Chapter 7

4642 Words
Luna's Point of View  Dry, it feels dry. Minulat ko ang mata dahil sa uhaw na nararamdaman. My throat feels dry and my mouth tastes bitter. Hindi rin ako makahinga ng maayos dahil sa bigat ng dib-dib.  Kinusot ko ang mata at nilinis ang bawat sulok nito. Tatayo na sana ako nang mapagtanto ko kung ano ang nagpapabigat  sa katawan ko.  Klein? Hinipo ko ang buhok na nakatakip sa mukha nito, saka ko nasigurong si Klein nga. Nanlaki ang mga mata ko nang gumalaw ito at hinigpitan ang pagyakap sa bewang ko. Nakayakap?!  I laid myself down, slowly. Hindi ko alam pero gusto kong tumili. I could feel the tingling butterflies flying inside my tummy. Sinilip ko ulit ang mukha nito para talagang masiguro, at siya nga, si Klein nga!  Kalahati ng katawan niya ay nakadagan sa akin, mabigat oo, pero kailangan pa ba yung intindihin? Ang importante ay katabi ko siya ngayon at nakayakap siya sa akin. Ni hindi ko alam kung paano kami nagkasya sa sofa na 'to na hindi naman gaano kalaki.  I started to play with Klein's black, thick hair. Sobrang lambot ng buhok niya, ngayon ko lang' to nahawakan eh. Gently, I started to comb his hair using my fingers, back and forth.  Anong oras na ng madaling araw ako nakatulog. Parang bata ko kasi siyang inalo, I even cleaned him. Dadalhin ko pa sana siya sa kwarto niya nang daganan niya ako matapos ko siyang itayo.  He's so different when he's sober. Ibang-iba sa matinong siya. There's two types of him that I need to handle whenever he's drunk, his aggressive and angry state, or his emotional and broken state. Lately, napapansin ko na tuwing umuuwi siyang lasing, ganito ang nagiging estado niya. He's cries, calls out for someone, starts to say things like he's sorry or how much he loves the one he's calling. Wala naman na akong ibang maisip pang babaeng tinutukoy niya, kundi si Samantha.  Si Samantha na mahal niya, si Samantha na miss niya na, si Samantha na kailangan niya.  Nilibot ko ang paningin at saktong huminto ito sa wall lock. It's already five-thirty in the morning. It's my call, kailangan ko nang kumilos.  Hinawakan ko ang ulo ni Klein at bahagyang tumagilid. Marahan akong umupo ng patagilid habang alsa ang ulo ni Klein, buti na lang at nagawa kong makaalis sa tabi niya nang hindi siya nagigising. Inayos ko ang pagkakahiga niya, lalo na ang unan.  "Good morning." I greeted and kissed his forehead.  Nang makatayo ako nang maayos ay bigla na lang nagdalawa ang paningin ko. Napahawak ako sa sandalan ng one seater sofa nang lumala ito. I feel sick.  Mabilis akong tumakbo papunta sa kusina nang maramdaman ko ang nagbabadyang kung ano sa lalamunan ko. Nang makalapit ako sa lababo ay agad ko nang nilabas ang suka ko.  Hingal na hingal ako pagkatapos. I kust vomited what I ate last night. Masama lang ang pakiramdam ko, pero hindi naman ako nilalagnat? Ano ba ang nangyayari sa akin?  Matapos kong magsuka, tumigil na rin ang pagkahilo ko. I felt even better after letting it out. Nagmumog ako at nilinis ang sink. After that, I tied my hair into a bun and wore an apron.  Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti habang nagluluto. Wala lang, ang ganda ng gising ko kahit na nangangalay yung balikat ko.  I just can't believe that Klein and I slept together. Iniisip ko pa lang na sobrang lapit namin sa isa't-isa, kinikilig na ako. Tuloy medyo nabawasan ang lungkot ko dahil sa mga naging pagtatalo namin. Kahit na maliliit na bagay, basta ba't kasali si Klein o kaya siya ang dahilan, masaya na ako.  Just thinking how close we were last night make my feelings light up and burn. Masarapan nga ng sobra 'tong luto ko para sa kanya. Hindi ko siya ipagluluto ng heavy meal ngayon, for sure may hangover siya. Soup will be good.  Nataranta ako nang marinig ko ang sunod-sunod na yapak papalapit sa direksyon. Sino pa nga ba? Para akong natuod sa kinatatayuan habang hinahalo ang sopas. s**t, why is my heart thumping so fast? I couldn't move.  "Good-good morning Klein. "bati ko sa kanya.  Nakita ko siya sa peripheral vision ko. Kumuha siya ng tubi sa ref at tumayo ilang hakbang malapit sa akin at uminom.  I bit my lower lip because of the noticeable and fast beat of my heart.  He exchanged my greeting with an exhausted groan. For sure he's not in good shape.  Bahagya siyang lumapit sa akin kaya mas lalo akong natuod. Sumilip siya sa niluluto ko habang ako eh parang tanga na halo lang ng halo. He sighed in relief, inamoy niya ata.  "Matagal pa ba 'yan?" his husky morning voice asked. Napakurap-kurap ako at tumingin sa niluluto. Luto na pala, ka in-off ko ang electric stove.  "Luto n-na."  "Hmm, I'll go shower." paalam niya sa akin bago dumaan sa likod ko at tuluyang umalis ng kusina.  Nangiti ulit ako. Mukhang maganda rin ang gising niya ah? Himala at hindi niya ako inaway. Inayos ko na ang mesa. Katabi ng sopas niya ay isang Korean hangover reliever.   Pagkatapos kong ihanda ang kakainin niya ay lumabas ako sa likod bahay para diligan ang mumunti kong tanim.  "Good morning!" masaya kong bungad sa mga tanim ko.  Kinuha ko ang hose at simulan silang basain. Hindi naman gaanong marami ang mga tanim dito, pero nawiwili ako sa laki ng space.  Mamili kaya ako ng punla at halaman? Siguro mamaya, aalis ako. Wala naman akong ibang gagawin, at malinis pa sa mineral water ang bahay. Mahihiya nang bumisita ang mga langaw sa linis.  "f**k!"  Mabilis kong binitawan ang hose at patakbong pumasok sa loob ng bahay. Hala, anong nangyari?  Naabutan ko si Klein sa sink, may kung ano siyang niluluwa. Pagtingin ko sa mesa ay nakita ko ang bukas nang hangover reliever.  "What the f**k is that Luna? Goddammit!" reklamo niya at patulay na nangdudura. "Para sa hangover, "nilapitan ko ang maliit na bote na nasa mesa. I picked it up to smell it, ni walang amoy.  Itinapat ko ang botse sa labi ko at akmang iinom nang magsalita bigla si Klein.  "The f**k you gonna do?" kunot noo niya akong nilapitan.  "Titikman ko." sagot ko habang nakabitin ang bote sa labi ko.  He rolled his eyes, "It does not taste good, didn't you see? It grossed the hell out of me." binawi niya mula sa akin ang maliit na bote.  "Konti na lang, ubusin mo na para maging okay ka na." sulsul ko sa kanya.  Masama niya akong tinignan, "Where did you buy this?" I chugged the reliever until its last drop. "Oh God! This...is so gross." he shook his head.  "Sabi kasi ni Bea, magandang reliever daw 'yan eh." kinuha ko siya ng tubig sa ref at inabot sa kanya. "Eto." Tinanggap niya ang bottled water at ininom hanggang maubos.  "Hindi ka na kakain?" tanong ko nang magsimula siyang maglakad palabas ng kusina.  "I lost my appetite, " nakatalikod niyang sabi. "But I'm full." patuloy niya.  Napatingin ako sa bowl niya. Rumehistro ang masayang ngiti sa mukha ko nang makita kong naubos niya pala ang sopas.  Nang maligpit ko ang pinagkainan niya, ako naman ang sunod na kumain. Para na naman akong tanga kasi habang kumakain, ngumingiti pa rin ako. We just had a normal conversation. It's my first time waking up beside him, and it's one of the few times we talked normally. After all those fight, it feels kinda weird that I myself feels like everything is alright.  Bilang lang sa buhay namin ni Klein ang ganitong mga pangyayari. We always fight nor he always hurt me. We don't really have that opportunity to talk to each other normally. It's like we're both strangers to each other, living in the same roof.  Kaya kahit maliliit at maayos na inyeteraksyon lang sa pagitan naming dalawa, sobrang saya ko na. Kasi minsan lang eh.  Matapos kong kumain ay naghugas ako ng plato at tumungo sa sala para ayun ang couch na sobrang gulo. Habang nag-aayos, hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong ngumit. Bakit ba? Haha.  "Why are you smiling?"  Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat nang marinig ko ang boses na 'yon. Mabilis kong binura ang ngiti ko at tumingin sa direksyon.  Umiling lang ako bilang responde sa sinabi niya. Iniripan na naman ako. Tsk, tsk.  "Do this for me." he commanded.  Tinignan ko ang necktie na nakapalibot sa kwelyo niya. Lihim akong natawa dahil 'ron. One of the least thing he can do is doing his own necktie. Kaya nga tuwing pumapasok siya ay hindi siya nagsusuot ng business suit, dahil nga di siya marunong mag-necktie. Kung magsusuot man siya, minsan lang o kaya tuwing may ganap sa kompanya.  Lumapit ako sa kanya at sinimulang ayusin ang kurbata. Ang bango lang ng asawa ko. I don't know but he always have this scent that my nose likes so much. Hindi ko alam kung perfume ba ang naaamoy ko o yung katawan niya? His scent is reeking and it's tingling in my nose.  I love everything about this man. We're not in the best shape of our relationship but,I want to stay with him until we're okay. I don't want to give up on him, it's already almost three years, I can't give up now.  Habang inaayos ko ang necktie niya ay nahuli ko siyang nakatitig sa akin kaya napalunok ako ng sunod-sunod. It's a sharp glare. Isang matalim na titig na nagpapatalon sa puso ko. Bahagya niyang nilapit ang katawan sa'kin kaya bahagya rin akong umatras. Yumuko siya dahilan para magkapantay kami at ang mga mukha namin.  I tried my best not to look at him. Nakakailang. My heart is beating so fast, para nang sasabog ang puso at pagmumukha ko dahil sa init na nararamdaman.  I pressed his chest after I finished fixing his necktie. Plinantsa ko rin ang mga parte ng damit niyang medyo kunot gamit ang mga kamay ko. "You're all done, "nakangiti kong sabi. Tinignan ko siya nang may pagkamangha sa mga mata. He looks so good and handsome.  "Don't look at me like that." He smirked. Mabilis kong binura ang ngiti. I am just admiring you.  Umiwas ako ng tingin at bahagyang lumayo sa kanya. Right, magpapaalam pala ako. Bago ko pa man masabi ang sadya ko eh, inunahan niya na ako. "Our parents will come visit later, prepare yourself and something for dinner, "he wore his coat. "I want you to stay here Luna, I don't want anyone seeing you going out from this house. " Humupa ang sayang kanina ko pang nararamdaman. He doesn't want me to go out so no one will see me coming out from his house and starts to think that we're something, that's what he meant.  "Okay, "malungkot kong tugon. Tumingin siya sa akin at agad ring nag-iwas.  "And don't you ever say something to them. Remember what I told you—" "Let's keep this as our business, I know. "putol ko sa kanya. "I won't say something." Sumilay ang ngisi sa labi niya. Ilang ulit niya nang sinasabi sa akin ang tungkol sa bagay na 'to. Ang hindi magsumbong sa mga magulang namin, na kami lang sa problema naming dalawa.  "Good girl Luna, "he said, gladly. I was about to dodge when he raised his hands, akala ko sasaktan niya ako pero, hinimas niya lang pala ang ulo ko, nagmukha tuloy akong aso. "Pwede bang pumunta ako sa kapitbahay? "He raised his brow because of what I asked. "Hihingi lang ako ng punla, magtatanim sana ako sa likod. "Nag-iwas ako nga tingin, ayaw kong makita ang galit niyang mukha.  "Do what you want, just don't do things that will surely make me hurt you. "mayaman niya akong tinignan. "You know what I mean by that, Luna." He look at me with such expression where his warning hunts me. I won't say anything. Hindi ako magsasalita laban kay Klein. Almost three years, nanatili akong tahimik at wala pa akong planong basagin ang katahimikan ko. Because I know, once I say something he will hate me. Once I say something, I will totally lost him.  Nang makalabas si Klein ay dinampot ko ang walis at dust pan, magwawalis ako sa labas ng bahay. After sweeping the front of our house, I went to the Rodriguez residence. Nanghingi ako ng punla kina ate Baby, ang kasambahay ng mga Rodriguez na kaibigan ko rin. Marami-rami ang binigay niya sa akin at iba't-iba pa. In this village, everyone knows me as a maid. Tuwing may nagtatanong, sinasabi kong kasambahay ako ni Klein. At first, hindi sila makapaniwala but then, nadadali ko naman sila. In fact, I'm registered as a maid in this village. May ID pa nga ako eh. Sinimulan kong magbungkal at maghukay ng lupa. Mataba ang lupa sa likod bahay kaya magandang tamnan. Pagkatapos ay sako itinanim isa-isa ang mga punla. Yung iba naman ay inilagay ko sa paso.  Pag nakalabas ako ng bahay, bibili ako ng fertilizer at ilan pang garden tools. Mabuti na ang ganito, para kahit papaano May dagdag akong libangan dito sa bahay. "Ahh. " daing ko nang biglang kumirot ang ulo ko. Marahan kong ibinaba ang malaking paso na ililipat ko sana. I held my head, it feels like it's going to burst.   Hingal na hingal ako, nagsimula ring manlamig ang pakiramdam ko. I feel awful. Napapadalas na ang pagsakit ng ulo ko, siguro may migraine ako.  "s**t. "mura ko sa sakit. Halos maluha na ang mga mata ko sa sobrang sakit na nararamdaman.  Pagewang-gewang akong naglakad papasok ng bahay, leaving my unfinished work. Tuwing napapadaan ako sa mga pader ay kinukuha ko ang pagkakataon para makakapit.  Nang marating ko ang sala ay humawak ako sa sandalan ng sofa. Muntik pa akong natumba pero sa huli, sinalo ng sofa ang nanghihina kong katawan. _ Pabalik-balik na tunog ng doorbell ang gumising sa diwa ko. Sobrang ingay at ang kati sa tenga ng tunog. Wala akong nagawa kundi bumangon, buti na lang at kahit papaano ay naibsan ang sakit ng ulo ko. Salamat sa magandang tulog.  Walang lakas akong naglakad papunta sa front door. Tiningnan ko ang maliit na monitor na nakakabit sa wall ng front door, nakakonekta ito sa camera ng gate.  Napakurap-kurap ako nang makita ko ang isang lalaking naka-business suit sa monitor, he's standing outside the gate, constantly pressing the doorbell. Habang sa likod niya naman ay may dalawang  itim na sasakyang nakaparada.  It's as if I was shot with adrenaline after I realized who the man is. It's Mr. Brandon Rios Montero, Klein's dad.  Mabilis pa sa alas-kwatro akong nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay tumakbo ako palabas ng bahay para pagbuksan sila.  Nang makapasok sila ay sinara ko ulit ang gate at tumayo sa hagdan sa harap ng bahay. Habang di pa sila nakakalabas ng tuluyan mula sa kotse nila ay inayos ko pa ang sarili. I bit my lip after I saw how messy I am. Sobrang dumi ng suot kong t-shirt tapos puno pa ng lupa ang mga kamay ko. I didn't even bathed yet, well yes I bathed in sweat earlier and it's all dry now. Ang baho at dumi ko! 'Our parents will come visit later, prepare yourself and something for dinner.'. Right, I totally forgot what he said. "Ijha!" napakurap-kurap ako dahil sa pagtawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Mrs. Calli, she's constantly coming straight ahead of me with her arms wide open for a hug.  Nang makalapit siya sa akin ay di siya nagdalawang isip na umakap sa akin. Sa kabila ng karumihan ko, niyakap niya pa rin ako. Even though her aura is shouting with elegance, there's she is, hugging a rug like me. Isa sa mga nagustuhan ko sa mama ni Klein, she's warm at hindi maarte.  "What happened to you?" she pulled away from the hug. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at tinignan ang karumihan nito. "Ah, galing po kasi ako sa likod, "yumuko ako dahil sa sobrang hiya. "Nagtatanim..." "That's good, mahilig ka rin pala magtanim," nagtaas ako ng tingin. You should visit the farm next time, I'll give you seeds, plenty. "tinaas-baba niya ng kilay.  Ngumiti ako at tumango. She's so nice, very nice.  Lumapit sa amin ang asawa niya, kumuha ito ng panyo mula sa kanang din-din at pinunasan ang mukha ko gamit 'yon. Shocks! May dumi din ako sa mukha, sobrang nakakahiya! Nadali ng dalawang tao sa likuran ang pansin ko. Sina mama at papa. Happiness sprinkled on my heart when I saw them. Miss na miss kos sila. "Pasok na po kayo mama, papa. "imbita ko sa kanila.  Unang pumasok ang mga magulang ni Klein, nang makapasok sila ay hinarap ko naman ang mga magulang ko. I showed them a wide and happy smile. I miss them so much.  I was about to hug mom but, she dodged and raise her hand in front of my face that made me stop from my attempt.  Matalas niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. After that she looked at me in the eyes with disgust and disappointment.  "You know that we are coming, don't you? Look at yourself!" pigil sigaw niyang sabi. "Kahihiyan." she said emphatically and averted her eyes. Bahagya akong yumuko at mariing pinikit ang mga mata. There she goes. Minsan na nga lang kaming magkita, ganito pa siya. Ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? She will never come to me with excitement in her eyes, hence there's the disappointment. Tuluyan siyang pumasok sa loob ng bahay. Dad remained in front of me.  "Go, clean yourself." He commanded. I nodded, after that he also entered the house.  Dad's a little bit different from mom. Mahigpit rin siya pero di tulad ni mama. He never looks at me like a disappointment, imbis na gatungan pa ang masasamang sinasabi sa akin ni mama, sinasabi niya akong umayos at kung ano ang dapat gawin. Kahit papaano, ginagawa niya pa rin kung anong dapat bilang ama. "The house is so beautiful and clean, "manghang sabi ni Mrs. Montero nang makapasok ako sa loob ng bahay. "Well maintained Luna."nakangiti niyang sabi. Sa kabilang banda, tahimik lang sina mama at papa habang sinusuri ang bahay. Pinaupo ko silang apat sa sala at nag-serve ako ng meryenda sa kanila, cake and juice.  Pagkatapos ko silang paghandaan ay nagpaalam ako sa kanila na maliligo muna ako. Buti na lang at di nila napansin na tumungo ako sa isa sa mga guest room. Naging maingat ako eh, hindi pwedeng magkaroon sila ng kung ano-anong hinala. I wore a simple house dress, color blue and is designed with stripes that embraces my waist perfectly. Pinusod ko rin ang buhok ko at naglagay ng kaunting pabango. I want to look simply formal infront of them. Para naman masabi nilang maayos ako bilang asawa ni Klein. Yung tipong nakakasabay ako sa kagwapuhan ng asawa ko.  "By the way, we are going to discuss something with you and your husband. "ano Mr. Montero. "Later when your he's home."sabi ng dad ni Klein. Both of our parents doesn't know what's happening to us. Di nila alam ang pananakit sa akin ni Klein. Sinubukan ko namang sabihin kina mama at papa noon, pero di sila naniwala. Imbis na maniwala, pinagbantaan nila ako na wag sasabihin sa parents ni Klein at na wag daw kuno akong mag-inarte. Baka kasi maputol ang business partneship nila kung sakaling magsumbong ako. They'd rather lose me than their business and money. Pero noon yun. Ngayon, hindi na. I never told nor complain about how Klein treated me, they won't care. Isa pa, na-realize ko rin ang mga pwedeng mawala sa akin pag nagsumbong ako. I think this night is going to be important. Halata naman kasi gathered silang apat. Hindi ko alam kung ano ang gusto nilang pag-usapan at kailangan nandun talaga kami ni Klein. Maybe it's about us? It's obviously is.  Klein's mother helped me prepare dinner. We talked and laugh nonstop while cooking. Habang si mama ay busy sa pagkalikot ng cellphone niya, at sina dad naman ay nagkukuwentuhan tungkol sa business.  "So how's married life?" she asked all of a sudden. "Ilang buwan ko din kayong di nakita, kamusta kayo ni Klein?" I bit my inner lip because of what she asked. I didn't waste any time and answered her question. "We're fine, masaya po kami. "para akong nawalan nang lakas dahil sa sinabi. Sinungaling ka talaga Luna, napakasinungaling mo. Tinignan ko siya at ngumiti na siya rin namang ginanti niya sa akin.  "I'm happy you're happy, sobrang saya ko na ikaw ang nakasal sa anak ko. "hinimas niya ang baba ko gamit ang isang daliri. "Napakaganda mong bata." I saw amusement in her eyes, it's as if she's so proud of me, so proud of how I grew as a lady. My own mother never looked at me the way she does. It's just so warming. Alas-sais na nang matapos namin ang pagluluto. Tinulungan kami ni mama na ihanda ang mesa. Steak, garlic-chicken at ham. Yan ang mga niluto namin ng ina ni Klein.  Naglalagay ako ng mga plato sa mesa habang nilalagyan naman ni mama ng mga kubyertos ang bawat gilid nito.  Nakarinig kami ng pagbusina sa labas ng bahay. For sure it's Klein, guess he managed to open the gates by himself. "Ako na. "presinta ng ina nito at naglakad palabas ng kusina. Napatingin ako kay mama na busy sa paglalagay ng mga kubyertos. I want to talk to her but, I'm scared that she'll just push me away. Kahit na hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin, mahal ko pa rin siya at syempre namiss ko. "What are you looking at? Put the plates, God Luna!" inirapan niya ako at binalik ng tuon sa paglalagay ng mga kubyertos. Iniwas ko ang tingin sa kanya at nilagay ang mga plato. See? That's how my mother is.  "How's your work my son? "rinig kong tanong ni Mrs. Calli kay Klein, palapit na sila sa kusina. Pagkapasok nila sa dining area, agad na nagsalubong ang mga mata namin ni Klein. Walang kubg ano mang reaksyon sa mga mukha niya pero alam kong sa kaloob-looban niya ay kating-kati na siyang higitin ako at tanungin kung may sinabi ba akong ikakasira niya. I smiled at him with assurance that I did nothing and said nothing.  Marahan siyang naglakad palapit sa akin. Natuod ako dahil sa lagkit ng pagkakatingin niya sa akin. God, lalamunin niya ba akong buhay? "Wife, I missed you. " Nanigas ako ng tuluyan dahil sa sinabi niya. Inilagay niya ang kamay sa likod ko at tinulak ako palapit sa kanya. He, gave me a hug. Sana ganito lagi tuwing umuuwi siya, hindi yung kung kailan nandito lang yung parents namin.   "Act like a wife. Lets act we're inlove."bulong niyang bumawi sa kasiyahan ko. He kissed the side of my forehead before letting me go.  "I-I missed you too. "pilit akong ngumiti. Yeah right, let's act like we are happy. Let's act to hide the bruises and pain you gave me.  "Mamaya na yan, umupo na kayo at kakain na. "Mrs. Montero cut our scene. Nakangiting nilingon ni Klein ang ina. Pinaghila niya ako ng upuan at ginabayan ako paupo. He's acting like a good-gentleman. Pero mamaya pag wala na ang mga magulang namin, sigurado akong babalik na naman siya sa dati.  Paupo na si Klein nang mapansin ko ang banggaan ng mga titig nila ng dad niya, malamig at matigas ang mga iyon.  On the other hand, I really can say that Mr. Baron's face is Klein's when he was young, magkaparehong-magkapareho sila ng mukha, mag-ama nga. So, if this is the kind of acting he wants, I'm going to seize it. Kung ngayong lang kami magiging mag-asawa, edi susulitin ko na. Kung pwede nga lang, dito ko na patirahin mga magulang namin para ganito siya sa akin palagi. Tahimik ang naging unang minuto ng aming pagkain. Ang sakit sa tenga kasi sobrang tahimik, tanging pagbabangaan ng plato at kubyertos lang ang naririnig.  "How's life as a married couple?"my dad asked without throwing a glare on us. "Happy, I'm happy with your daughter, sir. "sagot ni Klein sabay tingin at ngiti sakin. His smile melted my heart. It's sure fake but, can make everyone believe. "Di ba sakit sa ulo ang anak namin sayo? "tanong naman ni mama na parang binibigyan ng malalim na kahulugan ang tanong. Klein looked at my mom, "Hindi naman po. A bit stubborn sometimes but, totally fine. "I am more than a headache for this man. What he's spilling right now is the total opposite of what he really wants to say. "How about you Luna, how is Klein as your husband? "bumagal ang pagnguya ni Klein sa naging tanong ng mommy niya. Napaigtad ako nang lumapag sa hita ko ang kamay ni Klein. Pinigilan ko ang sarili kong hindi maisigaw ang sakit. He just gripped my leg, and it hurts like hell. "O-okay naman po, he's sweet and caring. "tipid na sagot ko. Napangiwi ako nang luwagan niya ang mahigpit na pagkakahawak sa hita ko.  Marami pang napag-usapan na tungkol sa amin ni Klein, panay sila tanong ganito-ganyan. Habang kami naman ay panay din ang pagsisinungaling sa bawat sagot. "Kukunin ko lang po yung juice at cake. "paalam ko at tumayo.  Dumiretso ako sa kusina. Tumukod ako sa sink dahil na naman sa biglaang pagkahilo. I can't help but to cry. Ang sakit isipin na nagpapanggap lang kami. Di kami totoo sa mga sinasabi at nararamdaman namin, sa kung ano ang pinapakita namin sa kanila.  Marahan kong tinaas ang bistida ko at tinignan ang aking hita. Mas naiyak lang ako nang makita ko ang pamumula nito. Nagsisimula ng umitim ang mga gilid nito. Klein gripped my thigh really hard, hanggang ngayon ay kumikirot pa rin.  "Anong iniiyak-iyak mo jan? "a voice asked that gave me chills. Agad kong nilingon ang nagsalita. Sinundan niya pala ako. Agad kong pinunasan ang mga luha at nag-iwas ng tingin.  "Wa-wala. "tipid kong sagot at kinuha ang cake na dala ng ina niya.  "One wrong move Luna. "banta nito. God knows I won't do any wrong. Hindi niya na kailangan pang ulit-ulitin o kaya hugutin ng mahigpit ang hita ko.  Inagaw niya ang cake mula sakin at umalis na. Huminga muna ako ng malalim at inayos ang sarili bago sumunod.  "Klein, pupunta ka ba sa ball? "tanong ng mama ko sa asawa ko. "Yes. "sagot ni Klein na hanggang ngayon ay kumakain pa rin. Ni hindi niya man lang tinignan si mama. And the way he answered is kinda rude.  "Oh nice. "pilit na ngumiti si mama,halatang napahiya siya sa inakto ni Klein. Tumikhim si Mrs.Calli. "Eh kailan niyo naman kami bibigyan ng apo?" Halos mabuga ko ang iniinom na juice dahil sa sinabi ng ina niya. Ni hindi nga kami magkasundo ni Klein eh, pano yun mangyayari? That's impossible.  "Kayo talaga mom—" "Not now but soon, ma. "sagot ni Klein at kinindatan ako. Di ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano. Nagtawanan at nagkwentuhan kami sa hapag. Hanggang sa matapos kaming kumain.  "Klein, Luna. "tawag samin ng dad niya.  "Kaya kami nandito para ipaalam sa inyo na ikaw Luna, ay magtatrabaho na para kay Klein. " Naibagsak ni Klein ang mga kubyertos na hawak dahil sa sinabi ng papa niya. Habang ako naman ay natigilan. Ako? Magtatrabaho para kay Klein? "Dad, that's not necessary, "mapaklang ngumiti si Klein. "I  don't want my wife to—" "I heard from Mrs. Chen that you have been constantly removing your secretaries, "sumeryoso ang paligid dahil sa kanilang dalawa. "You're not even letting them reach a week." "So? That's because I don't like them, dad."bumakas ang inis sa boses ni Klein. "That's why I am assigning Luna, as your new secretary. " What?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD