SUPER CHAPTER 13

1564 Words
“MGA wala kayong silbi!” Pinatikim ni Super Duper ng mag-asawang sampal sina Baklang Uod at Baklang Biritera nang malaman niya na pumalpak ang dalawa na kunin kay Super Jiro ang Super Ring. Halos humiwalay ang ulo ng mga alipores niya sa lakas ng sampal niya. Gigil na gigil kasi siya sa dalawa at gusto niyang ilabas ang kanyang inis. Umaasa pa naman siya na pagbalik ng mga ito ay dala na nito ang Super Ring at makakabalik na siya sa Super Planet. Tapos ipapakita niya sa mga taga-roon na hawak na niya ang Super Ring at dahil doon ay siya na ang magre-reyna sa panetang kanyang pinanggalingan. “Pero, Reyna Super Duper, ginawa naman po namin ang lahat pero—“ “Walang pero-pero!” galit na putol niya sa sasabihin ni Baklang Uod. “Ang sabihin niyo lang, wala kayong mga silbi!” Yukong-yuko ang dalawa habang pinapagalitan niya ang mga ito. Sa sobrang gigil pa niya ay sinabunutan pa niya ang kanyang mga alipores. “Nakakagigil kayo! Nakakagigil kayo! Ang sarap niyong saktan, ha! Gusto ko kayong suntukin sa mukha! Mga inutil kayo!” “Hayaan niyo po, Reyna Super Duper. Bukas na bukas din ay lalakad kami para harapin ulit si Super Jiro. I assure you na makukuha na namin ang Super Ring,” sabi ng bugbog-sarado na si Biritera. “Gaga ka! Sa tingin niyo ba ay matatalo niyo si Super Jiro sa kalagayan niyong `yan, ha? Gunggong ka!” sabay sapak niya dito. “Eh `di, kayo na po ang lumaban sa kanya. Go!” “Lapastangan!” Sinampal niya ulit si Baklang Uod. “Pang-finale ako, `wag kang ano diyan! Ang gusto kong gawin ay magpahinga kayo at mag-ipon ng lakas! At kapag malakas na kayo ay saka kayo makikipaglaban kay Super Jiro para kunin ang Super Ring sa kanya. Siguruhin niyo lang na sa susunod na makakaharap niyo siya ay magtatagumpay na kayo na kunin sa kanya ang gusto ko!” Tuwang-tuwa na nagtatalon ang dalawa niyang alipores. “Wow! Pahinga! Salamat naman! Mabait ka rin pala, Reyna Super Duper!” chorus pa ng dalawa. Tumingin sa malayo si Super Duper. Humanda ka, Super Jiro! Oras na makuha ko ang Super Ring sa’yo ay ako na ang mamumuno sa planetang pinaggalingan nating dalawa. At dahil ikaw ang bunga ng pagtataksil sa akin ng iyong ina, ililigpit na rin kita! sigaw niya sa kanyang isip. “Teka lang, Reyna Super Duper… kailan naman matatapos ang pagpapahinga namin?” tanong sa kanya ni Baklang Uod. Tumingin siya dito. “Sa tamang panahon!” Nanlalaki ang mga mata na sagot naman niya. “At pagdating ng tamang panahon na iyon, gagamitin natin ang mga mahal sa buhay ni Super Jiro para makuha ko ang Super Ring!” “Wait, Reyna Super Duper! Mahal sa buhay? Alam niyo, may isang babae si Super Jiro na palagi niyang inililigtas at kanina ay umamin siya sa girl na `yon na mahal niya ito. Hindi kaya siya ang dapat nating gamitin?” Tumango-tango ako. “Hmm… Tama! Ang babaeng iyon ang gagamitin natin at hindi tayo mapipigilan ng kahit na sino! Hahaha!” JIRO’S POV YEEESSS!!! Kami na ni Bebe! Kami na! Masayang-masaya akong bumalik sa tunay kong anyo at naglakad pauwi. Pasipol-sipol pa ako at hindi maalis ang ngiti sa aking labi. Pero, maya maya ay nawala ang ngiti ko. Naisip ko lang kasi bigla na sinagot ako ni Bebe kasi ako si Super Jiro. Ang parang boyfriend niya talaga ay si Super Jiro at hindi ako. Paano kaya kung malaman ni Bebe na ako pala at si Super Jiro ay iisa? Magagalit kaya siya? Matutuwa? Haaay! Hindi ko nga muna `yan ang iisipin! Ako rin naman si Super Jiro kaya masasabi ko na girlfriend ko rin si Bebe. Ayoko munang mag-isip ng negatibo ngayong gabi. Gusto ko, pag-gising ko bukas ay nakangiti pa rin ako. BEBE’S POV SUPER smile agad ako pagkagising ko ng morning na ito. Good vibes agad! Eh, bakit hindi? Kagabi kasi ay officially mag-on na kami ni Super Jiro! Love niya rin pala ako. Mabuti na lang talaga at umamin na rin siya sa wakas. Hihi! Grabe lang talaga! Hindi ko pwedeng sarilinin ang kasiyahan kong ito, kailangan ko itong i-share sa mga followers and friends ko sa f*******:. Kinuha ko agad ang aking make-up at nag-apply no’n. Then nag-selfie ako at in-upload ko sa aking f*******: na may caption na: I woke up like this! So happy and in love… #NoFilter #NoMakeUp #NoBreakfast Kinikilig na humiga ulit ako at in-imagine ko ang mga nangyari kagabi. Simula doon sa aminan moment namin at kiss sa