Gustong matawa ni Drake habang sinusundan niya ang dalaga. Napakapikunin talaga nito pagdating sa kanya. Hindi pa man ito nakakarating sa sasakyan nito ay mabilis niya itong hinila sa braso at dinala sa kanyang sasakyan. Hindi niya ito binigyan ng pagkakataong makawala kahit nagpupumiglas pa ito.
"Let me go! Walang ka ng ginawa kundi saktan ang damdamin ko!"
Napailing na lang siya. Nang maiupo niya ito sa passenger seat ay mabilis niyang inilock iyon dahil baka makawala ito. Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang kabilang bahagi at pumasok sa loob.
"I don't know what you're saying that I always hurt you",,umpisa niya. Taas baba ang dibdib ng dalaga at alam niyang dahil iyon sa galit. "I'm just asking you as a director. Kahit saan kang hospital ay ganon din ang itatanong sayo."
"Oh please, don't fool me. Maybe I was a stupid loving you before but I'm not stupid in this kind of thing! Why would the hell the other directors would ask me the same question? Why, are they have any idea that I am an intern? Kaya nga hindi ko nilagay sa resume ko diba? In my resume, I am fresh graduate from medical school!"
Napatitig siya sa mukha nito. She's so mad. Pero iba ang tumatakbo sa isip niya. Mali mang isipin but he finds her lips sexy every it moves while she's talking. Hindi na rumehistro sa isip niya ang iba pa nitong sinabi dahil nakatuon ang kanyang pansin sa bawat pagkibot ng bibig nito.
"At ngayon---- he stopped her by kissing her on her lips passionately. He held her head and deepened the kiss
"Uhmmm uhm", protesta nito ngunit hindi niya ito pinagbigyan. Mas lalo lang niyang pinalalim ang halik. He just miss her so much. She don't have an idea how he missed her scent.
Gusto niyang magbunyi nang maramdamang tinutugon na nito ang kanyang halik. She place her arms around his neck and kissed him back in the same passion.
Sino ngayon ang marupok? Naisaloob niya. Saglit siyang tumigil sa paghalik dito at sinapo ang magkabila nitong panga. He just stare at her tenderly like she's the center of the universe. He stared at her swollen lips and run his thumb softly on it. He can't get enough of the taste.
Nanatili itong walang imik na sinasalubong ang kanyang tingin. He didn't waste any time and claimed her lips again. Wala itong pagtutol. She just closed her eyes and accept his kiss passionately.
She's so addicting.
Hindi na pumasok sa isip niya ang mga bagay sa paligid. The only thing that matters was only her and him. As he let go of her lips, he circled his arms around her waist and embrace her.
"Let's be like this for awhile", he said with hoarse voice. He just love hugging her. Hindi niya maintindihan ang sarili pero nakakaramdam siya nang kapayapaan kapag kayakap niya ito. It gives him comfort and it feels so promising. "Would you mind if I'll bring you somewhere?"
"Where?" Mahinang tanong nito. Naramdaman niyang inihilig nito ang ulo sa kanyang balikat. Hindi niya mapigilang mapapikit. How he wish they could be like this forever.
"You will know when we get there", nakangiting sagot niya.
"But you still have a work inside", may pag alala sa boses nito. Which he finds cute and sweet
"It's not a problem. I'll be on leave from tomorrow."
"But my application?" Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya.
Imbes na sagutin ito ay inabot na lang niya ang nakaawang nitong mga labi. He reached for her tongue that made them groaned together.
"Uhm--uhmm"
"Okay, I'm stopping. I'm sorry, I just can't get enough of it."
Hindi naman ito nagsalita at umayos na lang sa pagkakaupo. Dahil wala nang namagitang salita sa kanilang dalawa ay pinaandar na lang niya ang sasakyan.
Nanatili itong tahimik kahit sa gitna ng kanilang biyahe.
"You can say something, you know", basag niya sa katahimikan. Nababahala siya sa pananahimik nito.
Umiling lang ito. Napabuntung-hininga na lamang siya.
"Are you mad at me?" Nababahalang tanong niya. Maybe she sensed the worry in his voice.
"Should I?" Balik tanong nito. Nanatiling nakatuon ang tingin nito sa labas ng bintana.
"Is it about the kiss?"
"I don't want to talk about anything", mahinang sabi nito. He frustratedly stopped the car and face her.
"Tell me, did I have done anything today that upset you?"
Lumingon ito saglit sa gawi niya at ibinalik ulit ang tingin sa labas.
"You are confusing the hell out of me", umpisa nito. "You are not even sorry for what you did. And now.... Oh God."
Umiling ulit ito ng sunod-sunod. "I don't want to talk about it anymore. Just drive wherever is that place you're planning to bring me. I want to get back home before sunset."
Wala siyang nagawa nang muli itong tumahimik at ipinikit ang mga mata para magkunwaring tulog. He just sighed. Alam niyang napipilitan lang itong sumama. He has a plan of bringing her to his haven but not today. It was planned very well, pero hindi niya inaasahan ang pagsipot nito sa hospital. He taught that she don't want it there but he was surprised when he received an info from HR that they have a new applicant. Nang makita niya ang resume nito ay sobrang nagulat siya. But he felt happy though.
_____
Addy
Ang pagtulog-tulugan niya ay natuluyan. Nagising lang siya ng makaramdam siya ng mabining haplos sa pisngi. Gusto niya sanang mapangiti dahil nakakaramdam siya ng kokonting kiliti. Ngunit mabilis niyang naimulat ang mga mata nang maalalang nasa biyahe siya kasama si Drake. Namulatan niyang hinahaplos nito ang kanyang pisngi habang matiim na nakatitig sa kanya.
Napabalikwas siya at agad na inikot ang tingin sa paligid. "Where are we?"
"Somewhere in Bulacan. Come on, Bandit was been waiting inside."
Saglit siyang hindi natinag. Bulacan was somewhere on the north. Malayo na iyon sa siyudad. Kaya pala ang pakiramdam niya ay ang haba ng tulog niya.
"W-wait!" Nasambit niyang hindi pa rin bumababa sa sasakyan. "You brought me here without asking if I want to go?"
Napatitig naman ang lalaki sa kanya. Parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Still sleepy? I guessed yes."
Napasunod na lang ang tingin niya dito nang lumipat ito sa may bahagi niya para pagbuksan siya ng pinto. Ngunit hindi pa rin siya tuminag. Wala siyang naalalang sinabi nitong dadalhin siya nito sa Bulacan. Ang tanging sinabi nito ay 'you will know---
Sh*t! Pumayag pala siyang isama ng lalaki kahit hindi nito sinabi kung saan sila pupunta.
"Kung alam ko lang na ganito pala kalayo, I shouldn't have come", nakasimangot na maktol niya. Padabog siyang bumaba ng sasakyan at nagpatiuna na ditong naglakad.
The house was very simple from outside. Gawa lang iyon sa kahoy but it looks cute. No neighbors and far from crowded street. Kung hindi lang niya naririnig ang paisa-isang tunog nang motorsiklo mula sa malayo iisipin niyang nasa isang gubat sila. The place looks like a sanctuary. O marahil sanctuary nga iyon ng bintana. Hindi niya alam na may ganito pala itong pinupuntahang lugar.
"How did you find this place?" Hindi niya napigilang itanong. Kung hindi lang sana siya naiinis dito ay maaappreciate niya ang lugar. It's peaceful and anyone would want to live there for a lifetime.
"It's my haven."
Napatingin siya sa lalaki. Ang taong may ganitong hilig ay ang uri nang tao na laging gustong mapag isa. Naalala niya ang sinabi ni Taddeo. Bakit hindi nito mapatawad ang ina?
Pilit niyang iniwaglit sa isip ang mga bagay na iyon. She shouldn't think about it. Hindi magandang makialam siya sa buhay nito. It's his privacy.
Ngunit natagpuan na lang niya ang sariling matamang nakatitig dito. Pareho silang nakaupo sa sofa at nagpapahinga. Si Bandit ay nasa sahig at nakatingala sa kanila. Inihatid ito kanina nang caretaker nang malamang nakarating na sila.
She just taught, being here right now was his planned. Lihim siyang napailing. What is it this time?
Saglit niyang tiningnan ang relo, dapithapon na. Ngunit hindi man lang siya nag alala na hindi sila agad makakauwi ng binata.
"How's your dad?" Naisip niyang itanong. Gusto niyang may mapag usapan sila kahit papano. Nagbabakasakali siya kung magkukwento ito tungkol kay Taddeo at sa ina nito. Kahit suntok sa buwan na mangyari yon. Kahit ang kanyang ate ay hindi alam ang buong pagkatao ng lalaki.
"He passed away two years ago. He had a stroke."
"Oh, I'm sorry for that. I shouldn't have asked",agad niyang paghingi ng paumanhin. She just felt sad of the taught that he was alone when everything left him. Bakit hindi niya alam ang bagay na iyon?
Tanga! Ni hindi mo nga nakita ang tatay niya noon!
"It's fine. Don't feel bad about it."
Lumunok siya. Alam niyang mali ang tumatakbo sa kanyang isip but she just want to know. Gusto niyang malaman. A part of her believe that he's emotionally in pain.
"So, Taddeo is your brother", napakagat labi siya. Hindi iyon tanong kundi pangungumpirma. She just hope na hindi nito masamain.
"What do you want for dinner?" Sa halip na pag iiba nito ng usapan. Nakita niya kung paano tumiim ang bagang nito. He's mad. Gaano ba kalaki ang galit nito at ganoon na lang ang pag ayaw nitong pag usapan ang tungkol doon?
"Drake...." Sambit niya.
"I'm tired from driving Addy. I want to rest, just tell me when you're hungry. I'll make food for you."
Hindi pa siya nakasagot ay umalis na ito. Did she just hit the wrong spot? Is she being insensitive this time? But a part of her felt bad. Hindi pala nito kayang buksan ang buhay nito sa kanya. Bakit sino nga ba siya? An obsessed stalker of him before.
Malakas siyang bumuntung-hininga at niyuko ang aso.
"Come to mama!" Agad naman itong sumampa sa kandungan niya at isiniksik ang sarili sa kanya. Ilang minuto muna siyang nasa ganoong posisyon bago tinungo ang kusina. Maliit lang ang bahay na iyon at tama lang sa dalawa ka tao,ngunit kumpleto sa gamit.
Iisang silid kung saan pumasok ang lalaki kanina.
Hindi na niya inisip kung saan siya matutulog mamaya, hindi kasi siya yung tipo ng tao na kailangan pa ng komportableng higaan para makatulog. She can even sleep while sitting. Malaki ang sofa sa maliit nitong sala at sigurado siyang kakasya siya doon.
Habang nagluluto hindi niya maiwasang isipin, pumupunta ba ang lalaki doon kapag nalulungkot ito? Naiintindihan niya ang pakiramdam nitong galit ito sa ina at bago nitong pamilya if ever na totoo man ang sinabi sa kanya ni Taddeo. But the point is, pinapahirapan lang nito ang sarili.
She just thankful na marami siyang natutunan sa pamumuhay nang mag isa sa California. Na dati'y hindi niya kayang gawin noong nasa poder pa lang siya ng mga magulang. Kaya na niyang ipagluto at ipaglaba ang sarili. She can even clean the whole house if she have her free time.
Nang makapaghain ay nagdadalawang isip siyang katukin ang lalaki. Baka kasi nagalit ito sa pagtatanong niya. Obviously, ayaw nitong pag usapan.
"Bandit!" Tawag niya sa asong nakabuntot palagi sa kanya. "Call Daddy!"
Gusto niyang mapatawa sa sariling kalokohan. Paanas lang ang pagsabi niya sa aso at baka marinig siya ng binata. Umungot lang ang aso. Gusto niyang mapairap. Right, hindi pala nito alam kung sinong daddy ang tinutukoy niya. Humakbang na lamang siya palabas roon at tinungo ang silid kung nasaan ang binata. Mahina siyang kumatok.
"Drake...!"
Agad naman nitong binuksan ang pinto. "Are you hungry?"
Gusto niyang mapairap sana. Kaya lang naisip niya ang reaksyon nito kanina. Hindi ito ang tamang oras para magmaldita.
"Actually I cooked. Kakain na", saka agad itong iniwan. She just don't feel comfortable about the feeling. Ito ang kauna unahang lalaking naipagluto niya. Kahit ang daddy niya ay hindi pa nakakatikim ng luto niya dahil wala naman kasing mga ideya ang mga ito na marunong na siya sa gawaing bahay. Iniisip pa nga ng mga ito na nauubos lang daw ang pera niya sa pagkain sa fastfood.
Her parents insisted to give her more money but she refused nang magsimula na siyang tumanggap ng kakaunting sahod. Kahit hindi iyon kalaki katulad nang isang lisensyadong doctor ay sapat na iyon para sa kanya. She aimed to live independently. Her parents were rich but she's not.
"It tastes good",puri ng lalaki habang ngumunguya ng apritadang manok. Saglit na uminit ang kanyang pisngi dahil sa sinabi nito. "You really know how to cook now, huh?"
Tumango-tango siya. "Actually,my family didn't know about it."
Gusto niyang pagsisihan ang salitang nanulas sa kanyang bibig. Hindi naman ito nagtatanong pero may sariling isip ang kanyang bibig para magkwento.
"Don't tell me..?"
Napatikhim siya. Hindi niya ito matingnan sa mukha. "Tell you what?"
"I was the first one tasted your dish?" Kuminang ang mata nito sa kapilyohan. Alam niya, mag uumpisa na naman itong mang asar. Kaya inunahan na niya.
"Don't flatter yourself. I've cooked for my boyfriends in California too", mabilis niyang sabat. Natahimik ito. Siya naman ay hindi na nag abalang tingnan kung anong naging reaksyon nito at nagpatuloy na lamang siya sa pagkain.