Labis ang pamumula ng mga tenga at mga pisngi nina Cara at Lawrence habang nakaupo sa sofa. Magkawahak sila ng kamay at nakayuko habang kaharap sina Chris at ang mga kaibigan nito. “Pasensiya na,” hiyang-hiyang sabi ni Lawrence. Nagsitawanan ang mga ito. “Bakit hihingi ng pasensiya,” sabi ni Chris. “Nag-uumagahan lang naman kayo. Mahirap naman kung hindi kayo kakain hindi ba.” Nagsitawanan ang mga ito maliban kay Jed. “Pre, wala ka dapat ihingi ng pasensiya. Sobrang saya nga namin dahil medyo nag-aalangan na kami na baka...binababae ka,” sabi naman ng isa sa mga kaibigan na ang pangalan ay Mark. Napaangat ang tingin ni Lawrence. “Ano? Ako?” “Pasensiya na, pre. Ay hindi mo naman kami masisisi. Sa ating lahat parang ikaw lang ang hindi nagpapakita ng interes sa babae. Tapos, si Rowa

