Chapter 25 Wala kaming kibuan ni Ishmael sa kotse. Kahit hininga ay pinipigil ko. I hate it. I really hate it. This little amount of space between us. Ayoko siyang katabi, o kahit anino man lang niya ang nakikita ko ay ayoko. Sa salubong pa lamang niyang mga kilay ay alam kong kanina pa rin siya nagtitimpi. The steering wheel couldn’t even speak, namumuti ang kamao niya doon. After fifteen minutes, the car stopped in front of a duplex. Malay ko ba kung kanya ‘yan. I don’t wanna talk to him. “Baba.” Matigas ang kanyang utos bago ako iwan sa sasakyan niya. Napanguso ako tapos ay bumaba na rin. Looks like he owned the place. May susi, e. “Bakit ba hindi na lang tayo sa villa umuwi?” sabi ko nang makapasok kami. Sure, the space is not that bad. Mukhang bahay bakasyunan lang at minsan

