... " Tunay Na Kaibigan " ...

335 Words
... "Tunay Na Kaibigan "... Sa bawat oras na ating pinagsamahan, Sa bawat araw na magdaan, Sa bawat buwan na lumipas at malampasan, Ang samahan natin ay mahirap makalimutan... Sa mga kulitang nakakatangal ng lungkot at lumbay, Mga tawanang pinagsasaluhan natin ng sabay, Mga kwentuhan at iyakang di maiwasang isalaysay, Lahat ng ito nakakapagpagaan ng mga hinanakit at paghihirap natin sa buhay... Masarap pag marami kang tunay na kaibigan, Mga taong iyong masasandalan, Nagbibigay at dumadamay sa'yo pag ika'y nangangailangan, Ng isang taong makakapitan at mapagkakatiwalaan... Iba iba man ang ating pagkatao, Iba iba man ang paniniwala't prinsipyo, Sa sss tayo'y pare pareho, Nagkakaisa, nagtutulungan ng may paggalang at respeto... Nawa'y magtagal pa ang ating samahan, Lalong tumibay ang ating pagkakaibigan, Ang nabuo nating alaala ay di na makakalimutan, Ito'y mananatili na sa ating puso't isipan magpakailanman... ❣❣❣ ..."Problema"... Ang problema ay parang walang katapusan, Minsan kaaayos mo lang ng isa may kasunod na naman, Nagkapatong-patong na't dimo na alam, Kung alin ang uunahing lutasin naku! ang buhay nga naman... Problema sa pera madaling iresulba, Magagawan ng paraan kahit mangutang ka pa, Na kahit mataas ang interes susunggaban mo na, Para lang matapos ng sakit ng ulo na nadarama... Pag syota naman ang problema mo, Kahit masaktan ka man at mabigo, Napaghihilom mong sugat sa puso't damdamin mo, Matututo kang umibig ulit at magiging masaya na naman ang buhay mo... Sa isang pamilya natural lang minsan ang di pagkakaunawaan, Pero ito'y naaayos din dahil sila lang ang yong karamay at malalapitan, Sila ang pamilya mong bandang huli iyong uuwian, Ang pamilyang nagmamahal sayo ng lubusan at dika tatalikuran... Ang kaibigan dumadating at umaalis sa buhay mo, Iba't-ibang klase man ang pag-uugali't pagkatao, Masaya man o malungkot ang pagsasama niyo, Ang mahalaga marami kang natutunan pag lumisan na siya sa buhay mo... Iba't-ibang dahilan man ang problema natin, Maging matatag ka lang at wag kalimutang manalangin, Dahil madalas ito ang nakakapag-pagaan sating damdamin, Nagbibigay ng lakas at panibagong pag-asa sa atin.. ❣❣❣
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD