Sumeryoso ang mukha niya at inayos ang kanyang suot. Tumayo siya at humarap sa akin. Tumayo na rin ako upang maabot ko siya at matitigan ko siya ng maayos.
“Bakit ganiyan ka naman makatingin?” Natatawa kong tanong sa kanya. “May problema ba? May dumi ba sa mukha ko?”
“I love you and I always do. Mamahalin kita kahit dumating ‘yung araw na mapagod kang mahalin ako.” Mahigpit niya akong niyakap. Napalunok ako sa sinabi niya.
Alam kong nasasaktan ko siya at masasaktan ko pa siya. Pero sisikapin kong suklian o higitan ang pagmamahal na binibigay niya sa akin.
“Kung dumating man ‘yung araw na makalimutan mo akong mahalin, paulit-ulit kong ipapaalala sa'yo kung gaano kita kamahal.” Mas niyakap ko pa siya ng mahigpit dahil doon. I am so blessed na nakilala ko siya–na siya ang pinili ko.
“Kung dumating man ang araw na mapagod akong mahalin ka, please, huwag kang mapagod na mahalin ako, Zach.” Nanatili kaming magkayakap. “I want you to stay with me, Zacharias and I want you to love me for the rest of your life.”
“I will love you until I die, Merriam, so let me marry you.” Nabigla ako nang humiwalay siya sa'kin. Pinagsiklop niya ang mga kamay namin.“Wala man akong singsing na hawak ngayon pero handa akong pakasalan ka. I will marry you anytime you want, Merriam.”
Nanatili akong nakatingin sa kanya. Alam kong gusto na niya akong makasama sa iisang bahay. Matagal na niya akong gustong pakasalan pero ako lang ang parating tumatanggi.
“Hindi ko alam kung kaya kong maging wife mo. Ngayon pa nga lang na girlfriend mo nagiging irresponsable na'ko, what more pa kung bumuo na tayo ng pamilya?”
I didn't say na I don't like to marry him nor I don't like him to be my husband. But I'm not yet ready to another responsibility na baka hindi ko magampanan.
“I‘m not forcing you to marry me, Merriam. I'm just asking you to marry me.”
“What if hindi ko pa kaya?” I asked him out of curiosity. Gusto ko lang malaman kung mamahalin niya pa rin ako kahit hindi pa ako handang magpakasal sa kanya.
“If you are not yet ready, then I'll respect your decision. Hindi naman magbabago ang pagmamahal ko para sa‘yo.”
Kung tutuusin napaka swerte ko na sa kanya pero hindi ko alam kung worth it ba na pakasalan niya ako. Kung deserve ko ba ang pagmamahal niya. I don't want to make a promise na pwedeng maging mitya ng relasyon namin.
“Merriam, I love you, okay? Nothing will change, even if you don't want to marry me. I still love you. I still want to be with you.”
I'm still trying to avoid such negative thoughts pero ang hirap. Ang hirap kasi habang tinititigan ko siya nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa ideyang hindi ko magawang pumayag na magpakasal sa kanya.
“I still want to be with you, Zach. I still want to love you even more. But, I can't stop thinking na, what if, masaktan ulit kita?”
Pinisil niya ang magkabilang palad ko. Hinawi niya ang buhok na tumabon sa mata ko. Matamis siyang ngumiti.
“I‘m not afraid to be hurt. I can endure the pain. I can do even more to prove my love for you.”
Habang pinapakinggan ang mga salitang iyon na-realize ko kung gaano ako ka-selfish na girlfriend. Kung gaano ako ka-tanga para tanggihan ang pagpapakasal na inaalok niya.
“So please, I'm begging you, Merriam, don't be afraid to love me. Don't stop yourself from loving me. Don't set any boundaries between us because you're afraid to hurt me. I can always endure it. Whatever happens, whatever your decision, I will accept it. "
One thing I knew, mabilis na bumagsak ang luha sa aking mukha. Mahigpit ko siyang niyakap. Patuloy lang akong umiiyak dahil sa tuwa–tuwa na kahit sa simpleng mga kataga grabe ‘yung realization na aking nakuha.
I will never be afraid to love him. I will never be affected by my past. I will fight for him. I will choose him over and over again.
“Zach, marry me.” Bulong ko sa kanya. “Let‘s get married, love.” humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Hinaplos ko ang gwapo niyang mukha.
Ibang-iba ang saya na nakita ko sa kanya. Ibang Zacharias ang kaharap ko ngayon matapos marinig na pakakasalan ko siya. Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod.
“Zach, bakit ka umiiyak?” Lumuhod din ako upang maabot ko siya. “Zach, anong problema? Hindi kaba masaya?”
Mabilis ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. Dahan-dahan ko iyon pinunasan gamit ang aking palad. “Zach, magsalita ka naman. Anong problema? Bakit ka ba umiiyak?" ‘Di ko na napigilan ang aking sarili at naiyak na rin. “Zach, tell me. What's the problem?”
“You know how much I love you, right? Natutuwa lang ako. Hindi. Sobrang saya ko ngayon, Merriam. Sobrang saya ko na pumayag ka na magpakasal sa'kin.”
Muli niyang kinuha ang aking kamay. Hinalikan niya ‘yon ng ilang beses. Ramdam ko ang pagpatak ng luha niya sa kamay ko.
“Zach, mahal kita at papakasalan kita.”
Naiintindihan ko na natutuwa siya nang sabihin kong magpapakasal ako sa kanya pero habang tinititigan ko ang mga mata niya alam kong hindi lang tungkol doon iyon. Alam kong may iba pang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak.
“Zach, anong problema?” Nag-aalala kong tanong ng humawak siya sa kanyang dibdib—a place where his heart beats rhythmically, which makes me nervous. “Zach, pinapakaba mo ako. Anong problema?” Inalalayan ko siyang tumayo ng mapansin kong nahihirapan na siyang huminga. “Zach, may masakit ba sa'yo? Tatawag na ba ako ng ambulance? Anong problema, Love?”
“My heart is getting weak, Love.” Nanatili siyang nakaupo. Umiiyak habang nakangiting nakatingin sa akin. “But my love for you is stronger than ever and it will be stronger, especially since you agreed to marry me.”
Umiling ako dahil hindi ko siya maintindihan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Kung ano ang una kong itatanong sa kanya. Naguguluhan ako. Natatakot at kinakabahan.
Naguguluhan sa mga sinasabi niya.
Natatakot sa posibleng mangyari sa kanya habang pinagmamasdan ko siyang nahihirapan sa paghinga.
Kinakabahan dahil baka ano mang oras baka bigla nalang niya akong iwanan.
Ramdam ko na rin ang panginginig ng magkabilang kamay at tuhod ko. Napaluhod ako sa harapan niya. Nakaupo siya sa edge ng kama.
“Love, calm down okay? I need you to calm down.” Tumayo siya at naglakad patungo sa side table. Kinuha niya ang cellphone at may ni-dial na number. “I need your help bro, emergency.” In-end na niya ang call after niyang sabihin iyon.
“Love, tatawag na ako ng ambulance or dadalhin na kita sa hospital baka kung ano pa ang mangyari sa'yo rito.” Nanginginig pa rin akong lumapit sa kanya.
“You can't drive, Love.”
“I can call an ambulance.” Pag-insist ko. “Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa'yo.”
“I can't go to ambulance, Love. I have my personal doctor.” He smiled. Mas lalo akong kinabahan sa sagot niya. “Calm down, love. Please. Calm down first.”
“Paano ako kakalma kung nakikita kitang nahihirapang huminga?” Hinampas ko siya sa kanyang braso. “Sorry. I didn't mean to do that. I'm just nervous. I'm afraid, Zach.”
“Don‘t worry, Love. I can handle this. Just promise me to calm down, okay? Kasi ayokong makita mo akong ganito. Ayokong kaawaan mo ako. Ayokong mag-alala ka.”
“Mapipigilan mo ba akong hindi mag-alala? Natatakot ako. Naguguluhan ako.”
“I can't breath properly, Merriam. Please. Stop asking muna.” Mariin siyang pumikit. Alam kong nahihirapan na siya pero pinipilit niya pa rin na pakalmahin ako. Inalalayan ko siyang umupo.
Hindi ko alam kung sino ang tinawagan ni Zach sa kabilang linya kanina. Nagulat nalang ako ng dumating si Efron na naka white gown–kailan pa siya naging doctor? Hindi niya ako pinansin.
Nakatayo lang ako sa gilid habang pinapanood silang dalawa. Ang daming pumapasok sa isip ko. Gulong gulo na ako sa mga nangyayari.
“Merriam, he's fine. Kailangan niya lang magpahinga.” Hindi nakatingin sa akin si Efron. Tulog na rin si Zach. Anong nangyari?
“Is he okay?”
“For now, yes, he's okay but honestly he's not okay.” Inayos na niya ang dala niyang mga gamit. Mahimbing na natutulog si Zach. ‘Di ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa harapan nila. Kung ano ang nangyari. “How about you? I know you are not okay. Kanina kapa tulala.”
“What happened to him?”
Huminga muna siya ng malalim. Binalingan niya ng tingin si Zach. Dalawang hakbang nalang ang layo naman sa isat-isa.
“Sinabihan niya ako na huwag muna sabihin sa'yo ang totoong kalagayan niya. Ayaw niyang malaman mo ang pinagdadaanan niya dahil baka kaawaan mo lang siya.”
“Wh-at are you talking about, Efron? Anong baka kaawaan ko lang siya? He's my boyfriend. I'm his girlfriend and I have the rights to know the truth about him.”
“Alam niyang mahal mo pa rin si Hendrix. Sadly to say, mas na trigger ang sakit niya noong naging kayo. Mas lumala ang sakit niya because of stress and pain.”
“Are you blaming me na ako ang dahilan kung bakit nagkasakit siya sa puso?” Hindi ko gusto ang tabas ng pananalita niya. Na parang sinisisi niya pa ako sa nangyayari.
“Okay na siya, Merriam. Nakumbinsi ko na siya na magpagamot sa America pero napapansin niyang may kakaiba sa'yo. Nag-aalala siya sa'yo lalo na't nalaman niyang bumalik na si Hendrixson sa San Diego.”
I can't absorb all those information. Parang kahit anong oras sasabog nalang yung utak ko dahil sa dami ng nalalaman ko.
“Mahal na mahal ka niya, Merriam. Sobrang mahal ka ng kaibigan ko pero ss isang iglap parang nakalimutan mo siya. Nakalimutan mo ‘yung taong mahal na mahal ka.”
“Efron, hindi ko alam, okay? Sinabi ko na rin sa kanya na wala na akong feelings para sa taong iyon. Na handa akong magpakasal sa kanya.”
“Kaya mo bang maghintay ng isang taon, Merriam? Mahihintay mo ba ang pagbabalik niya bago kayo ikasal?”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Sa oras na pumayag kang magpakasal sa kanya sasama siya sa'kin sa America para magpagamot.”
“Ang ibig mo bang sabihin iiwanan niya ako? I-iwanan niya ulit ako dito?” Hindi makapaniwala kong tanong. Kung iiwan niya rin pala ako bakit pa siya bumalik? Bakit niya pa ako niyayang magpakasal.
“Siya nalang ang tanungin mo. Aalis na ako kung wala ka ng kailangan. Kung sakali man na atakihin na naman siya sa puso tawagan mo agad ako.”
“Sandali.” Pigil ko sa kanya ng makalabas siya sa kwarto. Nanatiling nakabukas ang pinto. “Paano ka naging doctor?”
“Magpapaliwanag ako pagbalik namin galing America.” Nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Napailing lang ako sa sinagot niya. Aabutin ng isang taon bago ko malaman ang totoo? Ano paba ang hindi ko alam?
Tiningnan ko muna si Zach bago nilisan ang silid. Naabutan ko si Efron na nasa living room.
“Sandali. Hindi ko maintindihan. Bakit kailangan ko pang maghintay ng isang taon bago ka magpaliwanag? Ganoon ba kahaba ang paliwanag mo para abutin ng taon?” Giit ko.
“Kapag ba nagpaliwanag ako ngayon, makikinig ka sa'kin? Wala kang pinapakinggan, Merriam. Ayaw ko lang na madagdagan pa ang galit mo sakin. Ayo'ko na magtalo tayo ngayon dahil wala akong oras para riyan.”
“Napakayabang mo talaga. No wonder kung bakit ayaw sa'yo ng kaibigan ko. Masyadong mataas ang tingin mo sa‘yong sarili.”
He smirked na kinainis ko pa lalo. “Schedule nalang natin ‘yung away mag-pinsan. Sa ngayon bantayan mo ng maigi si Zach habang inaayos ko ang papeles naming dalawa patungong America.”
“Sasama ako. Sasamahan ko siya magpagamot.” Prisinta ko kahit hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari. “Sasamahan ko siya.”
“Kapag sumama ka baka hindi na siya mabuhay. Kaya sulitin mo ang araw na ito na kasama siya. Hindi na ako papayag na mas lumala pa ang kondisyon niya dahil sa pagmamahal niya sa'yo.” Tulayan na siyang umalis. Hindi ko na siya pinigilan pa.
Isa lang ang pumasok sa isip ko ngayon at iyon ang masyado kong nasasaktan si Zacharias. Gets ko na ang pinupunto ni Efron. Hindi ko ipagkakaila ang nagawa ko pero hindi ko hahayaan na mawalan siya sa'kin.
Kung kinakailangan na maghintay ako ng isang taon, sige, gagawin ko. Maghihintay ako hanggang sa bumalik siya. Hanggang sa makasama kong muli si Zacharias.