... " S O R R Y " ...

515 Words
... " S O R R Y "... Sapat na ba ang salitang ito, Para mapatawad ka ng taong sinaktan mo, Puso't damdamin niya ang sinugatan mo, Tapos aasa kang sa isang sorry lang ok na ulit kayo?.. Gagawa ka ng kasalanan, Ng hindi mo man lang pinag iisipan, Sana bago ka nagbitaw ng salita iyo munang tinimbang, Kung makakasakit ka ba o ito'y ok lang... Pinaglaruan mo ang damdamin niya, Pinagmukha mo siyang tanga, Nababaliw sa kaiisip ng paraan matulungan ka lang niya, Pero anong ginawa mo ginulo mo lang ang katahimikan ng isip niya... Sa tingin mo ba mapapatawad ka niya ng ganun ganon lang ha? Kahit na nga nawindang ang utak niya sayong pagbabanta, Na dito sa mundo gusto mo ng mawala, Sinong matinong tao ang tatahimik lang kung inuusig na siya ng kanyang konsensiya... Tapos biglang nagbago ang isip mo, Kasi ok na ulit kayo ng mahal mo, Pero ang kaibigang sinaktan mo, Umaasa ka pa bang magbabalik pa sa dati ang samahan niyo?.. Sorry lang ba ang masasabi mo, Sapat na ba ito para maalis ang sama ng loob na sa kanya'y dinulot mo, Nanganib ang buhay niya dahil sa pag aalala sayo, Kinapos ng hininga dahil may sakit na hika ito... Sarili mo lang ang iniisip mo, Dimo pinapahalagahan ang mga taong nagmamahal sayo, Pag bumagsak ka ulit at nabigo, Wag mo ng asahang may jepy ka pang kaibigan na dadamay sayo... Mabuti akong kaibigan, Pero bakit mo ako ginaganyan, Wala naman akong ginawang kasalanan, Pero bakit ako pa ang yong pinaglaruan... Ang taas ng tingin ko sayo, Lahat ginagawa ko mapasaya lang kita kontento na ako, Pero anong isinukli mo? Pahirap at pasakit sa puso't damdamin ko... Kung magpapatuloy ka sa ganyang pag uugali, Wag ka ng magtaka kung isa isang mawala ang mga kaibigan mo sayong tabi, Matutu kang magpahalaga,rumespeto at umintindi, Na di lahat ng tao magagamit mo para mapagbigyan lang ang kahibangan mo sayong sarili... ❣❣❣ ... " Kung Maibabalik Ko Lang "... Sana pala nag asawa muna ako, Bago ko inabot ang mga pangarap ko, Kasi marami ng nasayang at nawala sa buhay ko, Lalo na yong lalaking pinakamamahal ko... Sabi ko lang pala yon na naka move on na'ko, Pero ang totoo nasasaktan at diko pa rin matanggap ito, Lagi ko pa ring hinahanap ang pagmamahal ng lalaking pinapangarap ko, Wala na'kong magagawa dahil wala na siya sa buhay ko... Sayang ano? andami ko palang pagkakamali na nagawa, Diko kasi muna pinag isipang mabuti ang mga desisyon kong ginawa, Nag pabigla bigla ako't nangibang bansa, Huli na ng marealized kong hindi pala ito tama... Kung maibabalik ko lang ang dating ikot ng mundo, Babaguhin ko ang mga priority in life ko, Yong di gaya nito nabubuhay akong puro panghihinayang at pagsisisi ang nasa puso, Masaya ka nga pero deep inside nandoon ang lungkot at hinanakit nakatago... Alaala na lang siya sa buhay ko, Alaalang iniingatan ko dito sa puso ko, Mahirap makalimutan ang taong pinakamamahal mo, Lalo na kung siyang nagbigay ng saya at kulay sa buhay mo... ❣❣❣
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD