SUPER CHAPTER 10

1319 Words
BEBE’S POV “HAAAY… Kainis naman. Wala tayong kinita ngayon dahil sa pag-atake no’ng Baklang Uod at Baklang Biritera na `yon!” reklamo ni Majamba habang naglalakad na kami pauwi. Tama si Majamba, super nakakainis talaga ang dalawang baklang halimaw na iyon! Pati negosyo namin ay dinamay sa panggugulo nila nang walang dahilan. “Makita ko lang talaga ulit ang dalawang chakang halimaw na mga `yon, sasampal-sampalin ko sila ng kaliwa’t kanan!” patuloy pa ni Majamba. Gusto ko sana siyang sabayan sa pagtatalak sa dalawang baklang halimaw pero talagang nawalan na ako ng energy. Kahit na inilipad ako ni Super Jiro kanina ay nawala din agad ang kilig after kong marealize na nawala agad ang pinaghirapan naming lugawan ni Majamba. Inakbayan ko si Majamba. “Don’t worry, Majamba… may pera pa naman tayo. Itatayo na lang ulit natin ang lugawan bukas na bukas din,” sabi ko na lang. “Haaay… ano pa nga ba ang magagawa natin? Sige na, dito na ako. Ingat ka!” Nakipagbeso-beso muna ako kay Majamba bago siya lumiko sa daan na papunta sa kanila. Ewww talaga ang pisngi ni Majamba. Pawisin always. Hmp! Sad na naglakad ako pauwi sa amin. Then, pagdating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni Mommy Chanda ng nakasimangot niyang mukha. Alam na siguro niya ang nangyari sa lugawan namin ni Majamba. “Ano, Bebe? Wala na agad ang negosyo niyo? Sinasabi ko naman sa’yo, tumigil ka na sa pag-aambisyon mo na aasenso ka sa ganyang klase ng trabaho! Tulungan mo na lang ako sa paglalabada!” sermon niya agad sa akin. “Mommy, hindi naman namin gusto na masira `yong lugawan namin. May halimaw kasi na umatake—“ “Tumigil ka na, Bebe! Kahit naman ngayon, sundin mo ako! Mahirap na nga tayo, ginagasta mo pa ang pera mo sa mga negosyong walang kwenta! Kasalanan mo naman kasi ito, eh. Kung bakit tayo naghihirap ngayon!” Hindi ko alam pero nasaktan ako sa sinabing iyon ni Mommy Chanda. Yes, alam ko na galit siya sa akin pero mas masakit pala kapag narinig mo mismo ang mga ganoong words mula sa iyong ina. “Hanggang ngayon po pala… sinisisi niyo pa rin ako sa kahirapan natin,” pilit kong pinipigilan ang pagluha ko. “Mommy, ginawa ko lang naman ang tama noon kaya nagsumbong ako kay daddy…” “Tama? Tama?! Tingnan mo ngayon ang resulta sa paggawa mo ng tama, Bebe! Ito! Kahirapan!” Haay… Here it is na nga. Super cry na ako. “Pero, mommy, hindi mo ba naiisip na ako ang dapat na magalit sa inyo dahil isinama niyo ako sa kahirapang ito? Itinakas niyo ako noon kay daddy, `di ba? Pero hindi ako nagalit sa inyo! Kahit na alam kong na mas magiging maginhawa ang buhay ko kay daddy, hindi ako nagsisisi na kasama ko kayo ngayon dahil mahal kita, mommy. Mahal na mahal!” Napahagulhol na ako. Hindi ko na kinaya at tumakbo na ako palabas ng bahay. Super takbo habang super iyak talaga ako… Walang direksiyon ang aking mga paa at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko ay nakalabas na ako ng Brgy. Taktak at nasa highway na ako. Tumigil lang ako sa pagtakbo nang mapansin ko na masyado na pala akong napalayo. Naglakad-lakad na lang ako… Haay… Nakakainis naman kasi si Mommy Chanda. Bakit kasi hindi pa niya matanggap ang naging result ng pagtataksil niya kay daddy? Gusto kong ipa-realize sa kanya na kahit poor na kami ay I’m still here for her. Iyon naman ang mahalaga, `di ba? Lahat naman kasi ginawa ko na para makuha ang loob niya. Pilit akong nag-iisip ng okey na business at baka sakaling matuwa siya sa akin kapag naging successful ako. While walking ay inilabas ko ang aking cellphone at nag-video ako ng sarili ko habang naglalakad. Ipo-post ko ito later sa f*******: ko. Recording starts… “Hello, guys… Ako po si Bebe. `Andito po ako sa highway at wala po akong kasama. Mag-isa lang po ako dito. So saaad…” Nag-pout ako. “Nagkasagutan po kami ng mommy ko tonight pero `wag niyo po akong gagayahin, ha. Bad po ang sumasagot sa mother. Sobrang sad ko po talaga ngayon… Sana, pasayahin niyo ako. Bye, guys… Love you po!” After that ay si-nave ko na ang video at in-upload sa f*******: ko. Naglakad pa ako hanggang sa makarating na ako sa isang bridge. Tumingin ako sa ibaba at nakita ko na parang malalim ang tubig there. Don’t worry, hindi naman ako tatalon. Tiningnan ko lang talaga siya. Wait lang, ha… Parang masyado na akong malayo. I have to go home na baka kung ano pa ang mangyari sa akin dito. Isa pa, gabing-gabi na. So afraid na naman ako nito pag-uwi. Huhu… Pero bigla akong natigilan nang mula sa hindi kalayuan ay dalawang pamilyar na bulto ng tao ang nakita ko at papalapit yata sila sa akin. Medyo madilim sa part nila kaya hindi ko sila makita nang buo. At ganoon na lang ang gulat ko nang makalapit na sila sa akin at malaman ko na ang dalawang iyon pala ay sina Baklang Uod at Baklang Biritera! OMG! Ang mga baklang halimaw na bigla na lang sumulpot sa Brgy. Taktak para manggulo! “Wow! Look who’s here, sissy!” Tumigil silang dalawa sa harapan ko at naka-crossed arms pa talaga sila. “Yes, sissy! Kilala ko ang girl na `yan, sissy! Siya `yong kasama ng matabang undin na nang-insulto sa atin!” sabi naman ni Baklang Uod sa sinabi ni Baklang Biritera. I smell trouble, trouble, trouble! Medyo kinakabahan na ako pero hindi ko ipinahalata. “Anong ginagawa niyo dalawang bakla?” nakairap na tanong ko. “Papunta kaming Brgy. Taktak at mangugulo. Bakit?” si Baklang Biritera ang sumagot. “Bakit po kayo naglalakad? Hindi ba kayo nakakalipad?” “Kung nakakalipad kami sa tingin mo maglalakad kami?” nandidilat talaga ang mga mata ni Baklang Uod. Sabagay, may point siya. Pero nakakatawa lang, ha. Super villain sila pero naglalakad. Hihi… Hindi ba nila alam na mukha silang tanga sa ginagawa nila? Tinaasan ko sila ng kilay. “Alam niyo, bukas na lang kayo manggulo sa Brgy. Taktak. Patulugin niyo naman ang mga tao doon. Saka, alam niyo kung ako sa inyo hindi na ako manggugulo kasi for sure darating agad si Super Jiro at bugbog na naman kayo sa kanya! Lalo lang kayong papanget! Sorry po, ha. Nagsasabi lang ako ng totoo. Hihihi…” “Ah, gano’n? Ginagalit mo na naman akong babae ka!” Mabilis na humaba ang ilang buhok na uod ni Baklang Uod at pumulupot iyon sa aking beywang. Nagtitili ako ng super nang iangat niya ako. “Ano ba?! Ibaba mo ako, Baklang Uod!!! How dare you po!” sigaw ko. Nagpupumiglas na rin ako pero sobrang higpit ng pagkakapulupot ng buhok na uod niya sa akin. Tawa lang nang tawa ang dalawang bakla. “Don’t worry, girl! Ibababa talaga kita… sa ilog!” Pagkasabi niyon ni Baklang Uod ay bigla niya akong itinapon sa ilog. Malakas akong napasigaw dahil alam kong mamamatay ako kapag bumagsak ako sa tubig. Hindi kaya ako marunong lumangoy! OMG! Dito na ba matatapos ang precious life ko? Hindi pa nga kami nagkakaayos ng Mommy Chanda ko at hindi pa nagiging kami ni Super Jiro! “Super Jirooo!!!” sigaw ko habang bumubulusok ako pabagsak sa ilog. Ang buong akala ko ay babagsak ako sa tubig pero hindi iyon nangyari. May biglang yumakap sa akin gamit ang matitigas na bisig at inilipad ako paitaas. At napangiti ako nang makilala ko kung sino ang nag-save sa aking buhay! “Super Jiro?!” kinikilig na bulalas ko pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD