Chapter 32 Napanguso ako. “Go. Naghihintay na si Rolly sa’yo sa labas, Justice.” Lumipad ang kamay ni Ishmael sa kanyang sentido at hinilot ‘yon. “I’m not some caged pet, Ishmael. One that you could order wherever and whenever,” sabi ko. Walang hamon akong batid sa sinabi. I’m just simply stating the facts. He cannot just order me around. Ayaw ko ng away, sana, siya rin ay ganoon ang hangad. “Who said you are a caged pet?” Nagsalubong ang kanyang kilay sa’kin. “Sinasabi ko lang na igagalang ko naman ang gusto mo dahil mansion mo ‘yan. What I’m saying is, you cannot just order me around and push away if you’d like to.” Tumango ako sa kanya. “We’re civil. That’s just what I want.” Nananalaytay sa kwarto ang ugong ng kanyang AC. Pinakatitigan niya ako gamit ang blankong ekspresy

