Chapter 42 Papalubog pa lamang ang araw ngunit naaaninag ko na ang mga pumaparadang sasakyan sa parking lot. Alam kong mas simple ang buhay ni Ishmael dito kaysa sa kabilang dulo ng mundo ngunit hindi rin maipagkakailang may kaya rin dito. “Saan po kayo pupunta ni Daddy? Aalis kayo? Bakit hindi ako kasama?” Nakatingin sa akin si Justine mula sa aming repleksyon sa salamin as I was fixing her sky-blue dress. Ngumiti akong pagkatamis-tamis dahil sa kawalan ng sasabihin. Inayos ko ulit ang nakalugay niyang buhok tapos ay nilagyan ng ribbons. Sinagot ko siyang sa groceries lamang. Tumagilid ang ulo niya sa akin ngunit hindi na nagtanong pa. Nang matapos ako sa gawain ay malaya ko siyang pinatayo sa gitna ng silid. Her light blue dress matched her skin alot, made the room even brighter!