ere. That is so kakakilig talaga! Ang haba-haba talaga ng hair ko! My boyfriend is a superhero! Wait… wait… wait. Parang may naaamoy ako. Parang aroma ng napakasarap na sinangag at longganisa? Nagluluto ba si Mommy Chanda? Hmp! Imposible. Never pa siyang nagluto ng almusal para sa aming dalawa. Kahit isang beses ay hindi niya iyon ginawa. Lagi na lang siyang bumibili ng tinapay at palaman or lutong pancit sa tindahan. Iyon na ang almusal namin. Pero bilang isang anak niya, siyempre, gusto ko rin na ipagluto niya ako. Kung hindi siguro siya galit sa akin, gagawin niya iyon araw-araw. Haay… makabangaon na nga at mamaya ko na itutuloy ang pag-iisip ko kay Super Jiro ko. Tapos mamaya pala ay itatayo ulit namin ni Majamba ang lugawan. Magpatulong kaya kami kay Super Jiro? Hmm… Why not? Boyfriend ko naman siya. Hindi masama kung hihingi ako sa kanya ng favor. Tama. Magpapatulong na lang ako sa kanya later para matapos agad kami ni Majamba. Lumabas na ako ng aking kwarto. Kung maka-kwarto naman ako, parang ang laki ng bahay namin. Hindi naman. Barung-barong lang ang house namin tapos yung kwarto ko, super liit lang. Kurtina nga lang ang parang pinto niya, eh. Paglabas ko ng aking kwarto ay natigilan ako sa nakita ko sa may lutuan. Wala kasing divider ang bahay namin kaya kita ko agad ang kusina, salas at pinto ng banyo. OMG! Totoo ba ito? Si Mommy Chanda? Nagluluto? Teary-eyed ako habang pinapanood siya sa paghahalo ng sinangag. Nakaipit paitaas ang buhok niya at nakasuot ng daster. May mumunting pawis sa kanyang noo na pinapahid niya sa pamamagitan ng kanyang braso. Ngayon ko lang siyang nakita na ganito kaya medyo emosyonal ako. Nanay na nanay ang dating niya today! Bigla siyang napatingin sa akin at nagulat ako nang ngumiti siya. “Bebe, anak, umupo ka na at malapit na itong maluto…” aniya sa malambing na boses. OMG again! Totoo ba talaga ito? Tinawag niya akong… anak! For the first time na umalis kami sa poder ni daddy ay ngayon niya lang ulit ako tinawag ng gano’n. Napasinghot ako dahil feeling ko ay iiyak na talaga ako. Pumunta muna ako sa lababo at nagmumog saka dumulog sa aming lamesa kung saan kami kumakain. Inihain na ni Mommy Chanda ang almusal. Sinangag at longganisa. Ipinagtimpla niya rin ako ng kape na hinaluan niya ng gatas. Favorite ko kasi iyon. Ayoko ng creamer. Nag-umpisa na akong kumain at talagang ninamnam ko ang bawat subo ko ng niluto niya. Luto ito ng nanay ko, eh! “Bebe, siguro ay nagtataka ka kung bakit ganito ang kinikilos ko ngayon,” sabi ni Mommy Chanda. Napatigil tuloy ako sa pagkain at tumingin sa kanya. “Sa totoo lang po… oo. Ngayon niyo lang ito ginawa. Mommy, sorry nga po pala kagabi kung nasagot ko kayo. Hindi ko na po uulitin.” “Wala kang dapat ihingi ng sorry, anak. Kung may dapat mang humingi ng sorry dito ay ako iyon. Alam mo ba kagabi, dahil sa mga sinabi mo ay para akong nauntog at nagising. Kagabi ay narealize ko kung gaano ako kasamang ina sa iyo.” Napaiyak na si Mommy Chanda at ganoon din ako. Masakit talaga na makitang umiiyak ang babaeng nagsilang sa’yo… “Mommy, `wag niyo pong sabihin `yan… Para sa akin, kayo pa rin ang best mother in the whole world!” “Patawarin mo ako, Bebe! Sa’yo ko isinisi kung bakit ako pinalayas ng daddy mo noon na sa totoo lang ay ako naman talaga ang may kasalanan. Patawarin mo ako kung hindi ko nakikita ang effort mo na mapalapit sa akin. At salamat din kasi kahit minsan ay hindi ka nagreklamo sa kahirapan natin…” Hindi ko na kaya ang moment na ito kaya naman tumayo na ako at sinugod ng yakap si Mommy Chanda. Aww… na-miss ko ito! Hindi ko na kasi matandaan kung kailan kami huling nagyakap na mag-ina. “Patawarin mo ako, anak…” “Mommy, wala kang dapat ihingi ng tawad. Mahal na mahal ko po kayo, `mmy!” “Mahal na mahal din kita, anak!” Haay… Ako na yata ang babaeng pinagpala sa lahat. Biruin niyo, kahit na nasira ang lugawan namin ay ito naman ang naging kapalit. Naging boyfriend ko si Super Jiro tapos nagkaayos na kami ng mommy ko. Pero nakakakaba, ha… Baka kasi sobrang saya ko ngayon tapos biglang alam niyo na. `Wag naman sana. Good vibes lang dapat. Ikembot na lang nang bongga ang bad vibes na `yan. Basta ang importante ay masaya ako ngayon. As in! Super saya-saya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD