Chapter 41 Umakyat ang palad ni Ishmael sa kanyang buhok upang suklayin ito. Nakabaling lamang sa akin ang kanyang tingin na para bang ako ang sagot sa lahat ng nagdarasal. The streetlights flicked in his eyes that only did a little to defy that question mark. Nakakapanghina ng loob. Nakakatali ng dila. Wala akong masabi pero hindi ako sigurado. Somehow, my tears evaporated as I sobered up pero hindi ko pa rin limot ang pait ng nangyari kanina. “Mag-cab lang ako papuntang resort. You stay here with Justine...” Pumikit ako at bumuntong hininga. Nagbabakasali na mawala ang tinik sa dibdib ko. Umiling si Ishmael sa aking pakiusap at mukhang sinabog na lamang sa ere ang nanaig na katanungan sa mata. “I’ll go with you. Justine can sleep here at bukas ko na lang susunduin.” “‘Wag na. Kay

