HINDI na maalala ni Kyle kung nakailang baso na ba siya ng alak ng gabing iyon. Nasa loob siya ng isang bar sa Quezon City at pilit pinapamanhid ang sarili sa pamamagitan ng pag-inom. Ilang linggo na mula nang huli niyang makita si Liezel sa reception ng kasal ng isa sa mga kaibigan nito. Nawalan na siya ng lakas ng loob na muling magpakita dito dahil sa nasabi niya. Mahigpit na ikinuyom ni Kyle ang mga kamao. Gusto niya nang patigilin ang sobra-sobrang sakit na itong lumalamon sa puso pero hindi magawa. Muli niyang tinungga ang lamang alak ng baso at naramdaman ang pagdaloy ng mainit na likido sa lalamunan. He was starting to hate himself, starting to hate this world for letting him live to suffer like this. Damn it! Damn him! Pinagsisisihan niya ang lahat ng naging desisyon na ginawa n

