Pakiramdam ko lumulutang ako. Dahan-dahan kong imimulat ang aking mga mata at doon ko nakumpermang lumulutang nga ako. "Joyce huwag kang malikot, baka maihulog kita." Pasan-pasan ako ni Seb. Piggy-back-ride. Wait. "Bakit mo ako pasan Seb? Tuluyan na ba akong nalumpo!" Hindi! "Relax. Ayaw lang kitang gisingin kaya pinasan na kita." Ahh. Kaya naman pala. "P-Puwede mo na akong ibaba." Nakakahiya na kasi. "Hindi ayos lang. Saka may sugat din iyang paa mo. Baka lumala pa." "Seb kanina mo pa ba ako buhat-buhat?" Hindi ko man lang namalayang binuhat niya na ako. "Hindi naman." "Mabigat ba ko?" Nakakahiya. Baka mamaya ang bigat ko pala. "Hindi naman." "Baka naman pagod ka na?" Mukha kasing malayo-layo na ang nilakad niya. "Hindi naman." "Naguguto---" Naputol ang itatanong ko

