... Mula Sa Puso ...

432 Words
Nagmahal lang po ako, Wag nyo naman akong husgahan ng ganito, Na para bang napakasama kong tao, Isang kriminal sa paningin niyo... Kasalanan bang naging tanga ako, Na kapag nagmahal binibigay ang makapagpasaya sa lalaking siyang lahat sa buhay ko, Na wala naman akong sinasaktan at inaapakang tao, Na buhay ko naman ito at hindi sa inyo... Kung di niyo man ako maintindihan, Sariling opinyon at desisyon nyo yan, Walang pumipilit sayong ako'y iyong paniwalaan, Dahil totoo lang ako saking nararamdaman... Diko kaylangang magkunwari, Para lang ako'y inyong mapuri, Tama na saking naging tapat ako saking sarili kahit na nga sa mga mata nyong mapanghusga at nang uuri, Pero ok lang kahit ang puso ko'y nagdadalamhati... Kung sa tingin nyo, Ako'y di karapat dapat sa pamantayan nyo, Gawin niyo na lang kung anupang gusto niyo, Kahit na nga nakakasakit na kayo ng damdamin ng kapwa tao niyo... Sana lang lahat ng nakikita't nababasa niyo, Ang lahat ng pasakit at sakripisyong nararanasan ko, Lahat ng kabiguan na sumugat sa puso ko, Di niyo maranasan sa buhay niyo dito sa ibabaw ng mundo... Nagpapasalamat pa rin ako, Dahil sa mga nangyaring ito, Nalaman at nakilala ko, Kung sino talaga ang totoo at tapat na mga kaibigan ko... ❣❣❣ " Panloloko " Ansakit pag nalaman mong niloko ka, Ng taong mahal na mahal mo at ipinaglaban pa sayong pamilya, Lahat ng galit nila hinarap mo mapagtanggol lang siya, Pero anong isinukli niya? puro pasakit at pagdurusa... Bakit ba kayo ganyang mga lalaki, Lagi niyo na lang kaming sinasaktang mga babae, Pagkatapos naming magtiwala at gawin ang lahat ito pang inyong igaganti? Ang sama naman sana dina lang ito nangyari... Noong nanliligaw ka pa lang, Halos maglumuhod ka saking harapan, Para pag-ibig mo ay tanggapin ko lang, Ang bait bait mo yon pala may nakatago kang kabulukan... Puro lang pala pagkukunwari ang ginawa mo, Para lang makuha ang loob at tiwala ko, Ako naman si tanga nadala sa mga pambobola mo, Lumambot ang puso na dati kasing tigas ng bato... Halos maging sunod sunuran sa lahat ng gusto mo, Kahit anong hilingin binibigay sayo, Kasi paniwalang paniwala na ika'y tapat at totoo, Yun pala ang kasamaan mo sa loob nakatago... Dika na natakot sa mga panloloko mo, Sa lahat ng kasamaang ginagawa mo, Dimo ba alam na lahat ng ginagawa mo, Ay balang araw babalik din lahat yan sayo... Siguro ngayon nakakangiti ka pa, Nakakapagsaya kasamang mga kabarkada, Pero wag kang pakakasiguro dahil ang karma mo ay palapit na, Si LORD na lang bahala kung anong leksiyon sayo ang ibibigay niya... ❣❣❣
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD