Napamaang ang labi ko nang makita kong walang laman ang ref. It's not like it's really empty but, the food and beverages is already not enough. Mukhang kailangan ko nang mag-grocery.
Dalawang beses sa isang buwan lang ako kung mag-grocery. Dalawa lang naman kasi kami ni Klein dito sa bahay kaya hindi gaano magastos sa pangangailangan, tapos kung bumili naman ako ay maramihan, kaya matagal kung ma-ubusan kami ng stocks sa bahay.
Naligo muna ako at nagbihis. Dahil sa benda ka sa ulo ay pahirapan ang pagligo ko, minsan nga eh di ko na lang talaga binabasa ang ulo ko. It's been almost a week mula nung nakabitan ako ng benda sa ulo. Ako mismo ang nagpapalit ng benda araw-araw. Sumarado na ng tuluyan ang sugat na isang inch lang naman ang haba at medyo malalim.
Nagsuot ako ng oversized na t-shirt, simpleng jogging pants, and flip-flops. Nagsuot na rin ako ng beanie para hindi makitaang bagong benda kong nilagay.
Panigurado, pag gumaling na ang sugat sa likod na bahagi ng ulo ko ay magpepeklat 'to tapos 'di na ulit tutubuan ng buhok. Huhu.
It's not his day off, pero hindi pumasok sa trabaho si Klein ngayon. Or should I say he took the day off himself. Minsan uma-absent siya sa trabaho pag wala gaanong ganap sa kumpanya. It's easy for him since he's the boss.
Umakyat ako sa pangalawang palapag ng bahay at nagtungo sa gym para humingi ng budget kay Klein at syempre para makapag-paalam na rin. Baka ano na naman ang sabihin nun sa akin pagkauwi ko at mabugbog ako ulit.
"Kl-klein? "tawag ko pagpasok sa gym. Yup, may sariling gym 'tong bahay. Sa laki ba naman nito ay hindi na nahiya si Klein na maglagay ng indoor gym sa. Haha.
Klein designed this house on his own. Actually, kami dapat dalawa, pero inako niya na eh. Regalo to ng mga magulang niya sa amin nung kasal. May music room, movie room, at study room din ang bahay na 'to. Kaya, talagang pahirapan ang paglilinis at pagme-maintain araw-araw. Buti na lang at kahit papano eh, nakakaya ko.
Hinanap ko siya nang hinanap hanggang nakita ko siyang nagsha-shadow boxing sa loob ng boxing ring.
Huminto ako at saglit na hinangaan ang asawa. Klein's hot, so as his head. Kung gaano kasama ang ugali niya eh, ganun din siya ka gwapo at ka macho. It's not like he have really built body, yung katawang makisig at katamtaman lang na bagay na bagay lang din sa kanya.
"Klein. "tawag ko ulit matapos kong matauhan. Pero hindi niya ako pinapansin. Saka ko lang na-realize kung bakit nang makita ko ang suot niya wireless earphones.
Kaya ang ginawa ko ay nagtatalon at nagkakaway para mapansin niya ako.
"Klein! Yohoo! "nilakasan ko na nga ang boses ko at sa wakas nakita niya na rin ako.
Malamig at mariin na naman niya akong tinignan, as usual. Inirapan niya ako at ibinaba ang mga prason pawis na pawis dahil sa sunod-sunod na pagsuntok sa hangin.
He cracked his neck on both sides and went down the ring. Kinuha niya ang tubigan na nasa sahig ng ring at ininom ito hanggang maubos.
God, ang ganda talaga ng katawan ni Klein. Dahil sa suot niyang sleeveless shirt ay kitang-kita ko ang putok na putok niyang biceps. Habang bumabakat naman ang abs niya dahil sa basa niyang shirt. He's a hunk indeed.
Puno siya ng pawis kaya agad kong kinuha ang towel na nakapatong sa isang gym equipment. Akmang pupunasan ko na siya nang marahas niyang itabig ang kamay ko.
