GINAWA ni Liezel ang lahat para hindi makagawa ng kahit katiting na ingay habang pumapasok sa loob ng bahay nila nang gabing iyon. Hating-gabi na nang ihatid siya ni Kyle dito gamit ang bisekleta nito pagkatapos ng date nila sa Ayala Park kanina. Hinihiling niya na sana ay wala nang gising sa kapamilya ng mga oras na iyon. Subalit ganoon na lang ang paglukso ng puso ni Liezel nang biglang bumukas ang ilaw sa living area. Napatingin siya sa couch at animo’y nagyelo ang mga paa sa kinatatayuan nang makitang nakaupo roon ang Lolo Julio niya, hawak nito ang remote para sa switch ng mga ilaw. Nang makita ni Liezel ang pagtayo ng lolo ay mabilis siyang nagyuko ng ulo. Bumalot na ang matinding takot sa buong pagkatao niya. “Uwi pa ba ito ng matinong babae, Liezel?” puno ng pagtitimping tanong

