung iba kesa sa akin. "Can I take you as my partner?" Napatingin kaming tatlo sa biglang sumulpot na lalaki sa gilid ko. Muntik mawalan ng lakas ang mga tuhod ko nang makita ko siya. Buti na lang ay agad niya akong nasalo. "You okay?" he asked, seems mesmerized. Matapos kaming magkatitigan ng ilang sandali, nginitian niya ako ng sobrang tipid pero matamis. "O-oo. "sagot ko. I reached for his shoulder and held it so I can stand back in balance. I fixed myself. Agad ko siyang binitawan at tumingin kina Klein. Nang makita ko ang mukha niya agad akong kinilabutan. "Is it okay to take her, Mr. Montero?" ani Justin. Bakas sa mukha ni Klein na hindi niya ito nagustuhan. I can see that he’s already pissed because of the situation. Why don’t he let me? Okay lang naman siguro yun since, siya nga eh, pumayag gad siya nang ayain siya ni Margarette. “Don’t ask me, ask her. “tukoy sa akin ni Klein. Talagang pinasa pa talaga sa akin. Bumaling naman sa akin si Justin, “Can I take you? “he asked. I looked at him and smiled. Alam kong magagalit na naman sa akin si Klein dahil sa gagawin kong ‘to. Pero di naman pwedeng siya lang ang mag-enjoy sa kamay ng iba no? Let’s be professional, hindi ko tatanggihan ang lalaking ‘to ngayon, I will dance with him because I can’t be rude to someone who’s going to be a big part of our company. “Sure Mr. Villanueva. I’ll be glad to be your dance tonight. “nakangiti kong sabi. “Great! “Margarette exclaimed. The lights dimmed and slow music started to play. “Let’s go, Klein? “anito. Nahuli ko kung paano ako tinignan ng masama ni Klein. Umiwas na lang ako ng tingin dahil ayaw kong mawalan ng gana. As if I’m doing this because I want to, he forced me to. Edi sana inaya niya ako para hindi siya galit jan. Inalok ni Justin ang kamay niya sa akin na naiilang ko namang tinanggap. “Let’s go? “he asked. Una kaming umalis at tumungo sa dance floor. It’s slow dance so it’s going to be awkward, for sure. Huminto kami sa bandang gitna ng dance floor. Nakita ko naman sina Klein, hindi kalayuan mula sa amin. He slowly pulled me closer to him. Iginiya niya ang isang kamay ko papunta sa balikat niya at nilagay niya naman ang isang kamay sa bewang ko. Habang ang natitira naming mga kamay ay magkawak ay bahagyang naka-angat sa ere. Slowly, he started to move with the music. Pulling me closer to him and feeling the harmonic vibe. Ramdam ko ang titig niya sakin kaya mas pinili ko na lang na yumuko ng bahagya para maiwasan ang mga mata niya. "You look beautiful. "puri niya. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko patungo sa mga pisngi ko dahil sa sinabi niya. "Thank you, Mr. Villanueva. Ikaw din naman. "ganting puri ko habang nakaiwas pa rin ng tingin. "I look beautiful? "natatawa niyang sabi. Tumango ako bilang sagot dahilan para mas matawa siya. "Can't it be handsome? " Para akong napitik sa noo dahil sa katangahan. "Ahh, oo. Tama. Handsome. "I hate it but I really feel so stupid. Nahuli ng mga mata ko si Klein na nakangiti habang sinasayaw ang kapares niya. Nagulat ako nang tumingin rin siya sa akin. My heart almost got out of its cage because of the way he looked at me. Naiwas ko ang tingin nang hawakan ni Justin ang baba ko at iniharap ang mukha ko sa kanya. "Focus on me, Miss dela Fuente, "sabi nito sa akin. "It’s not like he’s the only one who can do as he pleases, enjoy. With me. " Ngumiti ako ng pilit sa kanya at sinubukang sumabay sa ginagawa niyang pagsayaw. Surprisingly, I slightly feel comfortable with this, with him. Tsaka tama siya, we’re out not as husband and wife, nandito kami ngayon bilang CEO at secretary. He’s enjoying, why not me too? Kahit minsan lang. “Thank you, Mr. Villanueva. “I said as I decided to put my attention to him. "Don’t call me Mr. Villanueva when it's just you and me, just call me Justin, "nakangiti niyang sabi kaya nangiti rin ako. I told him the last time to stay away from me. But look at me now, smiling and dancing with him. "You can call me Luna. " “So we’re dancing here as friends, are we?” Friends? We’re friends? The day that we met, he helped me and we exchanged names, he even took me home. Aren’t that already friends? "Yeah, I think so.” Sagot ko. I don’t know if I’m just imagining it but I can see longing and sadness in his eyes. I don’t if it’s because of me or not, but I can clearly see it since he’s in front of me. I can tell, gwapo si superman. He has a nice deep-blue eyes, nice long nose, thick brows and lashes and reddish lips. Walang babae na hindi mahuhumaling sa kanya. But not me, mas gwapo ang asawa ko para sa akin, at sa asawa ko lang ako kakalampag-este mahuhumaling. Dahil malapit ako sa kanya, sapat na 'yon para mapansin ko ang maliit niyang sugat sa labi. Gusto ko mang itanong kung napano pero hindi ko na ginawa. "That’s nice. You were surprisingly mean to me, you know? "natatawa niya sabi na nagpatawa rin sa akin. Oo, tama siya. Medyo sinungitan ko nga siya. Di lang nung isang araw pati na nung araw na una kaming nagkakilala. "Yeah, sorry about that. But I meant it when I said, stay away from me. "I said frankly. Mabuti nang malaman niya na seryoso ako sa bagay na ‘yon. Hindi naman dahil sa ayaw ko sa kanya, kundi dahil alam kong hindi magugustuhan ni Klein. "Napaka seloso naman ata ng asawa mo? "he smirked. Ha? Ano daw? Si Klein seloso? Ha. Ha. Kung alam niya lang. Sa di kalayuan nakita ko ulit sina Klein. Hindi ko mawari ang nararamdaman nang makita ko siyang hinahalikan ang babaeng kasayaw niya. What the f**k? Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kahit mga paa ko ay natigilan sa pagsayaw. “Is there any problem?” Kumalas ako sa pagkakahawak sa balikat ni Justin at bahagyang lumayo. I was about to leave when he held my wrist. "Hey, you're going?" I turned and faced him. I bit my lip and tried my best to look in his eyes. I just want to go away. Nagbabadya nang magsituluan ang mga nangingilid kong luha. "Mr.Villanueva, "I sighed. "I need to go. I’m sorry. "I said and turned away again. Kahit may nabubungga na ako at natatapakang mahahabang gowns ay wala na akong pakealam pa. Marami nang nagrereklamo pero patuloy lang ako sa paglalakad at hindi na sila pinansin. "Excuse me. Sorry. "paulit-ulit kong sabi tuwing dumadaan. Hinubad ko na ang suot kong stilettos para mas madali akong makapaglakad. Gusto ko na lang umuwi. Bakit ganun? Bakit kahit dito, ganun pa rin siya? Bakit ang sakit pa rin na makita kong may kahalikan siyang iba? I tried my best to find my way out pero nagkanda ligaw-ligaw ako. Ni hindi ko na alam kung nasaan ako ngayon. But still, nasa loob pa rin ako ng venue. Narating ko na lang ang isang hall kung saan may maraming pinto. Huminto ako sa kalagitnaan ng hallway dahil sa sobrang hingal. It’s so heavy to breath because of the pain I feel. I wasn’t able to stop myself from sobbing. It hurts seeing him like that. Kaya niyang halikan ang ibang babae sa harap ng maraming tao at sa harap ko mismo. Pero bakit hindi niya yun magawa sa akin? Bakit kailangan iba pa? Bakit kailangan makita ko pa? I tried to dry down my wet cheeks. My tears just couldn't stop from falling. Nahuhulas na ang make up ko, I'll look like a wreck. Napatianod ako nang hilain ang braso ko papasok sa isang kwarto. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko napansin kung sino ang humila sa akin. I just found myself inside a room as I heard the door clack. Hinarap ko ang kung sino mang humila sa akin. Hindi na ako nagulat pa nang makita ko siya. Sinundan niya pala ako. I saw how he locked the door before he turned his back and looked at me. "Klein..." Nangibabaw sa mapupungay niyang mga mata ang lamig at galit. "What the f**k is wrong with you?!" galit niyang usal. Nangunot ang noo ko, "No, what is wrong with you!?" balik ko sa kanya. "Ha!" namewang siya at di makapaniwalang tumingin sa akin. "After you dance with that man, you're just going to leave?" "Ganun din naman ang ginawa mo ah? Matapos mong makipagsayaw at halikan ang babaeng yun, umalis ka—" "I told you to stay away from him! And so what if I did danced with her? If I kissed her?" lumapit siya sa akin. "Hindi ba pwedeng sa ibang lugar ka maghasik niyang kalandian mo? Is yours itching that much? f**k! "sabay tingin niya sa babang parte ko. Tuluyang nagsibagsakan ulit ang mga luha ko. Ang liit. Ang liit ng tingin niya sakin. He looks at me like I'm a w***e. Eh ano ba yung ginawa niya? Hindi rin ba 'yon paglalandi? "You did worst! Wala akong ginawang masama!" balik kong sigaw sa kanya. Pumikit siya, alam kong nagpipigil lang siya ngayon. "You know what, I don't care. Wala naman akong pakialam kung magpaka-puta ka! Pero bakit sa lahat, yung lalaking yun pa?!" "Is it because of his goddamn money? Hindi ka pa ba kontento sa akin?! " bahagya niyang tinulak ang kanang dib-dib ko. Now, he's saying that I'm a gold digger. "Without the marriage we are nothing, Luna! Stop acting like a jealous wife—" I slapped him. Halatang nagulat siya. Sa lakas kasi ng pagsampal ko sa kanya ay napabaling ang mukha niya sa kaliwa. My hands trembled as I realized what I've just done. Agad akong nagsisi sa ginawa. "Klein I'm sorry. "sumuko ang lakas ko nang makita ko kung paano umigting ang panga niya. Akala ko ay gaganti siya at lalapatan niya na naman ako ng mapangparusa niyang kamay. Ngunit hindi iyon nangyari. Hinigit niya ang batok ko at hinila palapit sa kanya. Hindi ako nakapalag nang ilapat niya ang mapangparusa niyang labi sa akin. I was stunned. Nawala lahat ng lakas ko dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin. I was about to fall down but he held my waist and pulled me closer to him. I couldn't feel nothing but the movement of his lips. His kisses are painful and empty. Masakit at malupit. Tears wouldn't stop falling from my eyes because of what he's doing. "This, is this what you want?" he asked without breaking the ruthless kiss he's giving me. He pushed my body down the bed. But before he could do something else, I bit his lower lip that made him stop and pull out. "f**k!" he cussed as he wipe the blood that is coming out of his lips. Mabilis kong pinulot ang sandals ko. Makailang ulit pa akong natumba dahil natatapakan ko ang laylayan ng suot kong dress. Hindi ko mapigilan ang sarili kong humagulgol. Habang si Klein naman ay walang ibang ginawa kundi tumayo lang at pagmasdan ako. Agad akong umalis sa kwartong 'yon. He just made me feel like the smallest woman he knows. He just treated me like one of his kiss toys.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD