Chapter 16

4019 Words
PAULIT-ULIT na nagre-replay sa utak ko ang mga nangyari nung gabi sa Bachelor’s Ball. Hindi ko inaasahan ang ginawa ni Klein. I was so jealous and damned hurt. Hindi ko naman inaasahang gagawin niya sa akin ang bagay na yun. Does he really think of me like that? He just made me feel like the other girls who wants nothing but his lips and his body. ‘This, this is what you want right? ‘ I still can feel how harsh his lips is moving on mine. How ruthless and empty it was. I dreamt of kissing Klein, sharing a warm and blissful kiss with him, I did imagine about that and I keep on longing about it. But I never want him to kiss me the way he did the other night. Hindi ko yun nagustuhan eh. Agad kong umuwi matapos ng engkwentro naming ‘yon. Wala na akong ibang naisip kundi lumayo sa kanya. I couldn’t stand seeing him after what he did. The ball was last Friday, now is Sunday. After that night, hindi ko na siya nakita ulit. Hindi siya umuwi, at hindi rin siya pumasok kahapon. Hanggang ngayon, wala pa rin siya. I already texted and called him several times, not just as a wife but also as his secretary. He responded once via email, he let me know as his secretary that he won’t be able to make it because of personal matters. Nag-aalala ako para sa kanya. Ni hindi ko alam kung nasaan siya. It’s clear that he’s the one who did f****d up, pero ako yung nahihirapan at nakukunsensya sa lahat. Klein has the money, he could just book a room somewhere. Ang inaalala ko ay ang sarili niya, ang iniisip niya, at kung ano ang ginagawa niya. Kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko ang pag-ring ng cellphone ko. Walang gana akong tumayo mula sa pagkakahiga sa sariling kama at inabot ang cellphone na nasa side-table. Nang makita kong si Bea ang tumatawag ay agad kong pinunasan ang mga luha ko at pabalik-balik na kinlaro ang boses. "Hello, Bea?" Bungad ko. “Oh ano na? Papunta na ako jan sa inyo. Maghanda ka na para sa lakad natin, “narinig ko ang pag-start ng makina ng kotse. Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Bakit, saan tayo pupunta?" Takang tanong ko sa kanya. Wala naman kasi akong naaalalang may napag-usapan kami ngayong araw. “Nakalimutan mo ata? May appointment ka kay Dr. Avendano ngayon. “ Mas lalong nangunot ang noo ko, wala din akong naalalang may appointment ako ngayon sa doktor. "Ganun ba? "kunot noo kong sabi. I really don't remember anything. “Shye, nakalimutan mo atang na-hospital ka nung nakaraang linggo dahil sa gago mong asawa at pinapabalik ka para sa check-up mo,” mahaba niyang paliwanag. Saka ko lang naalala ang tungkol sa check-up nang mabanggit niya ang tungkol sa nangyari noong nakaraang mga linggo. Hinimas ko ang ulo kung nasaan ang sugat ko. It’s completely closed, halos hindi na gaanong halata at hindi na rin kumikirot. Ni ngayon ko lang naalala na nagka-sugat pala ako sa ulo. Hindi naman na siguro kailangan pa ng check-up? Pero syempre kailangan ko pa rin pumunta since may sinabi ang doktor tungkol sa isang abnormality na nakita niya sa akin. "Ah, oo nga pala. Sige, hintayin kita. "I snapped. God, masyado ata akong stress at maraming iniisip dahilan para makalimutan ko ang tungkol sa bagay na yun. Pagkababa ng tawag ay tumayo na agad ako at naligo. Pagkatapos ay simpleng bihis; long sleeve at pantalon na pinarisan ko ng flat shoes at manipis na make-up. Tinali ko rin ang buhok ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako na sakto namang pagparada ng kotse ni Bea sa harap ng bahay. Inakay niya ako pasakay ng kotse matapos kong masiguradong locked na ang bahay. "Kamusta ka naman?" Tanong niya habang nakatingin ng diretso sa daan. "Okay lang naman." sagot ko. "How about your husband? Did he beat the s**t out of you again? "seryoso niyang tanong habang nagmamaneho. Sasamaan ko sana siya ng tingin pero hindi ko na ginawa nang makita ko kung gano siya ka seryoso. "We're fine. Simula nung nagtrabaho ako sa kanya, medyo hindi na kami nagkikita sa bahay kaya wala nang away na nagyayari. "I lied. Kahit na ang totoo ay dalawang araw nang hindi umuuwi si Klein dahil sa naging pag-aaway namin. "Good then," niliko niya ang sasakyan. "How about your work? Nakakapagod ba masyado? "Sandali siyang tumingin sa akin. "Wala namang trabahong hindi nakakapagod, pero kayang-kaya ko naman ang trabaho ko, "giit ko. Kinakaya ko naman talaga ang trabaho, yung pakikitungo lang naman ni Klein ang hindi ko kaya. Hininto niya ang kotse nang mag-red light. "H-how about your brother? Kamusta naman siya? "she playfully tapped the steering wheel with her fingers. Ngumisi ako dahil sa tinanong niya. "Bakit? "Natatawa niyang tanong nang makita niya ang ngisi ko. Sabi ko na nga ba eh, kay kuya rin mauuwi ang usapan. I know that Bea has feelings for my brother, Harris. Actually, parang mahal na ata niya ang kapatid ko na yun eh. Simula kasi nung nagkakilala kami, kasabay din nun ang pagkakagusto niya kay kuya, hanggang ngayon. Ma-effort siya para lang mapansin ni kuya pero wala eh hindi siya napapansin. Kung titignan pareho kami sa part na hindi kami mahal ng mahal namin. Sad right? "Okay lang naman siya, medyo busy nga lang. "Sagot ko habang nakangisi pa rin. "Shye tigilan mo nga yan, para kang ulol! "di makatingin at namumula niyang sabi. "Wag kang mag-alala, sa alam ko wala pa naman siyang girlfriend," I said. Alam ko namang yun talaga ang gusto niyang malaman. "Pero baka meron na, di lang nagsasabi." Nakita ko kung paano nanlumo ang mukha niya dahil sa sinabi ko, di ko tuloy mapigilang tumawa ng malakas. "Hahaha! Joke!" Sabay pakita ko ng peace sign. Pinaningkitan niya lang ako ng tingin at pinaharurot ang kotse nang mag-green light. "Nakakatawa yun ha?" Sarkastiko niyang sabi. Imbis na sumagot ay tumawa lang ako, nakakatawa kasi ang mukha niya kanina. Para siyang pinagsakluban ng langit at impyerno. We're in the same spot but different situations. Tsk, para ko lang din pinagtatawanan ang sarili ko. He's inlove with a man that doesn't notice her. While, I'm inlove with a man who hates me and doesn't love me. Malaki pa rin ang advantage namin sa isa't-isa lalo na pagdating sa sitwasyon. She has the work she wanted, the life she wanted and she is happy. While me? I'm stuck, married and unhappy. But I know, we both don't want to give up on person we love. --- Narating namin ang Aeros Northern Philippines Medical Center o ANPMC, it's the largest and biggest hospital in the Philippines, second in Asia. Pinangarap ko nga ring makapasok sa hospital na 'to eh. Dumiretso kami sa front desk para magtanong. (Aeros Northern Philippines Medical Center or ANPMC is just a part of the story. It does not exist.) Habang naglalakad kami sa ward, marami akong nakikitang pasyente na nakaratay, sugatan o kaya naman ay ginagamot. Marami ding nag-aasikasong mga doktor at nurse sa paligid. Bahagya akong napangiti. Being a doctor is my biggest dream. Siguro nag-aasikaso ako ng mga pasyente ngayon, o kaya nagra-rounds o kaya naman nag-oopera. For sure I'm doing well as a doctor and also as a person. "Nandito na tayo." Nilingon ko si Bea na na agad humawak sa pulsuhan ko. Masyado kasing nakatuon ang pansin ko sa paligid kaya hinawakan niya na lang ang pulsuhan ko. 'Dr. Oliver Avendano, Neurologist ' Basa ko sa template na nasa pinto. Bakit sa espesyalista ng utak ako magpapa check-up? Bago ko pa man matanong si Bea kung bakit, kumatok na siya na siya ring pagbukas ng pinto. Agad kaming sinalubong ng isang babaeng nurse at pinaupo sa harap ng isang malapad na mesa. Sinabihan kami ng nurse ng maghintay ng ilang sandali para sa doktor. Hindi naman gaanong matagal bago tuluyang bumukas ang pinto at pumasok ang isang doktor. "Good afternoon Miss dela Fuente and Miss Yuzon, "bati nito sa amin nang makapasok. "Okay, let's get straight to the point." he said as he sat down on his swivel chair. "First I will, let's do CT scan muna, " nakangiti nitong sabi sa akin. "Here I have your CT scan last week, so, we need to redo if the situation is still there." Tulad nga ng sinabi niya ay chineck-up niya ako pagkatapos ay nagpa-CT scan ako kasama ang assistant nurse ng doktor ko. "Let's ust wait for the CT scan results, Letty is processing it. In the meantime, "tumingin siya sa sariling relo. "You can go and eat lunch, it's not good to starve. " Pareho kaming tumango ni Bea bago lumabas ng opisina. "Bea nagugutom na ako, kain tayo?" Aya ko sa kanya. "Kaya ng tayo pinalabas para kumain, hindi ba? "sabay irap niya. Inismiran ko siya, ang attitude eh. Dumiretso kami sa cafeteria ng hospital kung saan maraming hospital staffs din amg naglu-lunch. "Bea, bakit sa neurologist nga pala ako nagpa-check-up? Nabagok ba ako? May brain cancer? Tumor? "takang tanong ko sa kanya habang nilalamon ang isang tuna sandwich. "Wala. Pero sa sobrang katangahan meron, "sarkastiko niyang sabi kaya pinaningkitan ko siya ng mata. "Di joke. Ewan ko kung anong meron sayo, kaya nga tayo bumalik diba para malaman? " Tumango ako ako bilang tugon saka ko binuksan ang isang cup noodles. "Bibili lang ako ng drinks."paalam niya sa akin bago umalis. Naiwan tuloy akong kumakain ng mag-isa. I really hope there's nothing wrong with me. Even Bea, she's not telling me but she's worried about the results, about me. Wala naman akong nararamdamang di maganda, siguro chine-check lang nila yung injury ko talaga. Nabitawan ko ang tuna sandwich at natigilan nang biglamg kumirot ang ulo ko. Sa sobrang tindi ng kirot napahawak pa ako sa likod na bahagi ng ulo ko kung saan ko nararamdaman ang sakit. "Argh." I tried to rub it but it did nothing. Sobrang sakit pa rin. Nakarinig ako ang matining at diretsong tunong at nag-umpisang umikot na naman ang paningin ko. I closed my eyes and held the edge of the table tight. I suddenly feel cold but hot at the same time. What's happening to me? "Here. " A saw a handkerchief in front of my face. At ano naman ang matutulong niyang panyo sa sakit ng ulo ko? Imbis na tanggapin, nag-angat ako ng tingin sa kanya at sinamaan siya ng tingin. San ko yan gagamitin ha? "Use this to wipe that, "tinuro niya ang ilong ko. Hinipo ko naman ang ilalim ng ilong ko at laking gulat nang makita kong may dugo ang kamay ko. Agad kong inabot ang panyo galing sa lalaki at nilapat 'yon sa ilong ko. Nilapitan niya ako at ginabayan ang ulo kong yumuko. "Pinch your nostrils, apply pressure on it, " he commanded. Bahagya akong tumingin sa kanya. Pero dahil nakayuko nga ako, tanging suot niya lang ang nakita ko. He's a doctor, at nabasa ko ang name tag niya sa kabilang din-dib. It says, Aeros. "Okay ka lang po ate? " Binaling ko ang tingin sa batang nakaupo sa isang wheelchair. Matapos akong tulungan ng doktor ay umayos na siya ng tayo at naglakad papunta sa likod ng wheelchair ng bata "Oo naman, "ngumiti ako sa kanya habang nakahawak pa rin sa ilong ko. "Kuya Claude, is she sick? " tumingala ang bata at tinanong ang kasama. "Dumudugo din kasi nose ko minsan eh. " Bahagyang napataas ang kilay ko at inubserbahan ang batang babae. May suot itong beanie at may dextrose sa kamay at oxygen na nakakabit sa ilong, medyo payat at maputla ang siya pero ang cheeks nito at parang siopao sa laki. She has a positive outlook kahit na may sakit siya na kapansin-pansin namang medyo malala. "I don't know, Dream. "sagot ng malamig na boses ng doktor. So Dream pala ang pangalan ng bata? Cute. "Do you have? "naramdaman ko ang matalim na tingin sakin ng doktor. Kahit di ko siya nakikita dahil nakayuko ako, alam kong nakataas ang kilay niya. "No. I don't have, "kampante at sigurado kong sagot. "Maybe,I just don't know. "Wala sa sarili kong dag-dag. "Don't hope for it po," sabi ng bata. "Or else you will be like me, I have meynomatic ukemia. I can't walk properly or eat properly because it hurts," pinisil-pisil niya ang sariling tuhod. "It's myelomonocytic leukemia, Dream." pagtatama ng doktor. "Yun sabi ko po ah?" angal ng bata. "Ate look here, " tinanggal niya ang beanie at dun ko nakita na wala pala siyang buhok. "I lost my long beautiful hair din because of my meynomatic ukemia, "dag-dag niya pa na medyo naiiyak na. "Masakit din po chemo ko po. " Nakaramdam ako ng awa at lungkot para sa batang babae. She's too young to suffer. She doesn't deserve it... "I'm not hoping for it Dream, hindi naman natin alam kung ano ang plano sa akin ni God. " I smiled. Yeah I don't know, no one does. Hindi ko nga alam kung saang direksyon patungo ang buhay ko. Kung may maganda pa bang mangyayari sa akin o wala. Lahat ng natatanggap ko ngayon, puro lang naman pasakit at kalungkutan. How I wish someone would come and save me. Take me away and will let me rest until I recover. And this day, if something really is wrong with me or not, will be the proof that my life is nothing but the worst. "Pero alam mo ba kung ano ang alam ko?" umayos ako at hinarap siya. "Na gagaling ka, that your beautiful hair will grow again!" masaya kong sabi, trying to cheer her up. My heart was blessed with warmth when I saw how the girl smiled because of what I said. "Shye! "It was Bea's voice. "Let's go na Dream? "Anyaya ng doktor kay Dream. "We'll go now. "paalam pa sa akin ng doktor. "Everything will be okay ate. Bye! "huling sabi ni Dream bago sila naglakad palayo. "T-thank you!" Pahabol kong sigaw. "Sino yun? "tanong ni Bea nang makalapit. "Si Dream. "Sagot ko sa kanya at umayos ng upo. Pasimple kong pinahid ang ilong ko at inayos ang sarili. I hid the handkerchief inside my pocket and faced her. "Eh yung doktor? Who is he? Anong pangalan? "Sunod-sunod niyang tanong kaya sinundot ko siya. "Bea ikaw ah, di pa kayo ni kuya pinagtataksilan mo na siya. "Nakangisi kong sabi. "Hindi naman, ang gwapo lang kasi, "maarte niyang sabi at inabot sakin ang water bottle. "Gwapo ba yun?" tinaasan ko siya ng kilay. Di ko naman kasi nakita ang mukha niya. "Oo, hehe." pabebe siyang tumawa. "Mas gwapo asawa ko dun. "ani ko sabay bukas sa tubig at inom. "Tse, "natawa ako sa inasta niya. "Tara na nga! Bumalik na tayo sa office ni Dr. Avendano. "tumayo siya at naglakad. May balak pa atang iwan ako kaya sinundan ko agad. Ewan ko ba sa babaeng 'to, ang hilig sa doktor. — Pumasok si Dr. Avendano na may dalang clipboard, ang CT scan results ata. Tila mas sumeryoso na ang awra niya kesa kanina, tapos nakakunot pa ang noo habang nakatingin sa hawak na clipboard. Umupo siya sa harap namin at huminga ng malalim. "Okay I have two points of discussion. Good and bad. What's first?" May pa-intense pang sabi ni Dr. Avendano. At dahil pa-intense siya nakaramdam ako ng kaba. "Good. "Sabi ko. "The good news is that, it's benign. "ani niyang nagpakunot sa noo namin ni Bea. Benign? He mean, non-cancerous? "While the bad news is, we saw an abnormal grow of cells in your brain, "he said calmly. "Can you please tell me your observations for the past week? "nilipat niya ang pahina ng binabasa. "Did you experienced headaches? Dizziness?" "Y-yes, may umaga ding bigla na lang akong nasusuka dahil sa hilo. "I said. "Other observations? Like you're easy to forget? Nosebleeds? "Taas kilay nitong tanong. Tumango ako. I looked at Bea, wala siyang imik at nakikinig lang ng maigi samin ng doktor. "Nga-ngayon lang, nagka-nosebleed ako. And yes, nakakalimot din ako paminsan-minsan. Pero parang normal lang sa akin yun kasi makakalimutin naman talaga ako. " Tumango-tango ang doktor at tinignan ulit ang hawak. Napakagat ako sa babang labi. Abnormal growth in my brain? And he said the word benign. Does it mean, I have a non-cancerous illness? Kung meron man, I really hope na hindi malala. "Can you please just get to the point? "Iritadong sabi ni Bea. Hinawakan ko ang kamay niya at senenyasan siyang kumalma. "Miss dela Fuente, I am sorry to tell you that you have brain tumor. "literal na straight to the point niyang sinabi. "Like I said, it's benign which mean it is not yet cancerous." sabi niya at diniinan ang salitang 'yet'. Brain tumor? Bigla akong nanlamig dahil sa narinig. Did I heard it right? "There's no exact way on how it occurred but one of the possible reasons are, household and occupational exposure, radiation exposure, family history, so on and so fourth." he explained. Makailang ulit akong napalunok. I don't know how to respond or what to do. I'm just literally stunned right now. "Malala ba yan? Anong mga gamot para jan? "tanong ni Bea sa doktor. She held my hand tighter. "The tumor is currently in second grade, hindi pa gaanong malala yet, it should be worried about. And yes meron, there are so many cures for this, including, surgery, chemotherapies and many more. " Hinarap ng doktor ang CT scan results sa amin including the X-ray of my brain. "This right here, "tinuro niya ang bahagi na may naliit na puti. "Is where the tumor is, maliit pa but it is a big deal. It is located exactly righ here," tinuro niya ang tuktok ng ulo ko. "Anong pwedeng mangyari sa kanya kung nagkataon? What are the risks? What should we do? "tanong ulit ni Bea. "Marami, tulad ng coma, sudden seizures, headaches...While the biggest risk are, the tumor might become malignant, grow, spread, become worse, lastly is death. "he said, frankly. "I will kill your husband Shye," nagpupuyos na sabi ni Bea. "That time, nung naabutan kitang duguan ang ulo. He's the one who did that right?" "You hit your head Miss dela Fuente?" "H-he pushed me, and my head a-accidentally hit something hard," naluluha kong sabi. "B-but that was an accident." Giit ko. "That was clearly not an accident Shye." Matigas nitong sabi. "It can be the reason. But most likely, head injuries causes contusions or blood clots, not tumors—" "Putangina talaga Shye." I bit my lower lip. Oo medyo malakas ang pagbalibag sakin ni Klein nun dahilan para dumugo yung ulo ko at nagka-minor injury. Pero alam ko namang di niya yun sinasadya eh. Masyado lang siyang galit nun. "At tungkol naman sa pagiging makakalimutin mo, there's also an explanation about that, " sunod-sunod na nagtuluan ang mga luha ko. "Memory lost is one of your conditions possible risk. " "s**t. Shye," I heard how Bea's voice trembled. "Kailangan niya ba ng operasyon? Anything?" "For now we can't immediately perform surgery because surprisingly, the patient is high blood, "umayos ng up ang doktor. "But we can schedule that anytime. The tumor is growing, it might become cancerous and worse if ever hindi maagapan. For now, she'll need to undergo chemotherapy and radiation therapies." Literal na tumigil ang buong mundo ko. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Why? Why is it supposed to be me? Masyado nang marami. Kulang pa ba ang lahat? Naghihirap na ako tapos may bigat na ipapatong na naman sakin? Sunod-sunod na nagtuluan ang mga luha ko. What did I do to deserve this? All my life I did my best to be a good person. I committed sins, the biggest one is forcing this marriage, is this karma?? Because it's too much! "Shh.Tama na Shye, "pagpapatahan sakin ni Bea. Ngayon ko lang napansin na nakayakap na siya sakin. "B-Bea una lang ako, " tumayo ako. "Sa-sasakyan lang a-ako. " Walang pasabi akong lumabas ng opisina ng doktor. Narinig ko pa ang pagtawag sakin ni Bea pero di na ako lumingon at dumiretso na sa parking lot. Pagdating ko sa kotse ay duon na ako humagulgol ng malakas, ng sobra. Ang sakit lang kasing isipin ng lahat ng nalaman ko. Kung bakit ganito ang buhay ko. —— "Shye, the doctor gave me the list of your medications, I'll buy those for you. Tapos tinatanong ng doktor kung gusto mong magpa-confine na lang sa hospital para mas matutukan ka. You also need to less your stress at wag magpapagod." Paalala niya. Nakasandal ang ulo ko sa bintana ng kotse, umiiyak pa rin ako hanggang ngayon. The situation immediately sank in. But I'm still in shock and can't accept it. "I'll keep in touch with the doctor in terms of the radiation therapy, ako na bahala dun." Nanatili akong tahimik habang tinitignan ang daan at mga kotseng sumasabay sa gilid namin. Ayaw kong pag-usapan. I can't right now. "Shye anong plano mo? May plano ka bang savihin to sa pamilya mo? Kay Klein? " What she said caught my attention. "W-wala. Ayaw ko munang sabihin, "garalgal kong sabi. "Pero Shye-" "Bea wag muna natin 'tong pag-usapan please? Pagod ako. Hayaan mo ako, "binalik ko ang pagkakasandal ng ulo ko sa bintana ng kotse. Buti na lang at hindi na siya nagsalita pa. Gabi na. Nanatiling tahimik ang buong byahe hanggang marating namin ang bahay. Walang gana kong tinanggal ang seatbelt at akmang bababa na nang pigilan niya ako. "Shye? Kausapin mo ako ah? Wag mong iisipin na nag-iisa ka lang, nandito ako. Kung anong mga plano mo, sabihin mo lang sakin. Tutulungan kita, "naiiyak na sabi ni Bea. Niyakap ko siya. "Okay lang ako, wag kang mag-alala. Wala lang tong sakit na 'to sa lahat ng pinagdadaanan ko. "I assured her. Bumaba na ako sa kotse niya at pumasok. Pagkaalis niya ay doon ko na binuhos ang lahat ng emosyon na kanina ko pa kinikimkim sa byahe. Iniisip ko pa*lang ang lahat ng pwedeng mangyari sakin bumibigay na lahat ng emosyon ko. It just hurts, big time. Pumasok ako sa madilim naming bahay. Gusto ko na munang magpahinga. My brain is not processing well right now. Once I get up, I'll start to think about it. Paakyat na ako ng kwarto nang may magsalita. "Where have you been? " Ang baritonong boses na iyon. Agad kong nilingon ang nagsalita na prenteng nakasandal sa pader ng sala. Bakas ang pagkagulat niyang nang makita ako na agad din namang nawala. Ang lalaking 'to. Ang lalaking 'to na ilang taon ko ng hinihingan ng pagmamahal na hanggang ngayon ay di niya pa rin binibigay. Ang lalaking sinira ko. Pano na lang siya kung sakaling wala na ako? Anong mararamdaman niya kung sasabihin ko sa kanya na may sakit ako? Sasaya ba siya? Pano na lang kung di ko siya mabuo? Kung di ako umabot? "Ang sabi ko, saan ka galing?! " Sigaw niya na nagbalik sa akin sa huwisyo. Agad kong pinahiran ang mukha kong kanina pa basang-basa. "S-sa bahay lang ni B-Bea. "pagsisinungaling ko. Wala pa akong planong sabihin sa kanya ang kalagayan ko, hindi dahil sa ayaw ko siyang mag-alala dahil imposible iyon, kundi dahil ayaw kong kaawaan niya ako. "Kumain ka na?" pag-iiba ko sa usapan. Tinaasan niya ako ng kilay, as if he's checking me out. I know he's thinking about something bot good. Not now, Klein, not now. "Tsk, " ismid niya at umakyat na sa taas. Just like that, he left me. Seeing him like he doesn't care hurts a lot. Wala siyang pakealam. Nasagot ko din ang sariling tanong kung anong mararamdaman niya kung sakaling malaman niya ang kalagayan ko. Wala siyang pakealam. Sino nga ba naman ako diba? Ako lang naman 'tong taong mahal na mahal siya na kahit kailan hindi niya mamahalin. I don't even know if he'll feel sympathy or just laugh in victory?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD