KAIBIGAN nga ba?
✿✿
Marami akong naging kaibigan,
Pero masasabi kong ilan lang ang totoo plastik ang karamihan,
Sa una lang mabait bandang huli kulay ay kukupas din naman,
Na inakala kong titibay at tatagal ang aming samahan...
Kaya minsan nakakatakot ng magtiwala,
Imbes na suporta ang yong makukuha,
Paninira't kahihiyan lang ang mapapala,
Pag nagkagalit kayo at ang pag-sasama ay nasira...
Masarap pag marami kang kaibigan,
Pero dapat kilalanin mo muna siya bago mo pagkatiwalaan,
Ng lahat ng secreto mong pinaka-iingat ingatan,
Dahil baka bandang huli mauwi lang sa kapahamakan at kahihiyan...
Magsisi ka man pero huli na ang lahat,
Dimo na maibabalik at mababago ang mga naganap,
Parang pelikulang napanood ng lahat,
Ang kwento ng buhay mo na kanyang ikinalat...
Kahit na anupang gawin mo,
Dina mabubura sa isipan ng tao,
Habang buhay mo ng dala dala at nakakabit ito sayo,
Nagkalamat na ang yong pagkatao...
Kaibigan nga ba ang matatawag mo dito?
Minsan nagmahalan at pinahalagahan mo ang samahan niyo,
Masakit isipin na sa kabila ng lahat ng mga kabutihan mo,
Ito lang pala ang igaganti niya sayo..
❣❣❣
... " Paano ba maging M A S A Y A ? "...
Yan ang katanungang mahirap sagutin,
Lalo na't madilim at walang kulay ang lahat sayong paningin,
Nasa isang sulok ka lang at nakatulala sa hangin,
Parang baliw sa kakaisip kung anuba ang dapat mo pang gawin...
Wala na yong dating sigla mo,
Mga ngiting nasisilayan sa mukha mo,
Mga tawang maririnig pag masaya ka at kuntento,
Sa kaligayahang nararanasan at nararamdaman mo...
Nawalang lahat ng lakas na dati singbilis ng kidlat ito,
Kung kumilos ka daig mo pang bagyo lahat ng madaanan bagsak sayo,
Umula't umaraw dika nagbabago,
Mag iba iba man ang ihip ng hangin nanatili kang matibay at nakatayo...
Pero ngayon ibang iba ka na,
Konting pagsubok lang bumibigay at sumusuko ka na,
Bakit biglang bigla nagkaganyan ka?
Gusto mong tumakas at mawala na lang basta...
Paano ba maging masaya?
Kung ang sakit at hapdi ay di nawawala,
Unti unting nawawasak ang puso't damdamin na nasira,
Ng isang pagsubok na ni sa hinagap dimo inaasahang ibabato sayong mukha...
Ano bang matatawag mo sa isang kagaya ko?
Na wala namang hinangad kundi lumigaya lang sa simpleng buhay na pinapangarap nito,
Nakakapagod din pala ang lumaban sa mga pagsubok na kinakaharap mo,
Ang katatagan ko'y bumigay at tuluyang naglaho...
❣❣❣