"Don't touch me. "nakangiwi niyang sabi sabay tanggal ng suot na earphones.
Ang arte neto talaga. Kung makatabig siya kala mo talaga sobrang dumi ko. Minsan tuloy 'di ko maiwasang 'di ma-insecure o ma-self conscious. Mukha ba talaga akong maduming basahan para iwasan at pandirihian niya ako ng ganun?
"K-Klein wala na tayong stocks sa bahay kailangan ko nang mag-grocery. " sabi ko.
Hindi niya ako pinansin at naglakad palabas ng gym. Lihim ko siyang inirapan at agad na sumunod sa kanya.
Bumuntot ako sa kanya hanggang sa marating namin ang kwarto niya. Pumasok siya ng tuluyan habang ako naman ay naiwan sa labas ng kwarto niya.
For sure kukuha siya ng pera. O kaya naman gagawin niya 'kong tanga dito. Ewan, Klein's unpredictable. Di mo alam kung kelan siya totopakin o ano.
Nabuhay ang saya ko nang balikan niya ako. Kala ko talaga walang pake na naman siya.
Walang ibang lumabas sa bibig niya. Diretso niya lang akong tingnan habang nakalahad sa harapan ko ang inaabot niyang pera.
Napatitig ako sa pera, dahil sa nakikita ko, sampung libo ito at nakabundle pa. Taray ah, kuya Will lang ang peg mo Klein?
"Sobra to Klein. " naiilang ko siyang tinignan.
"So? Ayaw mo? "bumakas ang pagka-inis sa boses niya na bumuhay sa kabat at takot ko. May sinabi ako ha? Ha?
"Hindi naman sa ganun..."
Walang pasabi niyang inilaglag ang mga pera dahilan para bumuwal ang pagsasama nito at magkalat sa sahig.
"Klein..."
"Then fetch it. Dami mo pang arte." with that, he closed his door and left me outside. Just like that.
Nakakainis ang kasungitan niya! Tao lang din naman ako, tanga nga lang. Pero minsan talaga di ko siya nadadala sa pasensiya. Bilhan ko kaya siya ng napkin? Yung pag lifetime na supply, para siyang babaeng dinadalaw araw-araw eh.
Bumuntong hininga ako at walang ibang nagawa kundi pulutin ang mga perang nagkalat sa sahig. Ganun-ganunin ba naman ang grasya, di na ako magugulat pag kinarma siya.
—
Alas dos na ng hapon nang marating ko ang mall. Sobrang init talag, Pilipinas nga naman.
Dumiretso muna ako sa iilang shops tulad ng female boutiques and art materials. Namili ako ng mga magagandang damit pero simple. Bumili din akon ng art materials tska pang dagdag decoration sa kwarto ko.
Pinag-aaralan ko kasi ang iba't-ibang uri ng arts and crafts, wala lang, nagising lang ang interes ko matapos ko makapanood ng iilang videos sa social media.
Tska, ito lang kasi ang nakikita kong paraan para mawala ang stress ko even if di ko naman talaga hilig ang pagsho-shopping o kaya sa arts and crafting.
Matapos kong bayaran lahat ng pinamili ko gamit ang sariling pera, umabot ito sa tatong bags. Dalawa sa mga damit at isa para sa mga materyales.
Pagdating sa sarili kong mga pangangailangan eh syempre, ako ang gumagastos. Alangan namang iasa ko ang lahat kay Klein pati na ang pambili ng napkin. Well kung ibang mag-asawa ganun, may share and equal sa lahat ng bagay, iba kami ni Klein kasi kasal lang naman kami. We're more on like, strangers, housemates, it's most likely that he's the boxer and I'm the punching bag.
Kong mamili ay kumuha ako ng malaking cart at dumiretso na ako sa grocery section. Marami-rami ang bibilhin ko ngayon eh.
—-—
After an hour, halos nalibot ko naang buong grocery section kaka-kuha ng mga kailangan sa bahay. Kinukuha at pinupuntahan ko kasi ang lahat ng alam kong kailangan. Puno na nga ang cart ko eh.
Isang item na lang sa listahan ko ang di ko pa nakukuha. Ang tissue.
Ang tissue na nasa pinaka tuktok ng mataas na shelf. Tinalon-talon ko na pero di ko talaga maabot. Di naman sa kulang ako sa height, masyado lang talagang mataas yung shelf.
"Kaya mo to! Isa pa. "pagchi-cheer ko sa sarili ko. Tumalon ako sa huling pagkakataon at sa wakas di ko pa rin nakuha!
Argh! Nakakainis! Asan ba ang manager ng mall na'to?! Bakit masyadong mataas tong shelf nila?!
Hingal akong napasandal sa estante. Pakiramdam ko ay naubos ko sa kakatalon ang natitira kong lakas.
"Here. "
Napatitig ako sa kamay na nag-abot sa akin ng isang tissue roll. Nadikit ang tingin ko sa tissue na parang di ako makapaniwalang nasa harap ko na ito. Sa wakas!
"Oh my god! Thank you! Thank you! Thank you very much! "pagpapasalamat ko.
Ang saya ko lang, para akong batang nakakuha ng achievement sa school na walang kahirap-hirap.
"You're welcome. "anang baritonong boses. Sinulyapan ko kung sino man ang nagmagandang loob na tumulong sa akin.
Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang matangkad at gwapong nilalang na nasa harap ko. Di ko mapigilan ang sariling mapatitig sa asul niyang mga mata. Naaakit kasi ako nito.
Gwapo siya, oo. Pero malayo kay Klein, mas gwapo ang asawa ko oi.
"Salamat talaga. "ngumiti ako, saka tuluyang nag-iwas ng tingin.
"No worries." he neutrally uttered. "Ayaw ko lang talagang nakakakita ng napapahiyang babae. "natatawa niyang bulong.
"Napapahiya? "nagtataka kong tanong habang nakakunot ang noo.
"Yes. Kanina pa nakatingin ang mga tao sayo, miss. "nakangiti nitong sabi.
Mabilis akong napatingin sa paligid, at tama nga siya, maraming nakatingin sa akin. Nag-init ako sa sobrang hiya at napayuko na lang. Damn, nakakahiya!
"Pwede paisa pang favor? "nahihiyang sabi ko.
"What is it?"he said attentively.
"Pwedeng kumuha ka pa ng siyam na tissue? "pakiusap ko.
"Okay. "agad naman itong kumuha ng walang kahirap-hirap.
Pagkabigay niya ay hinablot ko agad ang mga 'yon at nilagay sa cart sabay takip ng isang kamay sa mukha. Nakikita ko pa yung ibang taong pinag-uusapan at pinagtatawanan ako hmp! Ganun ba ako ka tanga tignan kanina?
Akmang itutulak ko na ang cart palayo nang biglang bumigay ang isa nitong gulong.
"Need a help? "napairap naman ako.
Obviously, I do need help. Paano ko ito, itutulak ngayon?
"I don't know. "ni hindi ko alam kung saan nanggaling ang sinabi kong 'yon. *I don't know? The hell?*
"Okay. "inalsa niya ng walang kahirap-hirap ang bahagi ng cart na lubog. "Let's go." sinimulan niya ang paghila sa cart. Nauna pa talaga.
"Hey, I can do it myself, "sabi ko at hinabol siya. "Isa pa masyado na akong nakaka-abala sayo. "nahihiya kong sabi.
"It's okay. Eto lang din naman bibilhin ko eh, "tinaas niya ang isang cup noodles. "And since trip kong tumulong, I'm helping you. "sabay kindat niya sakin.
Tsk! Tutulong na nga lang hindi pa galing sa puso, kundi trip-trip lang. Iba din 'to si Kuya.
With his looks,mukha siyang mayaman. Pero ang bumili lang ng isang cup noodles sa isang malaking mall? Hmm I don't think so.
Habang nakapila kami, hindi ko pa rin maiwasang hindi mahiya dahil pinagtitinginan kami ng mga tao, tapos yung iba nagbubulungan pa.
Seriously? Di pa ba sila makaget-over sa katangahan ko kanina? Tsaka wow ah? Hanggang dito din talaga.
"Gwapo ni kuya o, pero mukhang taken na."
"Bagay sila in fairness."
"Nakakainggit naman. Mag asawa ata."
Namula ako sa mga narinig. Hindi pala ang eksena ko kanina ang pinag-uusapan nila. Kundi kami mismong dalawa ng lalaking 'to.
Nagmadali akong bayaran ang lahat para makaalis na ng tuluyan. Pati ang cup noodles ni kuyang blue eyes ay binayaran ko na rin.
"It's my treat since you helped me. "sabi ko.
"Thanks. "sabi nito at tinanguan ako. Umalis naman siya agad ng hindi. man lang nagpapaalam.
That guy looks familiar to me. Alam kong nakita ko na siya dati eh. Pero di ko lang alam kung bakit at paano. Napakibit balikat nalang ako sa naisip.
Umabot sa anim na malalaking eco bags at tatlong karton ang lahat ng mga groceries na pinamili ko. I tried to carry them pero wala, hindi ko kinaya.
"Should I also help you with that?"
Nag-angat ako ng tingin at tinignan ang nagsalita. What? Bumalik siya, yung lalaki kanina.
"Huwag na. Masyado na akong nakakaabala. Kaya ko na. "tanggi ko.
"Okay if you say so. You still have... "tumingin siya sa wrist watch niya. "Fifteen minutes 'til the mall closes. "
Napairap ako sa sinabi niya. Okay, okay. I need his help.
"Okay fine. Can you help me with this? "pagkasabi ko nun ay agad niyang inangat ang anim na bags ng groceries. Si *superman* ba to? Ang lakas niya eh.
Dala niya lahat ng anim na malalaking eco bags, habang tinulungan naman kami ng isang worker ng mall gamit ang malaking pushing cart pagdating sa tatlong karton, habang ang bit-bit ko lang ay ang dalawang shopping bags.
Nakakahiya man, wala naman akong magagawa. Kasi pag hindi ko tinanggap ang tulong nila, siguradong aabutin ako ng ilang oras para mabuhat lahat ng 'yon palabas ng mall.
"It's night? "igik ko nang makalabas kami ng mall.
"No, actually it's early in the morning. "he told in sarcasm.
9:50 na, my God? Kakasara lang ng mall paglingon ko pabalik sa entrance. Wala na gaanong mga tao at taxi sa paligid ng mall. Tapos rush hour pa rin hanggang ngayon. Mukhang mahihirapan ako ulit nito.
"Hey, thank you sa lahat." hinarap ko siya. "You can go now, I can handle this. "
Maghihintay kasi ako ng taxi, isang oras pa naman ang byahe pauwi.
"You sure you're good?" he asked. "I can accompany you—"
"Hindi na," putol ko sa kanya. "Okay na talaga ako."
Masyadong nag-aalala to kala mo naman ganun kami ka-close, ni hindi ko nga alam ang pangalan niya eh.
"Okay. Take care. "
Tinanguan ko siya, saka siya tuluyang umalis.
Iniwan niya na nga ako kasama ang mga pinamili sa tabi. Ilang para na ang nagawa ko, pero hindi ako hinihintuan ng mga taxi o kaya naman ay inaagawan pa ako. Malapit na ring umulan kaya nagmamadali lahat.
Kung sana sinamahan ako ni Klein, hindi ako mahihirapan. Lalo na sa pag-uwi.
Speaking of my husband. For sure he's hungry now, o kaya naman umalis uli siya sa bahay. Covered kasi ang mall tapos di ko pa napapansin tong suot kong relo. Masyado ata akong natagalan sa pagsho-shopping at pag-abot nung tissue kanina.
But one thing is for sure, lagot ako nito.
Thirty minutes na akong nakatayo sa harap ng mall pero hindi pa rin ako nakakasakay. Anong klaseng kamalasan ba 'to?
Ilang sandali lang ay may humintong itim at magarang sasakyan sa harap ko. Hindi ko ito pinansin, daming spots, sa harap ko pa talaga nag-park.
Bumaba ang tinted na bintana ng magarang kotse kaya napatingin ako.
"Need a ride?"
Nagulat ako nang makita ko ang lalaking asul ang mata sa loob ng kotse.
"Hop in." aya nito na nagpataas ng kilay ko.
"No. "pagtataray ko. Kinakabahan na ako. Tsaka bakit naman ako sasakay sa kotse ng lalaking 'to? Ano bang tingin niya sa akin, ganun ka tanga para sundin siya? No way! Baka may balak pa siyang masama sa akin eh.
"Tsk. Don't worry, I won't do anything to you. Unless you want to stay here and wait for a bad guy. "he smirked. He just read my mind.
Pero sabagay, tama siya. Gabi na at delikado, mukhang mapipilitan akong pagkatiwalaan tong mokong na'to. Di din naman siya mukhang kriminal. Tsaka, kailangan ko na din talagang umuwi.
Pasalamat tong ingleserong to nasa emergency state ako. Nag-alinlangan pa ako pero sa huli, nanalo ang isiping sumakay na lang ako dahil kailangan ko nang makauwi.
I let out a deep sigh.
"O-okay. "
Bumaba siya at tinulungan akong ilagay sa likod ng kotse niya ang mga pinamili ko. Saka niya ako pinagbuksan, pagkatapos. Gentleman din pala to si superman.
Mag-eeleven na ng gabi and I can't stop not to be nervous. Pinipisil-pisil ko ang mga kamay ko sa kaba. 'Cause I know Klein will hurt me for sure.
Limang minuto pa lang kaming bumabyahe. Malayo pa sa kalahating oras na byahe pauwi ng bahay.
"I'm Justin by the way. Justin Ford Villanueva. "pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay, habang nagmamaneho.
"Okay. "tanging sabi ko at hindi siya tinapunan ng tingin. Nakita ko ang dismayado niyang mukha at pagbaba ng kamay niya sa ere sa peripheral vision ko.
Hindi naman sa ayaw kong makipagkilala. Basa na kasi ang kamay ko dahil sa panlalamig at kaba.
"How about you? What's your name? "he asked out of the blue.
"I don't know. "
"Oh wow. Nice name. Hi I don't know, it's nice meeting you! "sabi niya in sarcastically-amazed tone.
"What? "kunot noo ko siyang hinarap.
"You said so... "aniya at nag-smirk.
"My name is Luna. Shye. Montero. "diin ko na nagpatahimik sa kanya.
Bumakas ang gulat sa mukha niya matapos kong banggitin ang pangalan ko,na agad din namang nawala.
"May sasakyan ka pala," pag-iiba ko ng topic. It's better to kill this awkward atmosphere. Baka pareho kaming mamatay dahil sa pagkailang.
"Uh-huh."
Swabe ang pagkakamaneho niya at sinusunod niya ang mga direksyong tinuturo ko. Mukhang wala talaga itong ibang balak kundi ang ihatid ako sa bahay.
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Edi sana kanina pa tayo lumarga." mahina kong sabi.
"I'm sorry okay? "he chuckled. "Tsaka ano bang akala mo? Patutung-tungin kita sa sasakyan ko at ihahatid kita sa bahay niyo agad-agad?" tumingin siya sa akin ng ilang sandali.
"No, hindi pa nga kita masyadong kilala. Baka ano pang gawin mo sakin. "mahaba niyang sabi na nagpanganga sa akin. Ako pa talaga ang may planong masama sa kanya? Kapal.
"Eh bakit mo ako binalikan? "
"Dahil kilala na kita? "he smiled with a question mark on his face.
He seems nice and friendly.
"Pano mo naman nasabing kilala mo na ako? "
"We met earlier today, and then we introduced ourselves just now." he answere me. Hindi ito sarkastiko pero parang ganun pa rin.
Tumango-tango lang ako at binaling ang tingin sa bintana. Hindi pa rin namamatay ang kaba ko.
"Relax. "
Napatingin ulit ako sa kanya.
"I c-can't. "I nervously said.
"Don't worry tutulungan kitang mag-explain sa asawa mo. " saka niya ako nilingon at nginitian. It's an assuring smile.
"Pano mo nalaman na may asawa na ako? "takang tanong ko.
"Because you have a ring on your fourth. "tukoy niya sa kamay ko. Ah, napansin niya pala ang wedding ring ko.
Bumalik sa nakakabinging katahimikan sa loob ng kotse. Wala nang iba pang maririnig sa buong byahe kundi ang kabog ng dibdib ko.
Malayo pa lang ay natanaw ko na si Klein sa labas ng bahay, nakasandal sa gate. Halatang ako ang hinihintay.
Lagot.
"Dito na lang. "
Hininto niya naman ang kotse sa mismong harap ni Klein.Agad akong bumaba at lumapit kay Klein.
Klein glared at me, "What took you so long? "tanong niya. Kitang-kita ko ang pagbabanta sa mga mata niya na mas lalong nagpabilis ng t***k ng puso ko.
"Hi-hindi ko namalayan ang oras K-klein. Tsaka medyo natagalan din ako sa pamimili. Sorry. "Taranta kong pag-iisplika. Nj hindi ko siya magawang tignan ng diretso dahil sa takot.
Nilihis niya ang tingin sa likuran ko. I looked at where hes looking at and I was right, he's looking at Justin. s**t.
"I'm Justin. "naglahad ng kamay si Justin kay Klein.
"Did I ask? "tinignan lang nito ang kamay ni Justin.
Justin heaved a sigh and took his hands away.
"For you to know. Tinulungan ko lang siya dahil marami ang pinamili niya. There' was no one to help her, so I did," Justin started to explain. "I gave her a ride because, I wanted to. "lintaya ni Justin.
Masama silang nagtinginan sa isa't- isa. Justin naman eh, mukha mapapahamak mo pa ako dahil sa klase ng eksplenasyon mo.
"Klein, "tawag ko rito para makuha ko ang atensyon dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"Well I'm just stating that's what a husband is supposed to do. "ani Justin.
Di ako maka-paniwalang tumingin kay Justin matapos niya iyong sabihin. Mas lalo niya lang pinapalala ang galit ni Klein.
Sinenyasan ko siyang tumigil at umalis na lang. Saka ko nilingon uli si Klein. Wala akong emosyong nakikita sa mukha ni Klein ngayon pero alam kong galit siya, galit na galit.
"Justin thank you so much. "I smiled at him,telling him that he can now go. Ayaw kong magtagal pa siya baka ano pang mangyari sa pagitan nila ni Klein.
"You're welcome Luna. It's my pleasure. "sabi nito ambang hahawakan ako ngunit hindi niya ito naituloy nang magsalita si Klein.
"Hands off. "Klein warned.
"Okay then," nginisihan niya si Klein. Sunod ay tinignan ako uli, "Bye Luna, hope we can meet again soon. "diniinan niya ang huling salita bago sumakay sa kotse niya at umalis.
I'm doomed.
Mabilis kong hinarap si Klein.
"K-klein sorry—"
He walked in without giving a damn. I'm having a bad feeling about this. Crap!
Hindi niya man lang ako tinulungan sa mga pinamili ko.
Isa-isa kong binitbit at inalsa ang mga pinamili papasok ng bahay, patungo sa kusina. Naka-ilang balik din ako dahil hindi ko kayang pagsabayin dahil sa dami at bigat.
"What the hell was that Luna?" mahinahon pero may inis niyang tanong sa akin matapos kong ipasok ang lahat pinamili.
Yumuko ako. He's sitting on the couch in front of me.
