Sebastian "Sumagot ka Seb! Paano napunta sa'yo 'to?" Hindi ko alam kung paano ko nagawang maiditalye sa kaniya ng buo. Basta nasabi ko na lang. "S-Sa aparador sa taas ng lababo, doon sa dati kong apartment. Iyong bahay mo ngayon na nasunog na. Nakalimutan kong nailagay ko pala iyan sa mga gamit ko dati at noong araw bago tayo umakyat ng bundok, doon ko lang iyan ulit nakita. Doon ko lang din iyan nabasa." Diary iyon. Diary ni Joyce. Nang makita ko iyon dati ay hindi ko pinansin. Basta ko na lang iyong isinama sa mga gamit ko hanggang sa nawala na iyon sa isip ko. Marahil iyon ang bagay na naiwan niya dati kaya siya bumalik sa apartment tatlong araw matapos ang una naming pagkikita. "Anu-ano ang mga nabasa mo?" Bakas sa mukha niya ang takot at alam ko kung bakit. "May nakumperma ako

