TATLONG oras na ang lumipas magmula nang lisanin ni Corazon ang bahay ni Zacharias. Magulo pa rin ang isip ko. Sana lang okay na kaming dalawa. Sana lang hindi na siya magtanong patungkol sa gabing nakita niya ako sa kasagsagan ng ulan.
“Pasensiya na kung hindi ako nagparamdam sa'yo. Masyado lang akong nasaktan sa nakita ko. Nasasaktan ako sa ideyang baka balikan mo siya.”
“Kasalanan ko rin naman kung bakit naging ganun ang reaksyon mo. Pero nagsasabi ako ng totoo, wala akong kinalaman sa pagbalik niya." Yumuko ako nang sabihin ko iyon. Andito kami sa loob ng kwarto niya, nanonood kami ng movie sa Netflix. Magkatabi kami sa kama.
"Sorry kung pinag-isipan kita ng masama. Sorry kung nagalit ako sa iyo. Sorry kung naging selfish at immature ako." Nanatili ang tingin ko sa screen. Ramdam kong nakatingin siya sa akin habang sinasabi iyon.
"May mali rin naman ako, Zach. Pasensiya na kung nag demand ako ng closure para sa amin ni Hendrixson. Sadyang gusto ko lang malaman ang tunay niyang dahilan sa pag-iwan sa akin."
"Naiintindihan ko, Merriam. Kahit na mahirap, sige papayagan kita. Makipag-usap ka kay Hendrixson. Karapatan mo naman iyon dahil may nakaraan kayo."
"Hindi ka magagalit?" Tanong ko. Nakatingin na ako sa kanya samantalang nakatuon ang mata niya sa pinapanood namin.
"Hi-ndi."
"Sure ka?"
"Hahayaan kitang makausap siya, Merriam, para sa ikapapanatag ng puso't isipan mo. Hindi ko na ipagkakait sa iyo ang pagkakataon na iyon. Karapatan mo iyon. Pero sana habang kausap mo siya maalala mo ako. Maalala mo na may boyfriend ka."
"Za-ch. Ano ba'ng sinasabi mo riyan?"
"Kilala kita Merriam. Alam ko rin kung gaano mo minahal si Hendrixson noon."
"Pero tapos na iyon, Zach. Closure lang ang hinihingi ko wala ng iba pa. Hanggang doon nalang iyon."
"Sana nga. Sana nga hanggang doon nalang iyon."
"Zach, pagtatalunan paba natin ito?" Napatayo ako sa inaasal niya ngayon. Akala ko ba okay na kami? Ano na naman ito? Mag aaway na naman kami?
"Hindi ako nakikipagtalo, Merriam. Ang akin lang sana makita mo rin ang halaga ko. Sana mahalin mo rin ako kagaya ng pagmamahal mo noon sa kanya. Sana ma-realize mo lahat ng pinagsamahan natin mula sa simula."
"Hindi ko naman nakakalimutan ang lahat ng iyon, Zach. Oo sige. Sorry kung hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan si Hendrixson pero kailangan kong marinig ang saloobin niya. Ikaw na rin ang nagsabi na may karapatan akong malaman ang totoo dahil naging girlfriend niya rin ako. Tapos ano 'tong sinasabi mo? Kung ayaw mo naman hindi ko gagawin."
"At kapag hindi ko binigay ang gusto mo maaaring masakal ka. Kapag sobra na ang pagbabawal na ginagawa ko baka bigla mo nalang akong iwanan."
"Zach, ano ba! Ano bang sinasabi mo?"
Saan ba nagmumula ang sinasabi niya? 'Di ko siya maintindihan. Ano ba ang gusto niyang palabasin? Nakakainis na.
"Nagpunta ako rito para makipag ayos sa iyo, Zach, dahil sinabi ni E-" naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang tumawa at pinatay ang telebisyon.
"Kaya ka pumunta rito dahil nakiusap sa‘yo si Efron na puntahan ako, tama ba?"
"Zach, mali ang iniisip mo."
"No. Walang mali roon, Merriam. Ang mali ko lang, umasa ako na ikaw ang kusang pupunta rito. Na ikaw mismo ang makakaintindi sa pagkakamali mo. Pero hindi, eh, kailangan pang makiusap ng pinsan mo sa iyo para lang puntahan ako.”
"Ah. So ako pala ang mali? Ako pa ang mali ngayon? Sa pagkakatanda ko wala akong ginawang mali, Zach. Ikaw ang sumugod kay Hendrixson kahit wala namang ginagagawa iyong tao. Ang init ng ulo mo sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa sa iyo. Diba? Ikaw dapat ang mag sorry sa kanya dahil sa ginawa mo."
"Oh, really? Talagang pinagtatanggol mo siya sa harapan ko? Pinapamukha mo sa akin kung gaano siya kahalaga sa iyo. Kaya pati iyong taong nanatili sa tabi mo wala ng halaga sa iyo ngayon." Mapakla siyang tumawa habang hinihimas ang kanyang batok. "Do you still love him, Merriam?"
"Hindi ko siya pinagtatanggol. Sinasabi ko lang ang mali mo. Iyong mali mo na pilit mo pinapasa sa isang taong wala namang ginagawang masama sa iyo."
Do I still love him? I don't know and I don't want to answer that question. Sana lang hindi niya na ulitin pang itanong sa akin.
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Merriam?"
Mabilis siyang lumapit sa pwesto ko na kinaatras ko. Nasagi ko ang baso na nasa mesa na nahulog sa sahig.
"Nakalimutan mo na ba talaga? Nakalimutan mo na ba ‘yung ginawa niya sa iyo? Kasi ako hindi pa, Merriam. Tandang tanda ko pa rin ang araw na iyon."
Tinalikuran niya ako at paisa-isang inipon ang nabasag na baso. Ramdam kong may tumalsik na kapirao ng bubog sa binti ko pero hindi ko pinahalata sa kanya. Tumayo na siya at tinapon ang hawak niya sa trash bin na nasa side table.
"Sana lang matauhan ka sa mga gagawin mong desisyon, Merriam. Kasi kung ako ang masusunod isasama na kita sa Australia o kahit saang lugar na malayo sa kanya–malayo sa nakaraan mo."
Tuluyang tumulo ang mainit na likido mula sa mga mata ko. Nasasaktan ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Habang tinitingnan ko siya para akong nakokonsensiya. Hindi ko alam kung bakit pero sana–sana hindi siya mapagod sa akin.
"Mahal kita, Merriam. Mahal na mahal kita. Sana alam mo iyon. Sana nakikita mo lahat ng mga ginagawa ko para sa'yo–para sa ating dalawa. Sana tuluyan ka ng umalis sa nakaraan mo kasi nasa future na ako. Future na nating dalawa ang iniisip ko. Sana ganoon ka rin sakin.”
Natulala ako sa sinabi niya. So nakikita na niya ako bilang makakasama niya hanggang sa pagtanda? Samantalang ako? Pilit akong bumabalik sa nakaraan ko. Pilit kong hinuhukay ang nakaraan para lang sa lintik na closure na gusto ko.
"Hindi mo ako deserve, Zach. Hindi ko deserve ang pagmamahal mo."
"Lintek Merriam!" Napahilamos siya ng mukha. " Do you think ibibigay kita kay Hendrixson ng dahil lang sa hindi kita deserve? No! Never, Merriam. I won't leave neither give you to that f*cking asshole!"
"Zach, mas masasaktan ka lang kapag pinili mo ako. Marami pang iba riyan. Mas mamahalin ka. Mas papahalagahan ka. Mas makikita iyong halaga mo. Hindi ako. Hindi iyong tulad ko. Hindi ako karapat dapat para sa'yo."
"Shut up, Merriam! Shut up! Will you?"
"Wake up, Zach! I'm begging you, pakawalan mo na ako.."
Gulong-gulo na ako. Hindi ko na rin alam kung ano ang sinasabi ko sa kanya. Kusang lumalabas sa bibig ko ang mga salitang iyon. Hindi ako makapag isip ng maayos.
"Wala akong pakialam kahit ilang beses ka pang magmakaawa na pakawalan ka. Kahit ilang rason pa ang ibigay mo sa akin hindi ko gagawin iyon."
"Hindi ka magiging masaya sa akin, Zacharias!"
"Wala akong pakialam."
Pero may pakialam ako sa kanya. Ayaw ko siyang saktan. Ayaw kong maulit muli ang nangyari sa'kin noon. Gusto ko siyang makasama. Siya ang nagsisilbing buhay ko ngayon.
"Mahihirapan ka lang kapag pinili mo ako. Hindi ka magiging masaya. Masasayang lang lahat ng paghihirap mo. Mauuwi lang sa wala iyong pinaglalaban mo."
Wala na. Hindi ko na alam lahat ng lumalabas sa bibig ko. Pinagtatabuyan ko siya. Sinasaktan ko na siya.
"Shut up!"
"Zacharias!"
I can't handle this anymore. I can't talk to him like this. I want to spend my time with him. I want to make him feel that I love him. That I'm always by his side.
”Could you please stop making excuses just to destroy our relationship as well as your image in my eyes? Will you? Because this entire conversation is utter nonsense. We can't break up because of your ridiculous thoughts. That's bullsh*t! This is ridiculous! ”
"Zach. I thi-think... I s-still love hi-him..."
Napaluhod ako dahil sa hiya at sakit na nararamdaman ko. Diba dapat masaya ako kasi nasabi ko na sa kanya na mahal ko pa rin si Hendrixson? Bakit ganito? Bakit parang pinipiga ang puso ko? Bakit nakakaramdam ako ng sakit?
Bumuga siya ng hangin. Lumuhod din siya para maabot niya ako. Hinawakan niya ang mukha ko. Nakatingin na kami sa isat-isa. "Mahal mo ba talaga siya?" Tinanguan ko siya. "Naguguluhan ka lang."
"Nagsasabi ako ng totoo, Zach. Mahal ko pa rin si Hendrixson hanggang ngayon." I lied again.
"Naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo. Don't worry bibigyan kita ng chance para makapag usap kayo ng maayos."
Yes. You're right. Naguguluhan lang ako. Sobrang gulo ng isip ko ngayon kaya hindi ako makapag-isip ng matino.
"Za-zach. Please. Let me go. Masasaktan lang kita."
I can't do this. I can't let him go. Please don't let me go, Zach. Mahal kita.
"Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan ngayon sa mga sinasabi mo? Masakit, Merriam. Sobrang sakit na marinig mula sa bibig mo na mahal mo pa rin ang taong iyon. Pero ano pa bang magagawa ko? Hindi ka matatahimik kapag may gumugulo sa isip mo."
"Zach..."
"Okay lang. Ayos lang ako, Merriam. Para sa ikapapanatag ng loob mo hahayaan kitang makipag usap sa kanya."
"Thank you."
Kailangan kong makipag-usap kay Hendrixson. Hindi para makipagbalikan kundi para malaman ang totoo kung bakit niya ako iniwan. That's it.
"Hindi mo kailangan magpasalamat. Sapat na sa akin na manatili ka sa tabi ko. Sapat na sa akin na hindi ka bumitiw. Hindi mo ako binitiwan."
"I won't let you go, Zach. Mahal kita. You know how much I love you, right? I just need to talk to him. I need this what so-called closure, love. I need to hear his side so I can finally move forward and focus on our relationship. After that, sasama ako sayo sa Australia. I want to live with you.”
“No pressure, love. You still have time to decide. Marami pang time para makapag-isip ka ng maayos. Para pag-isipan mo ang tungkol sa atin.”
“Pangako sasama ako sa'yo, Zach.”
“Sigurado kaba, Merriam? Hindi ba pinapauwi kana sa Canada?”
Lumayo ako ng kaunti sa kanya. Umupo ako sa side ng bed. “Naguguluhan din ako. Naguguluhan ako kung uuwi pa ako sa Canada. Aware ka naman na wala akong lugar doon.”
Pinapauwi na ako ni mommy pero ayokong umuwi. Hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil kay Ate. Tiyak na magtatalo lang kami kapag nakauwi ako roon.
“Dahil ba kay Ana?”
Kahit na magsinungaling ako hindi siya maniniwala sa akin. “Oo.” Wala naman akong ibang pinagsasabihan kundi si Zach at Efron lang. Sila lang naman dalawa ang nakakaalam kung ano ang nangyayari sa buhay ko.
“Hindi kapa rin ba niya kinakausap?”
“Hindi pa. I mean, hindi naman kami nag-uusap ever since. Mas tumindi lang noong nalaman niyang naging nililigawan mo ako.”
May gusto si Ate Ana kay Zach. Nagalit siya sa'kin dahil sa inagaw ko sa kanya ang taong gusto niya. In the first place, wala naman akong inaagaw at hindi naman siya gusto ni Zach. So basically wala naman siyang karapatan para sa lalaking iyon.
“Nagkita kami sa Australia.” Napatingin ako sa sinabi niya. Lumapit siya sa tabi ko. “She even sleep in our house.”
“And then? May nangyari ba sa inyong dalawa? Bakit mo sinasabi sa'kin ‘to?”
Ayokong mag overthink pero mukhang may pag-aawayan naman kaming dalawa. Until now hindi pa rin siya tinitigilan ni Ana. Mas matanda siya sa akin pero nakakawalang gana na respetuhin at igalang siya. Ngayon pa na nag co-confess sa akin si Zach.
“Walang nangyari sa'min. Sa guest room siya natulog. She even seduced me while I was in the middle of showering.”
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. I trust Zach pero pagdating sa half sister ko wala akong tiwala sa kanya. Ilang lalaki na ba ang nilalandi niya, kasama na rin doon si Hendrixson. Lahat nalang gusto niya. Kaya hindi na nakakapagtaka na gawin niya iyon sa boyfriend ko.
“Naked?” I asked nervously.
“Y-yes. Naked. I mean, half naked.”
“So, nakita mo ang buong katawan niya?”
”No, she's wearing a dress then binaba niya hanggang waist. ” Tipid niyang sagot. Tumayo siya at tinalikuran ako. Kumuha siya ng tubig sa mini refrigerator na malapit sa cabinet.
“Pinagnasahan mo?” Tumawa lang siya matapos uminom ng tubig. “Oh, bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa?”
“Love, what kind of question is that? Never kong pinagnasahan ang kapatid mo.”
“Eh, bakit ka uminom ng tubig habang nag ke-kwento ka?”
“I‘m thirsty, love. I need to stay hydrated.”
“Hydrated habang nagkekwento sa halos hubad kong kapatid?” He laughed. “Ikaw na nagsabi naliligo ka tapos pumasok na nakahubad ang kapatid ko. Anong gusto mong isipin ko?”
“Isipin mo kung bakit sinasabi ko sa'yo ‘to kahit na ganoon ang nakita ko. Kung ibang lalaki iyon sa tingin mo ba sasabihin pa sa'yo? No, Merriam.”
Hinubad niya ang kanyang t-shirt na kinagulat ko. Inalis niya rin ang suot niyang shorts. Tanging underwear nalang ang suot niya pagkahiga niya sa kama.
“Ano ba, Zach, magdamit ka nga!”
“I‘m feeling hot today, Merriam, would you like to touch mine?” Nakatingin siya sa'kin. Nakahiga siya na parang pang modelo.
“Stop it, Zach. Magdamit kana!” Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa kanya. Hindi naman na bago sa'kin ‘to. Ilang beses ko ng nakita ang katawan niya na tanging brief lang ang suot.