“Efron, saan ka pupunta? Hindi kaba papasok sa loob?” Tanong ko nang makarating kami sa bahay bakasyunan ni Zacharias.
Nanatili kaming nasa labas ng gate. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Zach. Paniguradong galit pa rin siya sa akin.
“Hindi na. Di-diretso na ako sa bar may kailangan lang akong asikasuhin doon. Magpahatid ka nalang mamaya kay Zacharias.”
“Paano ‘yung klase natin kay Mr. Morres?” Hindi man lang kami nakapagpaalam ng maayos. Ayokong masira ang reputasyon ko bilang isang estudyante, ngayon pa na magtatapos na ako sa senior high school.
‘Di ko hahayaan na masira ang mga sinimulan ko dahil lang sa pagbabalik niya.
Kahit na nagsimula ang lahat sa ‘bet’ gusto ko paring makasama ang aking mga kaibigan. Wala rin naman akong ibang ginagawa bukod sa pag-aalaga kay Lola at pagpasok sa ekwelahan.
“Hayaan mo na siya. Makakapagtapos naman tayo kahit wala siya. Remember, katuwaan lang natin ‘tong dalawa.”
So, parehas pala kami ng iniisip. Alam kong nag e-enjoy din siya bilang ‘student’ dahil parati niyang nakakasama si Schelsie.
”Efron, hindi mo naiintindihan, eh. Sa kakaganyan mo hindi tayo makaka-graduate.” Yumuko ako. Feeling ko maiiyak na naman ako dahil sa ideyang magkakahiwalay na kaming lahat.
Gusto ko pang makasama sina Michael at Schelsie. Nangako ako sa kanila na sabay sabay kaming magtatapos sa kolehiyo.
“Makakagraduate tayo. Kahit nga hindi tayo pumasok makakapag martcha tayong dalawa.” Palihim na ngumisi si Efron na kinasimangot ko. Kahit kailan talaga napakayabang.
Wala akong choice nu'ng pasukin namin ‘to pero magkaiba kaming dalawa, kailangan kong mag college. Ilang taon na rin akong nasa senior high school.
Siguro panahon na para pasukin ko ang bagong yugto ng buhay ko. Kailangan kong maka-graduate para makasama ko ang aking mga kaibigan.
Gusto ko rin namang ma-maintain ang grades ko. Ayokong ma-dissapoint si mommy sa akin. Ayokong mas lumayo pa ang loob niya ng dahil lang sa hindi ko siya ka-level, hindi ko ka-level ang utak ni ate.
“Efron, iba pa rin ‘yong nakapagtapos tayo dahil sa sipag at kakayahan natin. Hindi sa tulong ng angkan natin.”
“Parehas lang iyon, Merriam. Napilitan lang naman ako mag-aral dahil nakiusap ka sa akin.”
Sa totoo niyan graduate na si Efron. Kasabayan niya sina Hendrixson at Zacharias. Si Efron ang taga pagmana sa Hacienda De Amore kaya lang pinilit ko siya na manatili rito sa Villa Amore at mag-aral sa ASHS.
Ang ama ni Efron na si tito Emillio ay malapit na kaibigan ni tito Hermano–ang tatay ni Hendrixson. Walang kaalam alam si tito na nagkaroon kami ng relasyon ng kanyang anak.
At ayaw ko na rin na malaman nila ang tungkol sa nakaraan namin dahil paniguradong malalaman nila mommy at daddy ang totoong dahilan ng pananatili ko rito sa Villa Amore.
“Efron!” Matinis ang aking boses nang tawagin ko ang pangalan niya. Mabuti nalang at lumingon muna siya bago sumakay sa kanyang motorsiklo. “Sigurado kaba na nandirito si Zacharias?” Paniniguro ko. Mahirap na at baka nagkasalisi kami o masayang ‘yung effort ko na magpunta rito.
“Oo. Kanina kapa niya hinihintay.” Huling sambit niya. sumakay na siya at mabilis na pinaharurot ang kanyang motor.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob. Isa sa katulong niya ang nagbukas ng gate.
“Ma'am, pasok po kayo.” Nasa likuran ko ang katulong niya habang nauuna akong maglakad.
“Ate, nasaan si Zacharias?” Pagtatanong ko nang buksan niya ang main door.
“Nasa kwarto niya po ma'am. Dumireto nalang po kayo roon.” Sabay na kaming pumasok sa loob.
Malinis ang buong bahay. Halos hindi ka makakakita maski katiting na alikabok. Aakyat na sana ako nang may mapansin akong babae sa dining area. Kumakain siyang mag-isa. Nakasuot lang siya ng maong na short at crop top na halos bakat na ang malusog niyang dibdib.
Lumapit ako sa dining area. Maputi siya. Parang labanos ang kulay ng balat niya. Matangkad. Balingkinitan ang katawan. Maigsi ang buhok na may kulay ginto.
“Hi! Sorry to interrupt you, but who are you?”Nginitian ko siya nang matigilan siya sa pagkain. Tinapunan niya lang ako ng tingin saka nagpatuloy sa pagkain habang nag ce-cellphone.
Ilang minuto akong nakatayo sa harapan niya ngunit ni isang salita walang lumabas sa bibig niya. Peke akong umubo para mapansin niya ako subalit walang epekto sa kanya iyon.
“Excuse me!” Sigaw ko nang hindi ako makapagtimpi. Hindi pamilyar ang mukha niya sa akin kaya gusto kong malaman kung sino siya sa buhay ni Zacharias.
Ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano pero ito ang unang pagkakataon na may maabutan akong babae rito. Hindi niya ugali na magdala ng kung sino-sino na lamang. Lalo na't wala naman siyang binabanggit o pinapakilala sa akin..
Sinasabi ko na nga ba...
Padabog siyang tumayo nang matapos siyang kumain. Lumapit siya sa akin na parang wala lang. Masama ang tingin niya.
“Would you please stop bothering me, okay? Mind your own business girl!” Nilagpasan na niya ako saka tumungo sa hagdanan. Nakasalubong niya si Zacharias. Nilagpasan niya lang iyon at nagpatuloy sa pag-akyat sa pangawalang palapag.
"Merriam, what are you doing here?” Halata sa reaksyon niya ang pagkagulat nang magtama ang mga mata namin. Maski ako nagulat sa reaskyon niya. Akala ko ba kanina niya pa akong hinihintay?
Hinayaan ko siyang makalapit sa akin at halikan ang pisngi ko. ‘Di na rin ako tumanggi dahil na shock pa rin ako nang tawagin niya ako sa aking pangalan.
Tinitigan niya muna ako ng matagal,“Love, what's wrong?” Malakas ko siyang sinampal dahil hindi na ako makapagtimpi pa. I knew it. Niloloko niya lang ako. Palabas lang lahat ng pinapakita niya sa akin maski iyong araw na nagtalo sila ni Hendrixson.
“Love, what's wrong with you!?” Hinimas niya ang kaliwang pisngi na sinampal ko. “What‘s wrong with you, Merriam?!”
“Sino ang babaeng iyon, ha?”
"Babae?”
“Ano nagmamang-maangan kapa? Ide-deny mo pa? Ano, may babae ka?”
“No. Hindi ko siya babae. Teka. Nagseselos kaba?”
“No! I'm not. Why should I? I'm just asking kung sino ang bastos na babaeng iyon.” Kinagat ko ang ilalim ng aking labi. Hindi ako nagseselos pero galit ako. Inis at galit ang naramdaman ko nang makita ang babaeng iyon.
Hinawakan niya ang balikat ko. Hinimas niya ang buhok ko. Bago siya magsalita hinalikan niya ang noo ko.
“She's my cousin, Love at kung iniisip mo na lolokohin kita, then you're hallucinating. Hindi kita lolokohin at hindi kita ipagpapalit sa iba.”
“Wh-what? Cou-sin?”
Sa loob ng higit dalawang taon ni wala pa akong nakilalang kamag-anak ni Zacharias. Tanging ang pamilya niya lang ang nakilala ko. Akala ko ba para sa aming dalawa lang 'tong bahay? Selfish na kung selfish pero pinatayo ni Zach ang bahay na ito para sa aming dalawa.
Kung ako ang masusunod ayokong may nakakalam na iba–o ni isang myembro ng pamilya naming dalawa tungkol sa bahay na‘to. Pero dahil kailangan ko si Efron, kailangan kong sabihin sa kanya ang tungkol dito.
“I'm telling you the truth, Merriam. She's just my cousin. My little sister. Hindi mo siya kailangan pagselosan. We're relatives. We're family.”
“Paano ka nakakasiguro na pinsan mo nga ang babaeng iyon?”
“Love..." Tumawa siya, "Her name is Corazon Austria Del Marco. Anak siya ng kapatid ni mama.”
“And?”
“She's just sixteen years old, love.”
“Is that so?”
“Lumayas siya sa kanila dahil pinagbintangan siya ng step mother niya na nagnakaw ng pera.”
Tinalikuran ko siya at nagtungo sa sala. Umupo ako sa sofa at huminga ng malalim.
“Love, nagsasabi ako ng totoo. Ako ang unang tinawagan niya dahil alam niyang nandito ako sa pilipinas. Pinipilit niya akong isama ko siya pabalik sa Australia.”
“Talaga? Isasama mo siya?”
“Hindi, love. Hindi ako pumayag at hindi ako papayag na isama siya sa Australia.”
“At bakit?”
Huminga muna siya ng malalim. Luminga linga siya sa paligid as if na nakikinig ang pinsan niya kuno. “Ako ang mayayari kay tito Coronel. Hindi alam ni tito na nandirito siya sa puder ko. Kapag nalaman niya na kinupkop ko ang anak niya baka mas worst pa ang gawin niya kay Corazon.”
“What do you mean?”
“Drug dealer ang tatay niya. Mula nang mamatay si tita Amy nagkandaletse na ang buhay nila Corazon. Muling nag asawa si tito na katulad niyang addict. Pinahinto siya sa pag-aaral at parating sinasaktan.”
“Bakit hindi siya nagsumbong sa pulis? Bakit ngayon lang siya lumapit sa iyo?”
“Dahil mayor ang tatay ni Corazon. Mayor sa lungsod ng San Diego– sa lugar natin, Merriam. Kapag dinala ko sa Australia si Corazon maaaring guluhin ni tito Coronel ang pamilya ko at baka hindi na kami makabalik dito.”
“Hindi ko naiintindihan, Zach.”
“Si tito Coronel ang pinaka maimpluwensiyang namumuno rito sa syudad ng San Diego. Nang mamatay ang kapatid ni mama pinangako namin na hindi na muli kaming makikipag ugnayan sa kanya–sa kanila kahit na kaligtasan pa ni Corazon ang pag-uusapan.”
'Di ko alam ang buong detalye kung ano ang nangyayari sa pamilya nila Zacharias. Naguguluhan pa rin ako. Hindi ako kumbinsido sa mga paliwanag niya.
“Taong 2015 nang makulong si daddy sa araw ng pagkamatay ni tita Amy. Iyon ang araw na nagkakilala kayo ni Hendrixson, Merriam. Iyong araw na pumunta ka sa Villa Amore.”
“Wa-wait. Pwede isa-isa lang, Zach? Sa dami ng sinasabi mo sa akin hindi ko alam kung kakayanin pa ng utak ko ang lahat ng nalalaman ko.”
“Alam kong naguguluhan kapa pero kailangan mong malaman ang tungkol sa pamilya ko. Isa rin sa rason kung bakit ako umuwi ng Villa Amore para malaman ang dahilan kung bakit nakulong si daddy. Kung sino ang nag set up sa kanya sa pagkamatay ni tita Amy.”
“May ideya kaba kung sino ang gumawa no'n sa daddy mo?”
“Oo pero wala pa akong sapat na ebedensiya para mapatunayan na may kinalaman nga sila sa pagkamatay ng tita ko at pagkakulong ni daddy.”
“Hindi ba delikado iyan? Bakit hindi mo nalang ipagkatiwala sa kinauukulan?”
“Wala akong tiwala sa mga pulis dahil alam kong may nagbabayad sa kanila.”
Tumahimik ako saglit sa sinabi niya.Tama siya mahirap magtiwala sa mga pulis ngayon. Pero bakit niya sinasabi ang lahat ng ito? Akala ko ang pag-uusapan namin ay tungkol sa nangyari no'ng nakaraang araw sa pagitan nilang dalawa ni Hendrixson.
“Lumayo ka kay Hendrixson, Merriam. Huwag mong hayaan na muli kang mapalapit sa pamilya nila.”
“Hindi kita maintindihan, Zach. May kinalaman ba ito sa nangyari sa daddy at tita mo?”
“Oo, Merriam. At kung andito lang ang daddy at mommy mo paniguradong isa lang din ang sasabihin nila sa'yo. Iyon ang lumayo ka kay Hendrixson.”
“Teka ha, naguguluhan talaga ako.”Pasimple akong tumayo sa kinauupuan ko at hinawakan ang aking noo. 'Di ko talaga maintindihan lahat ng sinasabi niya. “Hindi sa pinagtatanggol ko si Hendrix pero anong kinalaman niya rito?”
“Hindi si Hendrixson kundi ang tatay niya.”
“Ha? Ano? Anong kinalaman ni tito Hermano rito? Mabait ang taong iyon. Sa totoo niyan pinayagan niya si Efron na mag-aral sa ASHS para may nakakasama ako.”
“Mas mabuti pang si Efron nalang ang tanungin mo tungkol dito. Ang akin lang umiwas kana sa nakaraan mo. Ayaw kitang mapahamak. Mahal kita, Merriam. Hindi ko hahayaan na makuha ka sa'kin ni Hendrixson.”
“Alam kong sinadyang patayin ni papa si mama,” rinig kong sabi ni Corazon. Pababa siya bitbit ang maliit na bag pack. Lumapit siya sa amin at pilit na ngumiti. “Aalis na ako kuya Zach. Pinapahanap na ako ni daddy baka madamay kapa.”
“Teka! Sigurado kaba, Corazon?” Pigil ni Zach.
“Oo, kuya Zach. Kahit saan ako pumunta gagawa at gagawa ng paraan si papa para mahanap ako.”
“Ano bang nangyayari, Corazon? Pwede mong sabihin sa akin baka matulungan kita.”
“Hindi na kuya Zach. Kapag humingi ako ng tulong sa'yo possible na ipapatay ka ni papa o ipakulong ka rin katulad sa nangyari kay tito.”
“Cora–”
“I'm fine kuya. Mas mabuti pang manatili ako sa puder ni papa para malaman ko kung sino ang tunay na pumatay kay mama at nag set up kay Tito Zion.”
“Okay sige. Basta ipangako mo sa akin na mag-iingat ka. Huwag kang gagawa ng bagay na ikapapahamak mo.”
“Opo kuya, Zach. Ingatan mo ang girlfriend mo baka makuha siyang muli ni kuya Hendrixson. Iba gumalaw ang pamilyang Morres.”
Napanganga ako sa sinabi niya. Anong alam niya sa nakaraan namin? Anong ibig niyang sabihin patungkol sa pamilyang Morres?