..."Special ka sa puso ko!"...

453 Words
Nong una kong makita ang pix mo, Nag alangan talaga ako, Ang suplado kasi ng dating mo, Lakas pa ng tindig at astig ang porma mo... Nong sumali ka sa makata ng tambayan, Doon kita sinubaybayan at minatyagan, Binabasa bawat tula mo't ika'y aking hinahangaan, Tahimik lang akong nagmamasid sa bawat commento nyong puno ng kalokohan... Ewan ko ba kung bakit kakaiba ang dating mo, Mga katangiang bihira ko lang matagpuan sa mga taong nakakasalamuha ko, Noon unti unting nabuo ang mga pangarap ko, Ang mga ilusyon ko na sana makasama kong taong espesyal na sa puso ko... Salamat sa lahat lahat ng kabutihan mo, Sa pag aalaga pagpapahalaga sa isang tulad ko, Napabilib mo talaga ako ng husto, Wala kang katulad kung magpasaya sakin todo at bongga talaga ito... Ayokong isipin na malayo ka saking piling, Mas masarap damhin yong ika'y kasama ko pa rin, Mga masasayang alaala na pinagsaluhan natin, Habang buhay ko na yong kasa-kasama at alalahanin... Ikaw ang taong nagpapasaya sakin, May mga usapang mahirap iwasan at balewalain, Mga nakaraang nawaglit na sa isipan ko't damdamin, Pero bumalik lahat ng alaala ko ng diko napapansin... Salamat pinagaan mong bigat sa dibdib ko, Mga pasakit at hirap na naranasan sa buhay kong ito, Isang salita lang ang narinig ko sayo, Parang nabuksan mong lahat ang mga nakatagong lihim saking pagkatao... Nawa'y magtagal pang samahan nating ito, At sana dika magbabago, Kung ano ka at sino ka noong unang makilala ko, Isang may paggalang at respeto sakin yan ay sapat ng pinanghahawakan ko... ❣❣❣ ..."Di'ko kayang tanggapin"... Mahal na mahal kita alam mo ba? Na kahit tutul ang lahat ipinaglaban pa rin kita, Lahat ng panlalait na ibinato sayo sinalo ko pa, Tanggapin lang nila ang pagmamahalan nating dalawa, Mga magulang ko ako'y pinagbawalan, Mga kaibigan ko ako'y pina alalahanan, Pero wala ako ni isa sa kanila na pinakinggan, Tanging puso't isipan ko lang ang sinunod dahil itong aking kaligayahan, Naging maayos naman ang pagsasama natin, Anong sarap at saya ang pumuno saking damdamin, Wala na'kong iba pang iintindihin, Dahil tanging sa'yo lang naka buhos buo kong pansin, Lahat sila nilayuan ako, Pero ok lang dahil ikaw naman ang nasa tabi ko, Mawala man ang lahat wag lang ikaw sa buhay ko, Dahil diko makakayang tanggapin ito, Salamat at dimo ko pinabayaan, Salamat sa pagmamahal mo sakin ng lubusan, Ang lahat ng nangyari ay diko pinagsisihan, Dahil masaya ako sa'ting pagmamahalan, Sana balang araw matanggap din nila tayo, Maisip at maintindihan nila na wagas ang pagmamahalan natin at ito'y totoo, Na di na tayo mga bata para kontrolin ang buhay at pagsasama nating ito, Sana dumating ang araw na yon para maging lubos ng kaligayahan ko... ❣❣❣
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD