Chapter 7 Ilang araw na ang nakalipas simula nang dumating kaming Bukidnon. Madalas na si Lacey sa site at kapag uuwi naman ay dito itutuloy ang kanyang gawain. She’s all drawings, then she’s all crumplings. If you get me. Subsob na subsob raw siya sa trabaho. Sabi niya ay kailangan daw niya ng best dahil hindi daw tatanggapin ng may-ari ang gawa niya kung hindi best. Nakikita ko ang paglago ng eyebags ng kaibigan ko pero hindi ako pwedeng umapila, That’s her work. Iilang spot na din ang napuntahan ko dito para gawing inspirasyon. Dahil bukod sa pagsama ko kay Lacey, iyon naman ang pakay ko. The right amount of inspiration and experiences. Ngunit hindi na muli nagkrus ang landas namin. Kahit simpleng anino man lang ay hindi nagtagpo. I am fine with that. Pero mas maganda kung nayayak

