Chapter 4

3456 Words
Luna's Point of View  Nagising ako na wala sa kwarto ko. Pagkamulat ko ng mga mata ko ay  sumalubong sa akin ang napakaliwanag na kwarto na may di pangkaraniwang amoy. Kulay puti lahat at amoy IV fluid.  "Shye you're awake. How are you feeling? "nabigla ako sa mabilis na paglapit ng kung sino sa akin kaya mabilis rin akong napalayo. I looked at her with fear in my face.  "Relax Shye, it's me, Bea." bakas ang pag-aalala sa mukha niya habang nagpapakilala.  I calmed down and let my fear fade away. I winced in pain after my head tingled in pain. Kinapa ko ito at nagulat na lang nang makapa ko ang isang magaspang na tela na nakabalot sa buong ulo ko.  Tinulungan ako ni Bea'ng sumandal sa sa ulunan ng kama kung saan ako nakahiga. I'm confused and I feel nothing but body pain.  "Okay ka lang? May masakit pa ba sayo? "punong pag-aalala niyang tanong. I can see it in her eyes, she's really worried.  "I'm okay. "I tried to assure her with a smile. "Nasaan ako?"tanong ko at inilibot ang tingin sa buong kwarto.  The truth is that I don't really feel fine, my head hurts and I'm hugry, super hungry.  "Langit, Luna. Namatay ka dahil sa katangahan mo. "may halong inis ang pagka-sarkastiko niya na agad kong pinangunutan ng noo. "Kidding, nasa hospital ka. Obviously. " "Why am I here? "naguguluhan ko pa ring tanong dahil wala talaga akong idea kung bakit ako napunta dito sa hospital.  "Because of your jerk husband. "he rolled her eyes and transferred beside me. The idea hit me. Dahil kay Klein nandito ako, for sure nasobrahan ang pananakit niya sa akin.  "Dalawang araw kang tulog, alam mo ba yun?"  Dalawang araw. That's long. Ganun ba kalala ang ginawa niya sa akin?  Saka ko naalala ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito. Klein abused me to the extent that I fainted. Klein left me there. Alone in that dark shady and dirty place. Kinadena niya ako at buong araw na kinulong doon.  Buong araw akong umiiyak at namilipit sa sakit sa loob ng storage room nung araw na 'yon. I kept on calling his name and pleaded for so many times but, no one came and opened the door. Of course he wasn't there, of course he wouldn't care.  Isang araw na walang kain at tubig, di na nakakapagtaka kung bakit ako nawalan ng malay at kung bakit ako nandito ngayon. It's the first time that he did this to me. Sobrang galit niya sa akin at muntik niya pa akong napatay.  "Si-sinong nagdala sakin dito?" I asked. Even though Klein is the reason why I'm here, I'm still hoping that he's the one who brought me here.   Isa pa, siya ang huli kong nakita bago ako nawalan ng malaymkaya posible naman hindi ba? Posibleng kahit noong gabing lang na iyon ay pinakitaan niya ako ng pag-alala. "Sino pa ba? Edi ako. "turo niya sa sarili. Di ko maiwasan na hindi malungkot, umasa lang naman ako sa imposible.  "Alam mo? Ang swerte mo at naisipan kitang daanan. Actually plano kong mag-stay over since di pa ako nakakapag-book ng hotel." she stated. "Then I saw you gate and doors open kaya nag-alala ako at agad na pumasok." umawang ang mga labi niya. "There I saw you lying in the floor tapos si Klein naman, nakatanga lang. Akalain mo yun? Duguan ka na nga at lahat-lahat, wala pa ring pakealam yang asawa mo..."  Nabalot ang buong kwarto ng kuda ni Bea. Sermon, sermon, sermon. Yung ang ginawa niya. Nakakainis nga eh kasi kakakita lang namin matapos ang dalawang buwan niyang pagkawala dahil sa trabaho, tapos sermon ang pasalubong niya sa akin.  Sadness filled my system after I thought of what happened. Kinulong niya ako sa storage room ng isang araw at wala man lang siyang ginawa noong nawalan ako ng malay. Pero guess what? Wala siya dito at wala man lang siyang pakealam.  Habang patagal ng patagal kami ni Klein, palala na rin siya ng palala. Baka sa susunod ay matuluyan niya na talaga ako, wag naman sana.  Buti na lang din talaga at dumaan sa bahay si Bea. Siguro wala na ako ngayon dahil paniguradong walang gagawin si Klein kundi ang titigan lang ako hanggang sa mawalan ng buhay. Gosh, how come I tolerate this? Bakit ganito? Sa kabila ng mga nangyari wala pa rin akong nararamdaman na pagkamuhi kay Klein. Bakit ba ang lakas ng tama sa akin ng lalaking yun?  I know I'm also risking my own life here. But I don't why I still can tolerate this. This isn't even normal anymore. Walang taong gustong masaktan. Pero ako? Bakit ako nag-e-stay?  Siguro dahil yun lang ang tanginang paraan para makasama ko si Klein. Ang tanging paraan lang ay ang masaktan ako para manatili siya sa sa akin, kahit na ang totoo ay di naman talaga siya naging akin.  "Luna, iwan mo na kaya siya?" napukol ko ang tingin kay Bea matapos niyang sabihin ang mga malalakas na salitang 'yon. "Wala siyang nadudulot na mabuti sa' yo. Just go, leave, and run away with your brother." she suggested while looking directly into my eyes.  "Bea..."  "Luna ayaw ko lang na sa susunod na magkita tayo eh nakaburol ka na dahil sa kanya," nag-uwas siya ng tingin. "I'm just worried, you know?"  I let out a deep sigh. I fully understand why she's worried and I know that she is just concerned. Pero hindi madali eh...hindi madali.  "Hindi lang naman dahil sa kanya kaya ang nag-e-stay Bea eh," I fidgetted with my dry hands. "Para rin 'to sa pamilya ko. Alam mo naman kung gaano sila ka importante sa akin, hindi ba?" inabot ko ang kamay niya.  "Mahal ko si Klein at mas lalong mahal ko rin sina Mama at Papa, ayaw kong ma-disappoint lang ulit sila sa akin."  She looked at me with teary eyes. I know that my best friend is hurt because of what's happening to me.  "Kaya ko naman eh. Kinakaya ko pa," I assured her with a smile that made her tears all down. "Kakayanin ko pa."  "Luna naman, tignan mo naman ang sarili mo—"  "Okay lang Bea," nagsimula na ring manubig ang sulok ng mga mata ko. "Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa akin. Before that could happy, I'll leave him...them." Tumabi sa akin si Bea, pinaunan ko naman sa kanya ang braso ko.  "Ilang beses na kitang pinagsasabihan tungkol dito pero never kang nakinig sa akin," she sniffed. "Ano pa bang magagawa ko? Gusto mo maging punching bag eh." biro niya sa kabila ng pag-iyak. "Basta nandito lang ako okay? Tawag ka lang."  With that we hugged each other in comfort. I'm lucky to have this girl, she always understands and tries to keep with me.  Bea is my best friend, since high school. She never left me since then at naging isa siya iilan kong mga naging kaibigan, and she's the one who stayed. Queen bee nga 'to noon eh, tapos sumasabay-sabay sa akin na nobody lang. Kahit ang totoo ay kinaibigan niya lang ako noon dahil sa Kuya ko. Tapos ayun na nga, natuluyan ang pagiging magkaibigan namin.  Mahiyain ako masyado noon dahil hindi nan ako gaanong exposed sa mga tao. But then, Bea lifted my confidence up. Kahit papaano ay naging komportable ay confident ako sa paligid ko.  She left to months ago to go to Paris for a photography project. She's a professional photographer of professionals. Ang galing hindi ba?  Tumayo si Bea nang pumasok ang isang babaeng doktor sa kwarto kung nasaan kami. Bumaba siya sa kama ko at umayos ng pagkaka-upo sa silya. "I'm glad you're awake now, Ms. dela Fuente, " nakangiti nitong sabi. "How are you feeling?"    Lumapit siya sa akin at chineck ang benda at dextrose ko.  "Okay naman po, medyo masakit lang ang ulo at gutom." bahagya akong tumawa sa pagsagot ko.  Binuksan niya ang dala niyang clipboard at may kung anong binasa at isinulat don.  "Okay," pinasadahan niya ng tingin ang clipboard. "You'll be discharged in any moment right now. But first, you need to eat. May hospital food nang inihanda na para sayo." she said that made me smile. Naglalaway na ako. Kahit ano sigurong klase ng pagkain, kakainin ko na basta meron lang.  "Thank you po." I said with my eyes glimmering.  "And one more thing. Can you please observe yourself for a week? After that, can you come and meet me at my office once again? "she asked that made me and Bea wrinkle our foreheads.  "Bakit Doc? May problema ba sa katawan ng kaibigan ko? "tanong ni Bea.  "I did some check-up to her and CT scan dahil sa head injury niya. I just saw a little abnormality sa ulo niya. I just want to make sure what it is.  "sagot nito kay Bea. "So yeah, please observe yourself for a week and then, if you have the time, come meet me and let's discuss about it. Okay? " Tumango naman ako.  "Oh, about your bruises. Where did it came from? Ang dami naman ata nyan? "tanong nito na pumukaw sa kaba ko. "It's because of her—"  "Just because of my clumsiness. "pinutulan ko ng linya si Bea at tinignan siya ng masama. Hindi niya pwedeng sabihin sa Doctor ko yun no. "Mabigat po kasi ang bago kong trabaho, hindi lang ako sanay kaya nade-disgrasya." I laughed awkwardly.  Tinaasan ako ng kilay at inirapan ni Bea. Nakumbinsi ko naman ata na huwag na siyang dumada at pati na rin ang Doktor na maniwala sa kasinungalingan ko.  "Okay. Always take care Ms. dela Fuente. Take care of yourself. "paaalala nito. Sandali akong napatitig sa doktora na medyo may edad na, lalo na sa suot niya doctor's coat.  Kung hindi ko pinili si Klein, ganyan din kaya ang suot ko ngayon? Siguro. And things would be different and way more better than this.  -- Bea offered me a ride home. Tahimik lang ako sa buong biyahe habang si Bea naman ay panay na naman ang sermon at paalala sa akin. Kahit kelan talaga yang bibig niya parang armalite.  Matapos niya akong ihatid, marami siyang hinabilin sa akin. Kesyo daw magdala ako palagi ng maliit ng kutsilyo, lumayo ng dalawang metro mula kay Klein para makatakbo agad, binigyan niya pa ako ng listahan ng mga rescue and police hotlines. Napaka-oa talaga kahit kailan.  Hapon nang marating ko ang bahay. Agad akong pumasok nang mahilo ako dahil sa sobrang init. It feels like my world is turning around.  Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos ay umakyat agad ako sa kwarto ko para magbihis. Pero di ko nagawa nang magsimula akong manlamig at pawisan.  Binagsak ko ang katawan ko sa kama at pinikit ang mga mata sa sobrang hilong nararamdaman. Siguro ay dahil iyon sa sugat ko sa ulo. Klein naman kasi eh, kung maka balibag, wagas na wagas.  Nang mahimasmasan ako ay naligo na ako saka bumaba at kumain. Sunday ngayon, supposedly dapat nandito si Klein pero wala siya eh. And that's good, kasi hindi ko pa siya kayang harapin.  Pahkatapos kong kumain ay nilinis ko amg kusina. Pagkatapos ay tumungo naman ako sa sala para sana manood ng telenobela.  Ngunit iba ang nakita ko. Nagkalat na mga bote ng alak, basag na vase, nakaawang na sofa at kung ano-ano pang magugulong bagay. Parang dinaanan ng bagyong Klein ang bahay namin. Nagwala na naman ba siya?  Sana in-inform niya ako para nahanda ko sarili kong maglinis. Sana alam niya kung gaano kahirap maglinis. Napabuntong hininga na lang ako.  Dalawang araw lang akong nawala nagkaganito na agad ang bahay. Ibig sabihin lang nito ay ilang oras akong maglilinis.  Wala naman akong magagawa kundi maglinis. Yun naman ang palagi kong ginagawa eh. Yun ang role ko dito sa 'bahay ni Klein'.  —— Apat na diretsong oras din ang ginugol ko para matapos ang paglilinis ng bahay. Sobrang nakakapagod, sobra-sobra.  Buti na lang talaga at may alam ako sa mga gawaing bahay, kasi kung wala, nganga kami ni Klein sa maduming bahay.  Kahit na lumaki ako sa mayaman at pinagsisilbihang pamilya ay natuto akong maglinis dahil wala naman na akong ibang magawa sa mansion noon kundi ito lang. Nakakasabay at tinutulungan ko rin ang mga kasambahay namin noon kay kahit papaano ay nae-enjoy ko dahil may nakakausap ako bukod sa mga alikabok.    Sumakit tuloy buong katawan ko kakalinis. Nakakainis din to talaga si Klein eh, kalat ng kalat pero di marunong mag-linis. Pasalamat talaga siya't may asawa na instant yaya siya.  Pabagsak kong inupo ang sarili ko sa sofa. Tumingin ako sa wall clock at napamaang ang labi ko dahil alas otso na pala ng gabi. Kailangan ko na namang magluto. Hay, kakatapos ko lang kumilos, kikilos na naman ulit. Kakapagod ha. Pero wala akong magagawa, syempre bilang isang butihing may bahay ni Klein, kailangang ako mismo ang kumikilos dito sa bahay.  Tumayo ako at nagtungo sa kusina. Nilabas ko ang mga kakailanganing ingredients at nagsimulang lutuin ang mga 'yon.  Pagkatapos ay inihanda ko na ang hapagkainan. At dahil wala pa ang asawa ko, napagdesisyunan ko nalang na hindi na siya hintayin at kumain na. Nakakagutom kaya ang buong araw na paglilinis, tsaka isa pa, ayaw kong tumunganga at maghintay na matapos si Klein sa pagkain habang naglalaway.  Hinugasan ko agad ang mga pinggan na ginamit ko pagkatapos ko kumain. I think mamaya pa uuwi si Klein kaya manunuod nalang muna ako ng K-drama habang hinihintay ang pagdating niya. —— Limang episode na ng tig-iisang oras ng pinapanood ko ang natapos ko. Madaling araw na pero wala pa rin ni anino ni Klein. Saan na naman kaya iyon nagsuot?  Aakyat na sana ako sa taas para matulog nang marinig ko ang busina ng kotse niya sa labas.  Patakbo akong lumabas papunta sa gate nang naka-paa dahil sa pagmamadali. Pinagbuksan ko siya at agad ring isinara nang makapasok na siya ng tuluyan.  Akmang sasagasaan niya pa ako dahilan para mapatalon ako. Ano na naman bang problema ng lalaking 'to?  Sinalubong ko siya pagkababa niya, as usual.  "Kle-Klein bakit ngayon ka lang? "kinakabahan kong tanong.  Natatakot kasi ako sa awra niya, lasing na naman kasi. Amoy at itsura pa lang. Mukhang wala na naman akong takas mula sa kalupitan niya ngayon.  "Dahil ngayon lang ako dumating? Tsk. "may halong sarkasmo niyang sagot. Ediwaw.  "La-lasing ka ba? "tanong ko kahit na obvious na. Ang lakas kasi ng amoy ng alak na galing sa kanya eh, naparami na naman ata ang inom niya ngayon. Idag-dag mo pa ang buhok niyang magulo at bukas niyang polo sa may dibdib. But still he's so damn handsome.  Nawala ang pagkapilya ko nang maisip ko kung bakit na naman siya naglasing. Sigurado kasi akong ako na naman o kaya si Samantha ang dahilan.  "Hindi. "tanggi niya. Kasabay nun ang pagsandal ng katawan niya sakin.  At...  At...  At sumuka.  "So di ka lasing sa lagay mong yan? "pabulong kong sabi at napairap na lang nang maramdaman ko ang ibit ng isinuka niya sa balikat ko na dumaloy sa buong katawan ko.  "Hindi! Lumayo ka nga! "tinulak niya ako palayo sa kanya. "Wag na wag mo nga akong hinahawakan, kadiri ka! "kahit di malinaw ang pagkakasabi niya ay naintindihan ko, HD with full sound effects.  Matapos niya akong sukahan, hayan siya. Ang sakit pa ng sinabi niya kaya di ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Naligo naman ako eh, tsaka siya kaya ang nanuka sa akin kaya heto tuloy, kadiri na nga ako.  Pagewang-gewang siyang naglakad papasok ng bahay. Kaya agad kong pinahid ang mga luha ko sa pisngi at sinundan siya. Baka kasi matumba siya, kaya mas mabuti nang nasa likod niya lang ako kung sakaling matumba siya.  Narating namin ang kwarto niya ng maayos. Agad siyang humilata sa king size niyang bed. Kaya niyang matulog ng ganyan ka dumi at kabaho?  Bumuntong hininga muna ako bago ko inayos ang pagkakahiga niya. Hinubad ko muna ang sapatos at medyas niya bago bumaba para kumuha ng bimpo at maliit na palanggana. Naglinis din muna ako ng sarili dahil sa sobrang lagkit at baho ng suka ni Klein.  Pagbalik ko ay hinubad ko ang suot niyang polo kaya tumambad sakin ang magandang hubog ng katawan ng aking mahal na asawa. This is life, haha! Oh my my my Oh my my my you got me fly so fast... Ije jogeumeun na algesseo~de jowk. Hehe. ARMY ka ghorl? Ha?  Di ko napigilan ang sarili kong mapatingin sa abs niya. At talagang binilang ko pa. Opo yes po, may six pack abs ang asawa ko.  Ang hot naman po ng hubby ko Lord. Ang gwapo pa. Salamat po sa mga blessings. Makapal ang kilay, matangos ang ilong, rosy cheeks, mapula ang labi idag-dag mo pa ang ear cuff niya sa isang tenga na mas kinakagwapo niya. Para tuloy siyang bad boy.  Sa lahat ng parte ng mukha niya, ang pinaka-gusto ko ay ang mata niya. His achromatic gray eyes. Oo, natural na parang abo ang mata ng asawa ko. Kakaiba nga eh.  "Bakit ka ba uminom? "tanong ko sa natutulog kong asawa habang nagpapahid kahit alam kong hindi niya ako sasagutin. "What is this?"  "Aray!" reklamo ko nang hawakan niya nang hawakan niya ang naka-benda kong ulo. Sa bigatvng kamay niya ay oara niya akong nasapok.  "Wala. Gising ka pala," binalik ko ang tuon sa pagpupunas sa kanya.  Pagkatapos ko siyang linisan, binihisan ko siya ng bagong t-shirt. Tinabi ko ang planggana at nilagay ang mga madumi niyang damit sa basket. At last, makakatulog na rin siya ng maayos.  Umupo ulit ako sa tabi niya para sana kumutan siya nang aksidenteng mahagip ng mga mata ko ang isang picture frame na nasa side table ng kama niya.  Dinampot ko iyon at tinignan.  Agad kong pinagsisihan ang ginawa. Halos madurog ang puso ko ng dahil sa nakita.  It's a picture of Klein and Samantha. Nakahalik si Klein kay Samantha sa pisngi habang nakayakap naman si Samantha kay Klein. They look so happy at halatang inlove na inlove sila sa isa't-isa. The chemistry between the two of them is overflowing.  Lalo na si Klein. Halatang-halata na mahal na mahal niya talaga ang babaeng nasa litrato, kasama niya.  Bumagsak ang mga nangingilid kong luha. It hurts, a lot. Hanggang ngayon ay siya pa rin. Mas lalo akong naiyak sa naisip.  It hurts to know that the man I am married with is still inlove with her ex. Kasi kahit nandito na ako, siya at siya pa rin ang hinahanap niya.  Ako kasama mo pero iba basa isip mo. Ako ang palaging nandito pero iba hinahanap mo. Ako yung nag-stay pero gusto mo namang umalis na sa buhay mo. Mahal na mahal kita pero sinasaktan mo lang ako.  "Pasensya ka na at hindi kita napapasaya tulad ng ginagawa ni Samantha noon ah?" my tears continued to fall. "Eto lang kasi ako. Ginagawa ko naman lahat pero sadyang kulang lang para sayo," tinignan ko siya. Malamya lang siyang nakatingin sa akin.  "Di ko man kayang pantayan si Samantha susubukan ko namang mahalin mo ako sa kung ano at sino ako talaga. "usal ko. "Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo. Pangako hindi kita susukuan kahit ilang beses mo man akong saktan o ipagtabuyan." I cupped his face that made him smile.  "Dahil...dahil hihintayin kita, hihintayin ko ang araw na mamahalin mo na din ako. Kakayanin ko ang lahat at iintindihin kita kasi mahal na mahal kita, Klein. "impit kong iyak habang hinihimas ang mukha niya. Nagulat ako nang hawakan at himasin niya ang kamay kong nakahawak sa pisnge niya.  "Why? "he asked and started to tear up. "Why do you look exactly like her? Why did you leave me? It was so har for me..." his lips trembled.  Naguluhan ako sa sinabi niya. I don't look exactly like Samantha, malayo amg pagkakaiba namin. Paano niya naman 'yon nasabi? Siguro nagha-hallucinate lang siya.  I caressed his chest to make him feel okay. "Shh, hindi ako si Samantha," pinahid ko ang mga luha. "Matulog ka na, okay?"  Tumango siya at ipinikit ang mga mata. Marahan niya na ring binitawan ang kamay ko, hanggang sa tuluyan na nga siyang nakatulog.  "I'm not Samantha and I will never be her."  Binalik ko ng maayos ang picture nilang dalawa sa side table. Kinumutan ko di siya at inayos ang kanyang unan.  Bago ako lumabas ay hinalikan ko muna siya sa noo, ilong at labi. Napangiti ako matapos ko  iyong gawin.  Sa ganitong pagkakataon ko lang siya nahahalikan ng malaya, nang hindi siya nagagalit o kaya tinutulak ako palayo. Oportunista na kung oportunista.  "Mahal kita. Goodnight. "hinalikan ko siya sa huling pagkakataon bago ko in-off ang ilaw ng kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD