..."Hanggang sa dulo ng walang hanggan"...

255 Words
.."Hanggang sa dulo ng walang hanggan"... Una ko pa lang nasilayan larawan mo, Ako'y nabighani sa kagandahang taglay mo, Diko inakalang tatamaan agad ako sa'yo, Pumintig ang puso kong sintigas ng bato... Di man kita lubusang kilala, Alam kong mabuting tao ka, Kagalang galang ang dating at porma, Ikaw ang lalaking pinapangarap ko sa tuwina... Malayo man tayo sa isa't isa, Ang paghanga't pagmamahal ko sa'yo ay dina magbabago pa, Dahil para sa akin tayo ang magkatadhana, Mamahalin kita hanggang saking huling hininga... Dina mahalaga sa'kin ang nakaraan, Mas importante ang ating kinabukasan, Magsasama tayo hanggang sa dulo ng walang hanggan, Ganyan kita kamahal maging sino ka man... ❣❣❣ ..."Sorry na pwede ba!"... Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sayo, Napabayaan kita at ika'y lumayo, Diko naisip na hahantong tayo sa ganito, Ang masayang pagmamahalan natin nawalang parang bula ito... "Lagi kang nag papasensya, Lagi mo akong inuunawa, Lagi kang nanjan pag kailangan kita, Pero lahat ng ito diko nabigyan ng halaga... "Ilang ulit na kitang nasaktan, Ilang ulit ng nagkahiwalay ng di nagkaka-intindihan, Ilang beses ng nagkabalikan, Pero ngayon diko alam kung ako'y iyo pang babalikan... " Sorry na, pwede ba! Patawarin mo na ako saking pagkakasala, Pinapangako kong dika na luluha pa, Dahil diko kayang sa buhay ko ikay mawala... "Alam kong mahal mo pa rin ako, Na gaya ko ikaw lang ang buhay ko, Pinangarap na makasama hanggang sa huling hininga ko, Kaya sana wag mo na'kong pahirapan pa at bumalik ka na sa piling ko... ❣❣❣
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD