Episode 10

1584 Words

“SALAMAT,” pagpapasalamat ni Liezel kay Kyle nang ihatid siya nito hanggang sa gate ng bahay nila. “Wala ‘yon,” nginitian siya nito. “Sige, magpahinga ka na. Aalis na ako.” Akmang ibubuka ni Liezel ang bibig para sana yayain munang pumasok sa loob si Kyle pero napatigil nang makita ang pagparada ng isang sasakyan malapit sa kanila. Iyon ay ang sasakyan ng pamilya nila. Lumabas mula sa sasakyan ang family driver nila at binuksan ang backseat door. Nakita ni Liezel nang kunin ng driver mula doon ang natutulog nang si Pao, kasunod niyon ay ang paglabas mula sa sasakyan ng Mama Kate niya. Lumapit si Liezel sa driver para kuhanin si Pao dito. Nang tingnan niya ang ina ay nakitang nakakunot ang noo nito habang tinitingnan si Kyle. “Ma,” pukaw niya sa ina. Napatingin sa kanya si Mama Kate,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD