CHAPTER 5: UNEXPECTED EVENT

1288 Words
KARIM'S POV "Nakarating narin kay Haring Madison ang tungkol sa nangyari kay Arvin" putol agad ni Aliyah kay Leo bago pa man niya masabi ang pinakaimportanteng detalye. "Anong sabi ng Hari?" "Na mas makakabuting walang makaalam sa nangyari maliban sa ating apat na naririto at sa Hari, maging sa Doctor na gumamot kay Arvin" "Hmm, para maiwasan ang giyera...?" mahinang patanong na sabi naman ni Aliyah matapos ng napakaseryosong tingin niya at dumapo ito sa'kin, "Sa oras na malaman ng buong Kaharian ng Abarca-- hindi, sa oras na kumalat ang balitang nawala ang ala-ala ng Captain ng Generals, maraming magtatangka na sakupin ang Abarca" "Hm. Mahina ang depensa natin kung wala ang lakas ni Arvin" dugtong ni Leo. "Anong balak ng Hari? Hihintayin nalang ba natin na bumalik ang ala-ala ni Captain?" tanong naman ni Miguel. "Wait, Leo. May nakakalimutan tayo" napunta ang attention namin kay Aliyah. "Matitikom nating lima ang tungkol sa nangyari kay Arvin, pero hindi ng mga taong nandito sa loob ng Palasyo" "Tungkol duon, nabigyan narin ng solution ng Hari ang bagay na 'yon. At para sa tanong mo Miguel, hindi natin hihintayin na bumalik ang ala-ala ni Arvin. Ang laban na magaganap ilang araw mula ngayon sa pagitan niyong dalawa, ipapaniwala natin sa lahat na parang wala ang mga nangyari kay Arvin" Ang kaninang mga tingin ni Miguel na parang ala siyang pakialam sa pinag-uusapan, ay biglang nagbago sa isang salita ni Leo. Tumalim ang mga tingin niya kay Leo na parang hinahamon niya ito, "Sinasabi mo bang magpanggap ako?" Ang hindi ko inaasahan ay ang pagbabalik ng tingin ni Leo kay Miguel, "Bakit, sinasabi mo bang mananalo ka? Kahit hindi ka magpanggap, alam nating kahit isa sa'ting tatlo, walang makakatalo kay Arvin" Sa sobrang bigat ng atmosphere dahil sa kanila, halos hindi na ako makasingit sa usap. Naramdaman ko ang tingin ni Aliyah sa'kin at sinalubong niya naman ako ng ngiti na nagpakalma sa'kin, "Kahit na anong pag-aaway pa ang gawin niyo. Hindi niyo mababago ang katotohanan na hindi kayang lumaban ngayon ni Arvin. H'wag tayong magtake advantage dahil lang nasa ganitong sitwasyon si Arvin. Ikaw ba, Arvin, anong desisyon mo? Ikaw ang Captain, nasa'yo ang huling salita" "Sa tingin ko magiging unfair din para kay Miguel kung magpapanggap lang kami. Kaya kung ako ang tatanungin, mas okay kung mananalo ka dahil pinaghirapan mo ang pagkapanalo mo. Gusto kong maging patas ang laban" at mas lalong lumaki ang ngiti ni Aliyah. "Okay! Case closed" Napabuntong hininga naman si Leo habang si Miguel, may malademonyong mga ngiti. LEERIN'S POV "That's all for today. See you tomorrow" sa paglabas ng teacher siyang pag-ikot ko ng upuan paharap kay Karim, ang ballpen na naglalaro sa mga daliri niya ang una kong napansin. Nang lingunin ko na siya, seryoso naman siyang nakatingin sa labas ng bintana. "Oy, Karim!" kasabay ng napakalakas na pagbagsak ng dalawang palad ni Celia sa table ni Karim. Sa lakas nito, nagulat si Karim at nahulog ang ballpen sa lapag na kaagad ko namang pinulot. "Celia.." paglingon saglit ni Karim para tignan kung kaninong kamay ito. "Anong ibig sabihin nito?!" hinarap ni Celia ang isang papel palapit sa mukha ni Karim na halos mapaatras na. Pumunta naman ako sa likod ni Karim pagkababa ko ng ballpen sa table niya. Isa itong quest paper, S-Ranked Mission. Paghatid sa isang important person papunta ng Abarca. Nasa 200 Kilometers ang layo namin sa Capital. At ang kasama sa list para sa mission ay si Vann at si Karim. "Hmm, hindi ko alam" simpleng sagot ni Karim na walang bahid ng kasinungalingan. Maya-maya, biglang bumukas ang pinto na kumuha ng buong attention ng klase. Si Vann na dumapo ang tingin sa buong paligid hanggang sa huminto ang tingin niya kay Karim. Kaagad siyang lumapit kay Karim at hinampas sa table ang same quest na hawak ni Celia, "Hindi ko kayang tanggapin na ikaw ang kasama ko para sa importanteng mission na 'to" Nilingon ko naman si Karim dahil sa pag-aalala pero tiningala niya si Vann ng walang pagbabago ang expression, "Hindi ko rin naman ginustong masulat ang pangalan ko diyan" "Oy, Vann. H'wag mong kalimutang nasa teritoryo ka ng mga F-Students" singit naman ni Celia sa usap. Lahat kami napatingin sa pintuan matapos ng isang malakas ng tunog ng tungkod ng isang matanda, hindi-- dahil ang matandang ito ang pinakamatandang taong nandito sa East Ground na namamahala ngayon ng buong East High. Ang tinuturing na Ina ng lahat. "Sumunod kayo sa'kin, Vann, Karim" at ang sumunod lang na ingay na narinig namin ay ang tungkod niya sa pagtalikod niya sa'min. Tumayo si Karim. Nagsimula siyang maglakad pero nilingon niya si Vann na hindi tumitinag, "Wala ka bang balak na maglakad, Vann Harold Fitrei?" Sa paghakbang ni Vann siyang paglitaw ng ngiti sa labi ni Karim at nilingon niya ako, "Babalik din ako. Sabay-sabay na tayong maglunch" "Hm" simpleng pagtango ko bago siya tuluyang maglakad palabas ng kwarto. Naramdaman ko ang pagdampi ng balat ni Celia sa braso ko, "Leerin, wala ka bang napapansing kakaiba kay Karim?" Tinignan ko siya ng seryoso pero tinitigan niya lang ako kaya ngumiti ako, "Nagtitiwala ako sa kanya" salitang lumabas sa bibig ko na ipinagtaka ni Celia. "HaaAAaay~ iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig" Binalik ko ang tingin sa labas na kanina lang tinitignan ni Karim, hm. Nagtitiwala ako sa kanya. KARIM'S POV Pagkapasok ko ng kwarto ko, binagsak ko ang sarili ko sa kama. Naririnig ko ang bilis at lakas ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. Paano nalang kung hindi umayon ang lahat sa tama? Sapat na ba ang ginawa ko kanina para makuha ang buong tiwala niya? Aaah, kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari. Pero, ang laki ng tiwala ni Aliyah sa'yo, Arvin Boreanaz. Hindi ko alam na sa pagpikit ko, makakatulog din ako kaagad dahil sa pagod ng utak ko. Naalimpungatan ako dahil sa pagkatok ng isang tao mula sa labas ng pinto ng kwarto ko. "Ako 'to, si Miguel" salitang nagpagising ng buong diwa ko. Kaagad akong tumayo at inayos ko ang sarili ko para harapin siya. "Wala ka bang balak na mag-ensayo?" tanong niya at may binaba siyang folder sa table. "Ang Unique Skills mo bilang Karim Davila ay tinatawag na Imitator. Nakabase ka sa Mahika, habang ang totoong Arvin-- nakabase sa physical strength dahil ang Unique Skill niya ay nakabase sa weapons" ang profile ko bilang si Karim Davila. "Lahat ng information ng mga taong nabubuhay sa mundong ito ay hawak ng Abarca. Kaya h'wag ka ng magulat kung bakit nalaman ko ang tungkol dito. Pero hindi ito ang pinunta ko rito... ang tungkol sa laban nating dalawa.." "Gusto mo bang magpatalo ako?" pinilit kong hindi ipahalata sa kanya ang kaba at takot na nararamdaman ko ngayon. Ngumiti siya, "Hindi. Gusto kong mag-ensayo ka. Harapin mo ako ng buong lakas mo. Ikaw na si Arvin Boreanaz, ang pinakamalakas na warrior sa buong mundo. Maraming madidisappoint kung madali lang kitang matatalo. Lagyan natin ng kaunting trill at bigyan natin ng kaunting intense para sa mga kamag-aral mo" Kunin o hindi ko kunin ang tiwala niya, isang kalaban parin ako sa harap niya. "Ako parin naman ang mananalo sa huli" "Bakit ba gustong-gusto mong manalo laban kay Arvin?" "Hindi man ikaw ang totoong Arvin, pero sa mata ng maraming tao-- ikaw parin si Arvin Boreanaz na tinitingala nila. Sa oras na matalo kita, marerecognise ako ng Hari at mabibigyan ng napakalaking opportunity para maprotektahan ko gamit ang sariling paraan ko ang mundong 'to" at naglakad na siya palabas ng kwarto. ' Maprotektahan gamit ang sariling paraan...?.. ' Hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko pagkabagsak ko ng katawan ko sa kama. "Ano klaseng tao ka ba talaga ha, Arvin Boreanaz" To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD