HINDI na nagawang pigilan ni Kyle ang mapaiyak ng tuluyan pagkapasok na pagkapasok niya pa lamang sa loob ng sariling sasakyan. He wanted to kill himself so much. He was such a big fool. Bakit pa ba siya nagpunta sa lugar na ito? Bakit pa nga ba niya pinapakialaman ang buhay ni Liezel gayong wala na naman siyang karapatan? Napakatanga niya! Isinubsob ni Kyle ang mukha sa manibela. Gustuhin man niyang patigilin ang pagdaloy ng mga luha ay hindi magawa. Napakasakit. Napakasakit isipin na wala na siyang karapatan sa babae. Na itinapon niya lamang ang karapatang dapat ay sa kanya. Mahal na mahal niya si Liezel subalit hindi ito nagawang ipaglaban. Mariing ikinuyom ni Kyle ang mga kamao. Ni minsan ay hindi niya nakalimutan ang babae. Walang araw na hindi ito pumapasok sa isipan. Ito ang dahil

