† PANALANGIN †
Marami sa atin ang nakakalimot manalangin,
Nakaka-alala lang pag siya'y namomroblema't maraming suliranin,
Magdarasal ng taimtim sa poong mahabagin,
Na sanay dinggin lahat ng kanyang hiling...
Pero pag siya ay masaya't maligaya,
Nawiwili't nagpapakasasa sa karangyaang tinatamasa,
Di man lang naka-alalang magpasalamat sa biyayang natatanggap niya,
Nakakalimutan kung sinong may kaloob nito sa kanya...
Kapag ika'y bigo at puso'y sugatan,
Gusto mo lang magmukmok ni ayaw ng lumaban,
Bakit dimo subukang tumayo ulit at makipagsapalaran,
Walang ibang makakatulong sayo kundi sarili mo lamang...
Ano bang mahalaga sayo,
Pagbigyan at sundin ang katawang lupa mo,
Paano naman ang kapakanan ng kaluluwa mo,
Naisip mo bang sa kabilang buhay siya ang papasan sa lahat ng kasalanang ginagawa mo?..
Dapat isipin mo rin na ang buhay nating ito,
Dito sa mundo na puro tukso iikot mo man ang paningin mo,
Lahat ng bagay at nangyayari sayo,
Timbangin mo rin kung anong kahinatnan nito...
Malaking kaabalahan ba para sayo,
Ang unahin ang Diyos sa lahat ng ginagawa mo,
Konting panalangin lang at pagdalaw sa tahanan nito,
Magpasalamat ka naman sa buhay na binigay niya sayo...
❣❣❣
..." T U L A " ...
Maraming nagtataka't nagtatanong kung bakit ba?
Kinahihiligan ang magbasa ng mga tula,
Bukod sa pocketbook na pampaalis ng lungkot at pangungulila,
Isa ang mga tula na nagbibigay ng sigla't saya at pag-asa...
Sa iba't ibang tema ng tula na nababasa mo,
Merong kapupulutan ng aral dito,
Matatawa't maiiyak ka man o kahit na ano,
Iba pa rin ang dating at haplos nito sa puso't damdamin mo...
Sa mga kagaya nating malayo sa mga pamilya,
Nakikibaka at nagsasakripisyo para mapagandang buhay nila,
Di biro ang hirap, pagod at pagdurusa,
Tinitiis at ginagawang lahat makasurvived ka lang diba?...
Kung iisipin mo lang ang mga bagay bagay at sitwasyong ganito,
Baka dika tumagal at bumigay ka rin kahit na papano,
Kaya gumagawa ka ng paraan para malampasan mo ito,
Ang maglibang sa mga pahina ito ang
napagbalingan mo...
Kaya wag ng pagtakhan kung nakakalat ang mga makata,
Dahil ito ang paraan nila para maibahagi ang mga talento nila,
Ang maaliw kayo sa kanila'y sapat na,
Dahil para sa mga makata masarap isipin at damhin na nagugustuhan niyo rin ang mga akdang tula nila...
❣❣❣