"Klein it's not what you think it is, tinulungan niya lang ako. "mahina ang boses kong sabi.
"Seriously Luna? You just met that man, he helped you, yes. But is driving you home necessary? "tumayo siya at bahagyang lumapit sa akin. "Without hesitating you get in to his car, geez."
Why? Is he worried that, that man could've done something bad to me? Is he jealous?
"Klein, are you—"
"You're like a pick-up slut. Or may be that was really your intention? "
"K-klein no!" mabilis kong angal at napataas pa talaga ang boses ko.
So that's how he take it? Tsk. Just why would he be jealous and be worried about me? Sarili ko lang ang niloko ko. Of course yan ang tingin sa akin ng isang Klein Sage Montero, malandi at madumi.
"Yes it is. You're hanging out with other guys even if you already have a husband?! "hindi makapaniwalang sabi niya.
"Pagod ako Klein, wag ngayon please." mahina kong sabi. Ayaw ko muna ng away, kung pwede bukas na lang? Hindi ko kayang mabugbog ngayon. I'm to tired for now. Tsaka isa pa, it's pointless because in the end, he'll win this fight.
"Is it because he f****d you so hard? "napapikit ako ng mariin matapos niyang sabihin 'yon.
Ang dumi ng pag-iisip niya. Ni hindi ko maisip kung saan nanggaling ang lahat ng sinasabi niya saakin ngayon.
"Klein, can you just stop it? Tinulungan lang ako ng tao. Stop acting like a jealous one! "bulyaw ko. Pagod ako at ayan siya, nagsisimula. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko.
Halos mabingi ako sa lakas ng sampal niya sakin. "How dare you raise your voice on me? "agad kong pinagsisihan lahat ng sinabi ko kanina.
"I-I'm so-sorry na-nabigla lang a-ako, "mahina kong lintaya. "Pagod lang talaga ako Klein."
Hinila niya ang buhok ko kaya napakapit ako sa kamay niya. Parang natatanggal na ang anit ko sa ginagawa niya. s**t!
"Jealous? Tangina mo!" mura niya sa akin. "I don't feel jealous. Never to you. All I feel is disgust!" tumawa siya ng bahagya. "You'll regret this."tinulak niya ako ng malakas dahilan para mabagok ang ulo ko sa pader. Parang naalog ang utak ko sa lakas.
Lumapit pa siya sa'kin at hinigit ang panga ko. Umiiyak na ako sa sakit pero hindi niya man lang pinapansin.
"You are my worst nightmare who destroyed my life and took all away from me! So don't pretend like you're the victim here! "sigaw niya sa mukha ko at ginawaran uli ako ng samapal sa kabilang pisngi. Kaya namanhid ang buong mukha ko sa sampal niya
Klein... sobrang sakit na! Sigaw ko sa kaloob-looban.
Lakas loob ko siyang tinulak palayo sa akin at tumayo.
"Ano ba ang gusto mong gawin ko? Edi sana sinamahan mo ako para hindi ako nagmukhang pick-up slut tulad ng sinabi mo!" nagsituluan ang mga luha ko. "Tinulungan niya lang ako Klein, yun lang! Ikaw... Ikaw dapat ang kasama ko eh... "
Mas lumala ang galit sa mukha niya. Pero hindi ako nagpadala.
"At pwede ba? Tigil-tigilan mo ang pagtawag sa akin ng malandi o slut." my voice cracked. "Dahil hindi ako ganyang klaseng babae at mas lalong hindi mo ako kilala. Diba nga wala kang pakealam, ha?!"
Gulat ang pumalit sa mukha niya matapos kong sumigaw ng pagkalakas-lakas.
Naramdaman ko ang pag-kabasa ng ulo ko. I removed my beanie and touched the back of my head. Nang tignan ko ang kamay ko ay di na ako nagulat pa nang makakita ako ng dugo.
I looked at him once more.
"Wala kang pakealam...."
With that, I ran fast to my room and locked myself in, leaving him on the ground and dumbfounded.