Chapter 30 “Daddy...” Punong-puno ng spaghetti sauce ang bibig ni Justine. Dinampot ko ang napkin, tapos ay marahang pinunasan ang kanyang bibig at pisngi. “Yes, baby?” Binalingan siya ni Ishmael. His eyes sparkled with the chandelier above us. Matapos kasi ng ingkwentro kay Gov, nagpadiretso si Ishmael sa isang mamahaling restaurant upang doon - dito na mag-dinner. Isa pa, nagugutom na rin daw si Justine. Habang papasok kanina ay naninigas ako sa ere ng restaurant. Tinatak ko sa isip na babayaran ko siya ‘pag nakabalik na ‘kong metro at nakuha ang sweldo. Iyon ay kung tanggap pa ba ‘ko, dahil umalis ako nang walang paalam sa kumpanya. That’s a big thing. Kahit na sinabi na sa’kin ni Ishmael na nagawan na niya ng paraan, ang paghingi ng abiso kay Gab ang inaalala ko. “Why don’t we

