Chapter 9 Ilang araw na ang nakalipas ngunit tandang-tanda ko pa din kung paano ko tinahak ang daan papalabas ng mansyong iyon kung saan nakatira ang kagalang-galang na mayor ng lungsod at ang anak nito. Anak ko. The harsh words, the death glares, and the shell of the man I used to know. Its all fresh. Dati ay halos sambahin niya ‘ko. Na halos halikan niya ang daang nilalakaran ko. I was the only one he cannot live without. The only one to fulfill everything he needed and he praised me, worshipped me for that. It’s because he moved on. As usual ay busy si Lacey sa kan’yang trabaho kaya naman naisipan kong mag-grocery dahil nauubusan na kami ng stock. Ayoko siyang abalahin pa dahil kung may iisa akong hiling ngayon, iyon ay matapos ang kanyang trabahong naging gatilyo ng lahat. Tinul

