Ten years ago. “Nazarene, si Rebel nga pala. Kaibigan ko. Dito na siya papasok simula ngayon,” maganda ang ngiti na usal ni Jed. Iniangat ni Nazarene ang tingin mula sa binabasang libro at bahagyang inihilig ang ulo para silipin ang lalaking nakatayo sa likuran ng matalik na kaibigan. “Hello,” maiksi niyang turan bago ibinalik ang tingin sa binbasa. “Haha. Ah, pagpasensiyahan mo na. Medyo mailap lang yan sa una. Pag napaamo mo naman yan ay ayos na.” “Manahimik ka, Jed. Hindi ako hayop para paamuhin,” monotonong turan ni Nazarene at kinuha ang iniinom na tubig sa tumbler. Pero kung ang akala ng mga ito ay wala siyang pakialam, segu-segundo naman ang tingin niya rito sa lalaking pinakilala ni Jed. May kakaiba siyang pakiramdam rito na ngayon lamang niya naramdaman. May kung ano sa mg

