... " P L A S T I K " ...
Sa mga inggitera sa paligid ko,
Mag iingat ka sa mga sinasabi mo,
Dahil wala kang alam sa totoong pagkatao ko,
Magdahan dahan ka at dimo kilala kung sinong binabangga mo...
Ang galing mong manlait,
Akala mo santang mabait,
Nakangiti pag nakaharap ka't panay ang dikit,
Yon pala ay kaibigang plastik...
Nakakaawa ka siguro nag iisa ka,
Walang nagmamahal at nag aalaga,
Kaya ganyan na lang ang iyong ginagawa,
Magkunwari at manira ng kapwa...
Eh ano ngayon sayo?
Kung playgirl man ako,
Bakit ka ba apektado?
Eh buhay ko naman ito at di sayo...
Intindihin mo na lang kaya ang sarili mo,
Ayusin mo ang buhay mo,
Dahil sa mga ugaling pinapakita mo,
Nag aasal hayop ka sa paningin ko...
Ang masasabi ko lang sayo,
Wag kang gumamit ng mga pekeng produkto,
Yung mga original ang bilhin mo,
Dahil baka masira ang kutis mo't pumangit kagaya ng pag uugali mo...
Diko ugaling manlait,
Dahil wala sa vocabularyo ko ang mainggit,
Pero dahil sa ginawa mong napakasakit,
Diko makakayang di ipagtanggol ang sarili ko't basta na lang manahimik..
❣❣❣
... " Utang Na Loob " ...
Bakit ba pag ito na ang pag uusapan,
Nanghihina ka na't parang walang kalaban laban,
Gusto mong lumaya na pero dimo kayang talikuran,
Ang utang na loob mo sa taong tumulong sayo sa oras ng kagipitan...
Ang pagtulong ba sa kapwa ay kailangang may kapalit?
Diba ito kusang loob at di pilit,
Anuba ang dahilan mo kung bakit ka tumulong may iba ka bang iniisip?
Na porke't gipit siya tutulong ka para siya'y iyong magamit?..
Karamihan ganyan ang hangarin,
Maraming nagmamalinis pero bulok naman ang saloobin,
Bakit ba kayhirap unawain,
Na ang pagtulong sa kapwa ay kusang loob at dina kailangang siya'y singilin...
Kung marangya ang yong buhay,
Mapalad ka sa lahat ng grasya na kanyang ibinigay,
Magpasalamat ka dahil dika katulad ng iba,
Gumagapang sa hirap mabuhay lang ang kanyang pamilya...
Sana kung kaya lang tumbasan ang utang na loob na ito,
Kung kaya lang bayaran ng pera para gumaan ang bigat na dala dala mo,
Pero parang kumonoy na hihilahin ka para ika'y lumubog ng tudo,
Na kahit na anong pagsisikap mo dika makaahon sa kinasasadlakan mo.
❣❣❣