..."KWENTO ng PAG-IBIG"...
Ako ay naglakbay napadpad sa isang pahina,
Na puno ng pag-ibig at pag asa,
Doon ay nasilayan dilag na kayganda,
Buhok niyang mahaba kulay nito ay kahalihalina...
Fb niya ay binuksan at aking tiningnan,
At sa kanyang wall doon ako pumasyal at nalibang,
Hinalungkat bawat nilalaman ng kanyang impormasyon,
Sinuyod isa isa bawat nakatala doon...
Ako ay namangha labis sa kanya ay humanga,
Kakaibang husay at galing pag siya ay humabi ng tula,
May dalang kurot sa puso bawat nilalaman ng kanyang likha,
Sino man makakabasa nito sa kanya ay hahanga...
Siya ay di tinantanan at pilit na sinundan,
Bawat likha niyang tula ay aking nagugustuhan,
Ni la like ko ito at nag iiwan ng komento,
Baka sakaling mapansin ang siyang abang katulad ko...
Minsan ay nag isip ako ng paraan,
Humabi ng tula upang ito ay aking maging daan,
PM ko sa kanilang idolo nagbakasakaling ito ay magustuhan,
Sa awa ng amaing maykapal ito ay kanyang sinang ayunan...
Noong araw ding yaon ako ay inalok,
Sa kanyang palasyo ako ay ipinasok,
Ako ay natulala labis na pagkamangha,
Palasyong aking pinasok palasyo pala ng mga MAKATA...
Ako ay pinakilala sa kanyang mga kasama,
Labis na kagalakan ang siyang aking nadarama,
Mainit nilang pagtanggap ang siyang salubong sa akin,
Bigla akong natahimik di alam aking gagawin kung pano ko sila babatiin...
Sa wakas ay nakita at nakasama ko na,
Yaong dilag na labis kong hinangaan dito ay nananahanan pala,
Ilang man sa kanya ako ay di nagpahalata,
Nakipag kwentuhan hanggang siya ay naging kaibigan ko na...
Minsan ay sinubok ng kanilang kakulitan,
Nakipag balitaktakan kumento ay nakipag palitan,
Nakipag biruan hanggang nalihis ng daan pag-ibig ang dahilan kung bakit ko siya sinundan,
Ang dating magkaibigan ngayon ay nag-iibigan...
Tanging hiling ko lang sa poong maykapal,
Dalawang makata nawa ay magtagal,
Bagkus kami ay iyong gabayan,patnubayan at kami ay pagtibayin,
Bigyan ng lakas bawat isa sa amin na ang pagsubok sa mundo nawa ay aming kayanin...
❣❣❣
..."May Ibang Mahal ng Puso Ko"...
"I need space" yon ang sinabi mo sa'kin,
Na kahit diko alam ang totoong dahilan mo pinalaya ka pa rin,
Biglang parang bula kang nawala sa'king paningin,
At nawindang ang buhay ko't nasaktan ang puso't damdamin...
"Pinilit kong sanayin ang sarili ko,
Dahil para sa'kin ikaw ng buhay ko,
Araw gabi parang baliw na iniiyakan ang pagkawala mo,
Pa'no ba ako makakalaya sa paghihirap kong ito...
"Nag paka busy ako sa trabaho,
Kahit puro sakit ng katawan at puyat ang kapalit nito,
Nakakatulong din kasi nakakatulog ako sa sobrang pagod ko,
Pero pag gising ko andun ka na naman sa isip ko...
"Sinubukan ko ring magsaya,
Kasamang aking mga kaibigan at kabarkada,
Pero wa epik, dahil ang lakas ng kapit mo saking sistema,
Diko na alam kung anupang gagawin ko makalimutan lang kita...
"Hanggang sa may makilala ako,
Isang lalaking mabait at napaka-maginoo,
Nakatulong siya ng malaki para mghilom ang sugat dito sa puso ko,
Kasi ginawa niya ang lahat mapalitan ka lang sa'king puso...
"Tinanggap niya kung ano ako,
Di siya nanghusga sa naging nakaraan ko,
Para sa kanya ang kinabukasan ang pinaka mahalaga dito,
At hindi ang nakaraan na pilit kinakalimutan ko...
"Tinulungan niya ako para makabangon sa kabiguan ko sa'yo,
Ginawa niya ang lahat maibalik ko lang ang dating ako,
Naging masaya ang pgsasama namin dahil mahal na mahal niya ako,
Ang lahat nakaayos na at nakaplano...
"Ngayon nagbabalik ka nagsusumamong tanggapin ulit kita,
Pasensiya na dahil nahuli ka na,
May ibang mahal ng puso ko at diko kayang saktan siya,
Mahal na mahal namin ang isa't isa at nangakong habang buhay ay mgkakasama...
❣❣❣