..."DI SANA NAG IBA"...
Kung sakaling di kita nakilala,
Buhay ko sana'y di kasing saya,
Paningin ko sana'y di na nag-iba,
Lalong-lalo na ang aking paghusga,
Kung sakaling ika'y pinakawalan,
At aking pagsinta'y di pinaalam,
Malalaman ko bang ako ang laman,
Ng yong puso pati ang isipan?
At kung sakaling ako ay tumakbo,
Sa isinisigaw nitong aking puso,
E di sana pala wala ako,
Sa katotohana'y isang bilanggo,
Ngunit babala sa nagbabasa nito,
Di ganito ang lahat ng kwento,
Sa laro ng pag-ibig may mga bigo,
Luha nila'y kanilang tinatago,
Kahit madalas tayong nasasaktan,
Dipa rin nadadala patuloy pa rin lumalaban,
Dahil pag puso at damdamin ng naki-alam,
Nagiging matatag ka't di natatakot makipagsapalaran,
Aminin na natin na kapag umibig ka,
Dimo na alintana ang lahat ng hirap at sakripisyo basta't ika'y masaya,
Gagawin ang lahat upang ang mahal mo'y maging maligaya,
Dahil ang mapasaya mo lang siya'y dobleng ligaya ang yong nadarama,
Kapag nagmamahal na tayo,
Lahat ng pagsubok nakakayang lampasan ito,
basta't hawak kamay kayong lumalaban sa pagharap dito,
Dahil yan ang tadhanang tinatahak ninyo,
Lahat ay may dahilan,
Na dapat nating malaman at maintindihan,
Na di lang puro sarap at ligaya ang yong makakamtan,
Dahil may kaakibat itong pasakit at pahirap sayong puso't isipan,
Magmahal lang po tayo,
at magpasalamat sa biyayang pinagkaloob ni KRISTO,
Binigay sa atin ang isang taong dapat pahalagahan at ingatan mo,
Mahalin ng lubusan at wag paluhain at sasaktan ito...
❣❣❣
..."Boyfriend "...
Iba kong mga kaibigan ay nagpapatalbugan,
Kanya kanyang bida sa kanilang mga kasintahan,
Nakikinig lang ako at nakikipagtawanan,
Dahil sa mga biruan at kanilang mga kalokohan...
Aanhin mo naman ang gwapo,
Kung marami kayo sa buhay nito,
Isa ka lang sa mga pampalipas oras nito,
Kabi kabila ang syota marter lang ang labas mo...
Meron naman hindi kagwapuhan,
Ngunit ugali niya'y iyong hahangaan,
Dahil kahit siya ay ganyan,
Sa puso niya'y nag iisa ka lang...
Natatawa na lang ako,
Kasi yong iba mahihilig sa gwapo,
Pero anong napala niyo,
Sakit ng ulo at basag na puso...
Ang boyfriend ko kahit hindi gwapo,
Ipinagmamalaki ko sya at pinag sisigawan sa mundo,
Dahil sa prinsesang pagpapahalaga niya sa babaeng katulad ko,
Diko siya ipagpapalit kahit na sinupang adonis ang makaharap ko...
Aa panahon ngayon bihira lang ang mga lalaking tapat sayo,
Yong magmamahal at rerespetuhin ang p********e mo,
Yong ginagalang ka't inaalagaan ng husto,
Dika binibigyan ng sama ng loob at sakit ng ulo...
Masarap pag ang boyfriend mo'y totoong tao,
Yong tanggap ka kahit ano kapa at sa iba'y dika bagay dito,
Pero nandiyan lang siya pinaglalaban ka at di umaalis sa tabi mo,
Laging katuwang at kaagapay sa bawat hakbang na tatahakin mo..
❣❣❣