Marahan niya akong inihiga sa kaniyang kama habang hindi pa rin naghihiwalay ang aming mga labi. Tila isa akong babasaging bagay na kailangang pag-ingatan ng husto ng mga oras na iyon. Umibabaw siya sa akin ngunit hindi ng buong bigat. Sa pagkakataong ito, banayad ang kanyang mga labi. Hindi ito tulad ng dati na marahas at mapagparusa. Sumusuyo ito at hindi nanakit. Malakas ang kabog ng aking dibdib hindi dahil sa takot. Tumitibok ito ng mabilis dahil sa pananabik. Matapos ang nakalulunod na halik ay tinitigan niya ng maigi ang aking mukha. "You've never change mahal mahal. Kagaya pa rin ng dati ang iyong mga labi. Malambot at napakasarap. I miss you Hilary. I missed you so damn much." Sabi niya sa tila paos na boses. "Alam mo ba'ng nagbabago ang mga tao sa paglipas ng panahon?" M

