"Anong nangyari?" Iyong bahay ko, iyong dating apartment ni Seb na binili ko...kulay uling na! "Ma'am, kayo po ba ang may-ari ng bahay na ito?" Tanong sa akin ng isa sa mga bomberong umapula ng apoy. "O-Opo. Ako nga ho. Ano po ba'ng nangyari?" Iyong bahay ko! Iyong bahay ko! "Mukhang nagkaroon po ng short circuit maam. Mabilis pong kumalat ang apoy dahil na rin sa pagsabog ng iba pang mga kagamitan sa loob. Sa ngayon po tuluyan na naming naapula ang sunog ngunit hindi pa rin po ligtas ang lumapit dito dahil posible pong magkaroon ng falling debris dulot ng pinsala." Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa panlulumo. Dito ako ngayon kasalukuyang tumutuloy habang tambak pa ang mga kailangan kong gawin dito sa Maynila. Hindi pa nalo-launch ang panibagong libro na sinulat ko at nakapila

