BEBE’S POV
OMG! Is it real? Totoo ba ang narinig ko from Super Jiro na ako ang babaeng mahal niya?
OMG! OMG! OMG!
Hindi ako bingi. Tama ang narinig. Mahal ako ni Super Jiro!
Super mega kiliiig!!!
“Ang harot mo rin pala, Super Jiro!” ani Baklang Biritera na parang bitter sa pagtatapat ni Super Jiro ng love sa akin.
Pero I have to thank Baklang Uod and Biritera kasi kung hindi nila ako sinaktan-saktan ay hindi magagalit nang bongga si Super Jiro. Kung hindi kasi ako nagkakamali mukhang sa sobrang galit ni Super Jiro ay nasabi niya ang matagal na niyang itinatagong love sa akin.
Ayyyiiieee! Hashtag kilig vibes!
Ano ba `yan? Imbes na matakot ako kasi baka saktan ako ni Baklang Biritera ay kinikilig ako dahil kay Super Jiro.
“Bitter ka lang, Baklang Biritera! Wala kasi sa’yong magmamahal!” at sinimangutan ko pa siya. Sana ay matulad siya sa kasama niyang si Baklang Uod na hindi makakilos ng ayos dahil napasama talaga ang bagsak nito kanina.
“Tumigil ka diyan! Tigil!” nanggagalaiting turan ni Baklang Biritera. “Hoy, ikaw, Super Jiro! Mahal mo pala ang babaeng ito, ha. Pwes! Mas kailangan mong ibigay sa amin ang Super Ring dahil kung hindi, papatayin ko ang—“
Sa isang kurap ko lang ay biglang nasa harapan na namin si Super Jiro. Hinawakan niya ang kamay ni Baklang Biritera na nakasabunot sa akin at pinisil iyon. Narinig ko pa ang pagtunog ng mga nadurog na buto ng baklang halimaw. Super lakas na napasigaw ito kaya naman naitakip ko ang aking mga kamay sa aking tenga. Nang mabitiwan ni Baklang Biritera ang aking buhok ay agad akong lumayo sa kanila.
Biglang pinaulanan ni Super Jiro ng suntok ang mukha ng baklang halimaw.
“Go, Super Jiro! Go! Super punch! Super kick! Super tadyak! Gooo!!!” pag-cheer ko pa para mas ganahan siya.
Hindi siya tumigil hangga’t halos wala nang buhay si Baklang Biritera.
“Siguro naman ay magtatanda na kayong dalawa! At sabihin niyo kay Super Duper, hinding-hindi ko ibibigay sa kanya ang Super Ring!” sabi ni Super Jiro sa dalawa.
Humarap na sa akin si Super Jiro. Napakamot siya sa kanyang batok na akala mo ay nahihiya sa akin. Well, nahihiya nga siguro siya kasi alam ko nang love pala niya ako. Hihi… Dahil doon ay ako na ang kusang lumapit sa kanya.
Pa-sway-sway ang aking body at pabebeng naka-smile sa kanya.
“Ang awkward naman…” sabi ko habang nakayuko.
“Kaya nga… Hehe…”
Ang cute-cute naman ni Super Jiro kapag nahihiya.
“So, mahal mo pala ako, Super Jiro.”
“Ah, oo… Hehe.”
Itinirik ko ang aking beautiful eyes at kumurap-kurap habang iniipit sa likod ng tenga ko ang aking buhok. “Beket nemen eke pe? Ang dami keyeng mga magagandang babae diyan? Ang panget ko kaya. Nakakahiya tuloy!” At talagang napahagikhik na ako sa kilig.
Humakbang ng isa paunahan si Super Jiro at halos dalawang dangkal na lamang ang layo ng mga katawan namin.
“Sino namang may sabi sa’yo na panget ka?” tanong niya.
“Hmm… wala naman. Ako lang.” Sinabi ko lang naman na panget ako para kontrahin niya iyon at sasabihin niya na maganda ako. Pabebe moves dapat!
“Hindi ka panget, Bebe. Ang totoo nga niyan ay napakaganda mo!”
Oh, `di ba? Tama ako. Sasabihin niya iyon!
“Gano’n ba? Salamat, ha…” at nag-smile ako. “`Yong sinabi mo nga pala kanina… totoo ba `yon?”
“Na mahal kita?”
Tumango ako.
Tumingala si Super Jiro at tumingin sa paligid. “Alam mo, mas okey siguro kung lumipat tayo ng lugar. Ang panget ng background natin, eh!” aniya.
Bigla akong natawa sa tinutukoy niyang panget na background. Nasa likuran niya kasi sina Baklang Uod at Baklang Biritera na nakahiga na sa gilid ng high way at hindi na halos makagalaw.
“Sige ba. Saan naman tayo lilipat?” tanong ko.
Hindi na niya sinagot ang tanong ko. Impit na napatili ako nang hapitin niya ako aking beywang at mabilis siyang lumipad paitaas. Ilang segundo lang niya akong inilipad at maya maya lang ay dahan-dahan na kaming bumababa sa rooftop ng isang napakataas na building.
“Wow! Ang ganda naman dito! Ang romantic!” komento ko sa lugar na kinaroroonan namin.
Romantic naman talaga kasi medyo madilim tapos ang parang ilaw namin ay ang moon at ang mga ilaw sa kabilang building. Kitang-kita rin namin ang kalawakan ng city at ang mga ilaw doon.
“Minsan, kapag gusto kong mapag-isa, dito ako tumatambay…” sabi ni Super Jiro.
Nagpaikot-ikot ako na parang bata. Nang mapagod ako ay humarap ako sa kanya nang nakangiti. Bigla kong nakalimutan ang problema ko dahil nag-away kami kanina ni Mommy Chanda.
Nilapitan ako ni Super Jiro. “Matagal na kitang minamasdan, Bebe. Matagal ko nang gustong sabihin sa’yo kung gaano ka kaganda at kung paano mo binubuo ang araw ko sa simpleng pagtawa mo lang… `Yong sinabi ko kanina, hindi ko iyon babawiin dahil totoo iyon. Ikaw ang babaeng matagal ko nang mahal, Bebe… Miss Ivy Marie Dimaculangan!”
OMG! Pati full name ko ay alam niya. Talaga nga sigurong matagal ko na siyang stalker! Haba naman ng hair ko…
Pero grabe lang. Kilig na kilig ako sa sinabi niya! First time na may lalaking magsabi sa akin ng gano’n.
“Pero, Super Jiro… isa lang akong ordinaryong tao at superhero ka. Maliit lang ako kumpara sa’yo.” Pakipot at pabebe muna dapat. `Wag agad bibigay para hindi magmukhang cheap, `no.
“Hindi ka maliit, Bebe, dahil noon pa man ay ikaw na ang mundo ko. Mahal kita, Bebe…”
Bigla akong naubusan nang sasabihin. Eh, paano ba naman, sobrang seryoso niya at kita ko sa mata niya ang sincerity sa mga sinasabi niya. Nawala tuloy ang pagiging pabebe ko dahil sa kanya.
“S-super Jiro…” Iyon na lang ang nasabi ko.
Nakaka-speechless ang moment na ito. Sobra!
“Bebe, m-mahal mo rin ba ako?” tanong niya habang nakalagay ang isa niyang kamay sa aking pisngi.
Napalunok ako sa tanong niyang iyon. Pressure ito, ha! Aamin na rin ba ako agad sa nararamdaman ko sa kanya. Wala naman sigurong masama, `di ba? Tama na ang pagpapabebe ko sa kanya. Ito na `yon, eh. Ito na ang moment na hinihintay ko. Na-confirmed ko na mahal niya rin ako, ano pa bang hinihintay ko.
“Mahal din kita, Super Jiro!” Sa wakas ay nasabi ko rin sa kanya.
Isang masayang Super Jiro ang nakita ko ng oras na iyon. Napasigaw pa nga siya ng “yes” sa sobrang tuwa niya. Feeling ko ay gusto niya akong ilipad that time at magpaikot-ikot sa hangin.
“Sobrang saya ko, Bebe!”
“Ako din, Super Jiro! Biruin mo, superhero ang boyfriend ko. Ang daming maiinggit nito sa akin for sure!” masayang sabi ko.
Maya maya ay nagkatitigan kami ni Super Jiro. Parang nagkaroon na rin yata ako ng super powers na super hearing dahil dinig na dinig ko ang kabog ng mga dibdib naming dalawa. Alam ko na yata ang susunod na mangyayari. Ito na yata ang magiging first kiss ko. Kailangan maging memorable ito, ha. Pero, hindi pa ba ito memorable? Isang superhero ang makakaunang humalik sa aking mga labi? Hihi!
Hinawakan ni Super Jiro ang aking kaliwang pisngi. Grabe! Ang init ng palad niya. Magkahinang pa rin ang aming mga mata. Wala na kaming pakialam sa paligid namin. Slowly, bumaba ang mukha niya sa mukha ko. Tumingkayad naman ako para salubungin ang kanyang lips. At nang sa wakas ay maglapat ang aming mga labi. Dampi lang ang kiss na iyon pero para akong dinaluyan ng ilang libong voltage ng kuryente sa katawan sa simpleng halik na iyon. Pumulupot ang dalawa niyang kamay sa aking beywang at naramdaman ko ang pag-angat namin ni Super Jiro!
Napakapit ako sa matipuno niyang balikat. Ang sweet naman nito!
Nakalutang kami sa ere habang nagki-kiss. Hart, hart hart!
Haaay… Ang sarap namang ma-in love!
Lalo na sa isang super hero!