... " Mga Babae "...
Bakit ba kaming mga babae?,
Sa pag-ibig madalas nasasaktan at iniiwan ng walang sabi sabi,
Niloloko't pinaglalaruan ninyong mga lalaki,
Pagkatapos pakinabangan iniiwan na lang sa isang tabi...
Nagmahal ka at nagtiwala,
Para sayo siya lang at wala ng iba,
Ibinigay mo ng lahat sa kanya,
Di naghihintay ng kapalit basta't masaya ka lang kuntento ka na...
Minsan kahit nasasaktan ka na,
Natitiis mo pa rin basta't sa piling mo wag lang siyang mawala,
Nilolonok mong pride mo't nagpapakumbaba ka,
Wag lang masira ang relasyon niyong dalawa...
Minsan natatanong mo kung bakit ka niya sinasaktan ng ganito,
Na kulang pa bang lahat ng ginawa mo,
Na di pa ba sapat ang pagmamahal mo,
Lolokohin ka pa rin niya at iiwang basag ang puso...
Makakapagod din ang magmahal,
Kaya pag ako'y nagdarasal,
Lagi kong hinihiling sa maykapal,
Na sana sa susunod na pagtibok ng puso ko ay dun na
Sa lalaking aalagaan ako't totoo kung magmahal...
Hay napakahirap ang maging babae,
Kailangang malawak ang pasensiya at laging kami na lang ang umiintindi,
Pero dapat rin nating pahalagahan at mahalin ang ating mga sarili,
Wag nating hayaan na maging sunud sunuran na lang tayo lagi sa mga lalaki...
❣❣❣
... " Katulong "...
Ang iba grabe kung manglait,
Sa mga katulong ang tingin ay isang yagit,
Bakit? marangal na trabaho naman ang pagiging dh,
Dugo't pawis ang puhunan namin kaya huwag niyo kaming minamaliit...
Hindi biro ang pangungulilang tinitiis namin,
Madalas pang nasasaktan aming damdamin,
Kapag hindi sinwerte sa amo pinag tiyatiyagaan lang namin,
Basta't para sa ikagiginhawa at kinabukasan ng
pamilya lahat aming kakayanin...
Kahit kami ay katulong lang,
May dangal at prisipyo ring ipinaglalaban,
Basta't nasa panig kami ng katutuhanan,
Lahat ng pagsubok aming malalampasan...
Tanging sa PANGINOON lang kami kumukuha ng lakas,
At sa pamilyang malayo't nagkahiwalay ng mga landas,
Dadating din ang panibagong bukas,
Ang biyaya at pagpapala sa ating mga katulong ay ibibigay niya sa tamang pagkakataon at oras..
❣❣❣