Chapter 8 Matalim ang titig sakin ni Ishmael habang nasa bisig niya ang anak ko. Kinagat ko ang labi at nag-iwas ng tingin. “Rolly, isama yan sa sasakyan. Let’s go!” bulyaw nito. Sa isang iglap lang ay nakita ko ang sarili ko sa kasunod na sasakyan ng Audi sa harapan. Hindi ako mapakali dahil iniisip ko pa din ang sugat ni Tine. Nakita ko kung paano siya nalaglag at hindi matupad-tupad ang panalangin ko na sana ay ako na lang ang nalisat at nasugatan. Para akong dinudurog sa nakita ko. At pangalawa...bakit ako pinasama ni Ish? Ayokong mag-isip ng kung ano. But then the image earlier. Tine and her Daddy. Parang isang panaginip pero hindi. It was all real. Kinakabahan ako nang huminto ang sasakyan at bumaba ang mga bodyguard. Bumaba ako at isang mansion ang lumapat sa aking mga mata.

