ang BUHAY natin...
✿✿
Sa buhay natin maraming nangyayaring kakaiba,
Mahirap intindihin dahil maraming sorpresang dala dala,
Bawat pagsubok na kinakaharap mahirap iresulba,
Kung dika matibay at malakas ika'y bibigay rin pala!...
Tao lang tayo may kahinaan kahit dimo aminin ito,
Minsan gusto mo ng bumigay at tuluyang sumuko,
Pero pinipilit at sinisikap pa rin at ginagawa ang makakaya mo,
Dahil wala namang ibang makakatulong pa sayo...
Minsan naiisip mo kung bakit di matapos tapos ang paghihirap mo,
Na parang pinaparusahan ka na ni LORD sa lahat ng kasalanang ginawa mo,
Pero dapat isipin mo rin na dika niya bibigyan ng pagsubok kung ito'y dimo kakayanin,
Pagtitiwala sa kanya at pananalig ang dapat mong isipin at gawin...
Ang buhay natin ay maiksi lamang,
Maswerte ka kung magtatagal ka sa mundong ating ginagalawan,
Dapat nating pasalamatan ang DIYOS sa kanyang kadakilaan,
Dahil ang kagandahan ng mundo ay ating nasilayan...
Ang buhay natin ay isang hiram lamang,
Kaya dapat pahalagahan at ingatan,
Mamuhay tayo ng masaya't may pagmamahalan,
May kanya kanyang obligasyon at misyon na dapat gampanan...
❣❣❣
... " M A S A K I T " ...
Bakit kaya ganun ano?
Nagmahal ka lang naman ng totoo,
Ibinigay mong lahat mapasaya mo lang sya ikay nakokontento,
Dina naghihintay ng kapalit galing dito...
Nagmahal ka ng walang pag aalinlangan,
Umasam na sana magtagal ang inyong pag
mamahalan,
Ngunit biglang pinaglaruan kayo ng kapalaran,
Sinubok ang tatag niyong magkasintahan...
Dimo inakala na sa isang kisapmata,
Ang mahal mo'y nagbago bigla,
Sumusuko na at ika'y pinapalaya,
Naglahong lahat mga pangako sa isa't isa...
Mag iisip ka kung anubang pagkakamali mo,
Kung anong totoong dahilan nito,
Masakit pala pag natuklasan mo,
Ipinagpalit ka lang sa iba napakasaklap naman nito...
❣❣❣