Ng minsang magkayayaan kaming magkakaibigan,
Napadpad kami sa disco para maglibang,
Ng biglang tumugtog ang lambada music na di namin inaasahan,
Naparampa sa dance floor at nag umpisang mag indakan...
Diko inaasahan na habang kami'y nagsasayaw ng aking mga kaibigan,
May mga mata palang nakamasid sa bawat galaw ng aking katawan,
Ng mapagod kami agad nag si upuan,
Habang tuloy ang biruan at halakhakan...
Biglang lumapit ang waiter at kami ay nagtaka,
Ng inabot sakin ang bote ng alak at sinabing galing sa isang tagahanga,
Nagkatinginan na lang kaming lima dahil bawat isa walang idea,
Nagbulungan at nagkabiruan dahil may tagahanga na naman daw ako bongga...
Tinanong kong waiter kung sino naman yon,
Pero ayaw sabihin dahil secret daw yon,
Napag isip ako't iginala ang mga mata sa mga lalaki doon,
Pero mahirap hulaan lalo pa't madilim ang disco house na iyon...
Habang kami nag iinuman,
Napansin kong may isang lalaking nakatayo saking tagiliran,
May hawak na rose at mukha niya'y aking sinulyapan,
Oh my gosh! naibulong ko tuloy " ito na bang lalaking iyon?"
Kaysimpatiko ng ngiti sa labi niya,
Ala robin ang dating hanga ako sa astig niyang porma,
Naki join sa amin at nakipag kilala,
At libre niya lahat ganyan siya kagalante ha!...
Mula noon dina niya ako tinigilan,
Talagang pursigido siyang mapasagot ako't maging kanyang kasintahan,
Nahulog ang loob ko't siya'y napamahal na sakin ng lubusan,
At dito nakipag sapalaran ulit ako pero diko ito pinagsisihan...
Kapag naglalambingan at nagbibiruan kaming dalawa,
Lagi niyang binabanggit na paborito na niya ang kantang lambada,
Dahil ito daw ang dahilan kaya puso niya'y nabihag ko na,
Ng dahil sa lambada ang pagmamahalan namin ay puno ng ligaya't saya...
❣❣❣
.."In Love"...
"Ganito pala pag inlove ka,
Ang gaan gaan ng pakiramdam mo't ang saya saya,
Wala ka ng ginawa kundi ang mangarap na kayo'y magkasama,
Nakatulala sa hangin na may ngiti sa labi pa...
"Lagi mo siyang iniisip kung ano bang ginagawa niya,
Natatanong mo sa sarili mo kung ikaw rin ba'y naaalala niya,
Na tulad mo'y wala ng ginawa kundi ang isipin lang siya,
Kahit na ngang mga trabaho mo'y tambak na...
"Panay ang tingin mo sa celpon,
Nagbabakasakaling may message siya o kahit man lang miscall,
Paulit ulit binabasang mga message niyang nakasave para lang di mabura iyon,
Dahil nagbibigay saya't ligaya pag nababasa mo ng mga yon...
"Nagkaka insomia ka na dahil sa kanya,
Nagiging nerbyosa ka dahil sa lakas ng kabang nadarama,
Nagiging ulyanin ka dahil paulit ulit na lang ang iyong mga salita,
Ano bang magagawa mo eh sa na adik ka na sa kanya...
"Hay buhay nga naman,
Kapag puso ng nakialam,
Walang makakapigil na sinuman,
Mapagbigyan mo lang ang yong sariling kaligayahan...
"Inlove na talaga ako sayo,
Hulog na hulog ng damdamin ko,
Diko kayang suwayin ang ibinubulong ng puso ko,
Dahil tanging pangalan mo lang ang isinisigaw nito...
❣❣❣