"Sigurado ka ba talaga riyan Joyce?" Tanong ko sa kakambal kong si Joyce. "I'm pretty sure about this Hily. Nararamdaman kong totoo na itong lead na ito this time. Sa wakas, malalaman na rin natin kung saan nakalibing ang tatay natin." Makikita sa mukha niya ang saya dulot ng balitang iyon. Isa sa mga mapagkakatiwalaang tauhan ni Joyce ang nagsabi na nadiskubre na nila kung saan eksaktong nakalibing ang namayapa naming ama, gusto ito ngayong puntahan ni Joyce. "Pero baka magalit si Russel, Joycee. Hindi ba ayaw ka pa niya munang bumyahe kasi kakapanganak mo pa lang. Isa pa, malayo ang Palawan. Baka kung mapaano ka." Pagpipigil k sa kanya. Mahigit isang buwan pa lang kasi matapos niyang manganak kay baby Hera, hindi pa siya gaanong magaling. "Ano ba'ng tingin mo sa'kin Hily, bata? I k

