Chapter 24 Nabalik kaming villa na para bang walang nangyari. I’m sure Ishmael just did it, dahil kasama niya ako. He probably thought I was going to kill myself out of desperation, and that just hurt more. Wala naman talaga siyang paki. We never got that closure, ngunit siya, he’s moved on. Happy even. “I’m full and I wanna swim. But I have better ideas.” Magkatabing nakaupo si Ishmael at Harriet, at ang mga paa nito ay nakastretch-out sa hita ng isa. Batid ko ang blankong tingin sa akin si Ishmael, kaya iniwasan ko na lang. “I dunno. I don’t like your plans,” ani Gab sa aking tabi naman. “‘Di ‘wag kang sumama! Happy three friends na lang kami. Right, Just?” Kumikislap ang inosenteng mga mata ni Harriet sa akin. Ang bawat pilit na ngiti ay katumbas ng mga sampal. “Bahala ka, Harr

