CHAPTER 15

2484 Words
"Alam mo, hindi ko alam ang drama mo sa buhay!"  Kunot noong sabi ni Thylane. Niyaya niya itong mag gym. Nagawa niyang ikuwento dito ang mga sinabi ni Drake. Hindi naman lingid sa kaalaman nito ang kabaliwan niya noon. "He told you he like you. Which you've been wishing for your whole life." "The point is, he was not sorry for what he did!" Iritang sagot niya habang tumatakbo sa treadmill. "He explained why!" Giit nito. "Eh bakit ikaw, hindi mo pa rin pinapatawad si Ruairi? Diba nga buong buhay ka niyang sinusuyo?" "Excuse me? Pa'no napunta sa akin ang usapan? My case was different with yours!" Napaikot na lang ang kanyang mata. "At least he tried to coaxed you! But Drake? Siya pa ang galit." "Okay ka lang? Kulang pa yung birthday cards at pa flowers na ginawa niya? Isa ka ring  demanding e.  Halos buong buhay mo nga sinusundan ka." "At bakit kasalanan ko pa? Kasalanan ko? Kasalanan ko?" "Tigilan mo ako Addison. Kung ako kay Drake maybe I did the same. You are so obsessed back then, for godsake! And it's not healthy for an eighteen year old!" Eksaharadong wika nito. Hindi na siya umimik at nahulog sa malalim na pag iisip. May punto naman ito. Ano ba kasi ang ipinagpuputok ng butse niya? O marahil gumaganti siya sa pananakit nito noon? I'm not capable of that! Bukas na ang baby shower nang kanyang ate, at sigurado siya nandoon ang lalaki. It's been a week. She terribly miss him. But she's fool restraining herself to see him. Naalala niya ang offer nitong tapusin niya ang intern sa hospital na katabi lang ng clinic nito. Nitong huli lang niya nalaman na isa sa mga director ang lalaki doon. Umiling siya, no she will not take the offer. Gusto niyang pinaghihirapan niya ang lahat sa sariling sikap niya. And she don't need his help either. ______ "I think he's not coming", nabaling ang tingin niya sa kapatid. Nahuli siya nitong laging nakatingin sa main door. "Pinagsasabi mo diyan?" Nakasimangot na wika niya. "Alam mo ikaw, pakipot ka pa. Kipay ka talaga. Kunwari ayaw tapos hahanap-hanapin din. Naks, wag ako Addy", pambubuska nito. Lalo lang siyang napasimangot. "Dalagang Pilipina to no",pairap niyang sagot. "At saka hindi ko hinahanap ang gurang na iyon!" "Oh Drake, nandiyan ka na pala!" Mabilis niyang naibalik ang tingin sa pinto para lang mapagtanto na niloloko lang siya ng kapatid.  Inis niya itong iniwan habang tatawa-tawa. Ibinaling na lang niya ang tingin kay Millie na ginagaya ang sayaw ng Blackpink. Pinilit niyang hindi tumingin sa pinto kahit nang bumukas na iyon. She stiffened as she heard his familiar voice. She composed herself and naturally face him expressionless. Gusto niyang batuhin nang mabibigat na irap ang kapatid dahil nanunukso itong nakatingin sa kanya. Natutuwa talaga itong  nakikita ang uneasiness niya. Pagkatapos simpleng tanguan ang binata ay kinausap niya si Millie.  At ang damuho, nananadya pang naupo sa kanyang tabi. Bahagya niyang inilayo ang sarili dito dahil nanginginig ang kanyang mga daliri. Ganyan ang epekto ni Drake sa kanya, he can make her tense na hindi nito alam. "Millie, what do you think. Is it a girl or a boy?" Tanong niya sa bata. "I want it to be a girl",mabilis na sagot nito. "But dad promise me a baby brother ate!" Agad na maktol ni Brix. Napailing na lang siya. How a careless parents. Pangakuan ba naman ang bata sa mga bagay na hindi sigurado. "Don't worry buddy, it would be a boy",agad na sansala ni Drake. Kunot-noong nilingon niya. "You can't just tell him like that! Pinapaasa mo yung bata!" Inis na sita niya. "I'm sure it's a boy!" Giit nito na ikinasingkit ng mga mata niya. "You're lucky to be so sure",tuya niya. " It will be a girl. Believe me, girl instinct is powerful." "Wanna bet?" Umismid siya. Hindi talaga ito magpapatalo. Ang tanda nito para sa ganoong bagay. "Tumigil nga kayong dalawa diyan!" Saway ng kapatid niya. Pinapanood pala silang dalawa na nagtatalo kasama nito ang asawa. Hinihintay na lang nila ang mga matatanda para sa reavealing ng  gender nang baby nito. "If it's a boy, you will finish your intern in SMC or better stay in my clinic",anang lalaki. "If it's a girl, you will never ever show your f*cking face on me!" Gigil na wika niya. "You should respect elders, you know",sabat ni Byron sabay kindat sa kanya. Binaling niya ang tingin sa katabi na bahagyang nakasimangot. "Oh, sorry Kuya",pang aasar niya lalo. Siya namang pagbukas ng pinto at nagsidatingan ang mga matatanda. "Kuya pala ha? Okay, I pretend na hindi kita binasted noon." Hindi niya inaasahan ang lumabas sa bibig nito. Namumula ang mukha niya sa matinding pagkapahiya  lalo na sa mga matatandang naroon. How dare him to embarrass her that way? Dahil hindi niya kinaya ang kakaibang tingin ng mga naroon ay mabilis siyang tumayo at tinungo ang kabilang sala ng bahay.  Dahil malaki ang bahay, hindi siya nahirapang ilayo ang sarili. Narinig pa niya ang pagtawag sa kanya ngunit hindi ma siya lumingon. Tuluyan na siyang napikon dahil sa ginawa ng lalaki. "Hey!" Aba't sumunod pa ang walanghiya! "What?! Are you happy? Are you happy that you just had embarrassed me in front of my family?" "I'm sorry, I'm just trying to have fun." " Now you're sorry huh? You can't just play someone feelings like that",hindi niya napigilang mapahikbi.  Ang naramdamang pagkapahiya noon ay bumalik. Ang nararamdaman niya ngayon ay kasali na doon ang nakaraan. "You're still the most insensitive brute that I've ever known! I hate you!" Hindi niya napaghandaan ang pagkabig nito sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Hindi ito nagsasalita ngunit dama niya ang malakas na pintig ng puso nito. O pintig ng puso niya. Hindi niya nagawang tumanggi dahil nabigla siya sa galaw nito. Her mind insist to push him but her stubborn heart has its own way to enjoy the moment. "Shhh. I'm sorry okay. I... I.... Damn, I just don't know how to get your attention. I'm sorry." Naramdaman niyang hinalikan siya nito sa tuktok. Nanatili sila sa ganoong ayos hanggang naramdaman niyang gumagalaw ito. He's trying to make dance with her! "What are you doing?" Puno ng kabang tanong niya. She feel like she's struggling to breathe. Paano siya makakahinga ng maayos kung parang lalabas na sa ribcage niya ang kanyang puso dahil sa malakas na pagtibok niyon? "Let's stay like this for awhile", masuyong sabi nito. Damn, his voice is even so sweet. Paano siya magmamatigas kung ang tono nito ay nakakapanlambot ng tuhod? " We haven't finished the music when I danced you on your debut which I regretted." Hindi siya nakaimik bagkus sinabayan ang galaw nito. He even held her waist and intertwined their fingers. Kung ganito kasuyo at kalambing ito palagi ay baka ngayon pa lang ay bibigay na siya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang ilagay ng binata sa bandang nito ang likod kanyang kamay na nanatiling  nakaugnay sa kamay nito. "M-maybe they're looking f-for us", she's stuttering for goodness sake. "Feel my heart?" Tuluyan na niyang iniatras ang ulo at tiningala ito. "It only beat for you." Gusto niyang matunaw sa paraan ng pagtitig nito. "Ang corny mo naman. Ang tanda mo na para sa ganyan", mabilis niyang iniwas ang tingin at baka ipagkanulo siya ng kanyang mga mata. "You keep on saying that I am old", nakasimangot na saad nito. Gusto niyang matawa sa reaksyon nito. "Sa matanda ka naman talaga", pang aasar niya lalo. Bigla nitong inilapit ang mukha sa kanya lalo. Halos magkadikit na ang kanilang   mga labi at langhap na langhap niya ang hininga nito. "What are you doing?" Halos paanas na tanong niya. "I told you to hands off, Madrigal!" Bigla niyang naitulak ang lalaki dahil sa pagkabigla.  Kinakabahang nilingon niya ang galit na galit na ama. Tumingin siya sa gawi ni Drake na nooy napalunok at hindi alam ang isasagot sa daddy niya. "I, ahm, I'm just dancing with her, Sir", ramdam niya sa boses nito ang kaba. Sa titig ba naman ng kanyang ama sinong hindi titiklop. "Dancing huh? Tell it to the marines! And you, young lady! Come back inside!" Para siyang sinilihan sa puwet na agad sinunod ang sinabi nito. Hindi niya nagawang sumagot pa dahil inunahan din siya ng kaba. She'd never seen her father like that. Mad and furious.  Saglit niyang nilingon ang binata. Napahawak na lang ito sa batok at nakatingin lang sa kanya. Hindi niya alam kung ngingitian ba niya ito aayaing sumabay sa kanya pabalik sa loob. "Addison!" "Coming Dad!" Tarantang sagot niya sa malakas na sigaw ng ama. Wala sa loob na sinenyasan na lang niya ang lalaking sumunod na ito sa loob. Na ikinangiti at ikinaliwanag ng mukha nito. That smile. She used to get crazy of that smile. Naaalala niya noon ang sariling kinokompara ang ngiti nito sa papasikat na araw. It looks like a sunshine. Her sunshine..... God, I'm hopeless..... Nang makabalik sa loob ay pasimpleng lumapit sa kanya ang ama. "Is he the one you've been saying before?" Mahina lang ang boses nito ngunit alam niyang seryoso. "Dad... That was before. I was just a kid that time. I'm already over him",hinaluan niya nang tawa  ang boses para mapaniwala niya ito. "Really? That's why you two almost kiss?" "Dad...?" Pinanlakihan niya ito ng mata. "What are you talking about? We're not about to kiss!" Inikot niya ang paningin para hanapin ang binata. Nakita niya itong nakikipaglaro kay Brix.  Hindi man niya gusto ngunit gumuhit sa kanyang balintataw si Drake na karga ang anak nila. Maybe it will a beautiful view.  And her taking picture of them. Sino kaya ang magiging kamukha ng anak nila kung sakali? "Tsk! Tsk! Tsk! You are hopeless." Natauhan siya at napabaling ang tingin sa ama. "What?" "You're over with him,huh?" Nanunuyang sambit nito. "Dad, anong pinagsasabi mo?" "The way you look at him. You are daydreaming",akusa nito. Napakurap siya. Ganon na ba siya ka obvious? "Listen Addison, bago makalapit sayo ang lalaking yan. Dumaan muna siya sa butas ng karayom!" Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito. Bahagya niya itong siniko nang papalapit ang kanyang ina. "Dad,as if!" "Hey, anong binubulong-bulong ninyong dalawa diyan?" Sita ng kanyang momny ng makalapit. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. Nang walang balak magsalita sa kanilang dalawa ay pinandilatan nito ng mata ang kanyang ama na agad ding tumiklop. Napatapik na lang siya sa noo. Hindi siya aasang mananatiling tikom ang bibig nito pagdating sa mommy niya. Hindi pa man ito nagsasalita ay nagpaalam na siya. Ngunit nahuli pa rin nang kanyang pandinig ang sinabi nito. "Ang anak natin,nagdadalaga na ulit." Napairap na lang siya.  Her family sometimes are quite bipolar. Naroong istrikto sa pakikipagnobyo niya pero todo tukso naman kapag nagkaron siya ng lovelife. ________ Matagal siyang nakatingala sa hospital na iyon. She shouldn't be there.  Pero hindi naman niya makapa sa puso ang pag ayaw niya doon. Nanalo siya sa pustahan nila ni Drake. Serene and Byron will be having a baby girl. Hindi naman seryoso ang pustahan na iyon kung tutuusin.  Ang alam niya sa sarili niya, she's there not because of the bet. She's there because that's what her heart want her to do. Hindi niya iyon pinaalam kanino man, ayaw niyang makakarating iyon kay Drake.  She want to prove herself. Gusto niyang patunayan sa sarili niyang kaya niyang tumayo sa sariling mga paa. She just hope na walang negatibong record galing sa Overseas  Workers Welfare Administration. She just hoped. Kung hindi siya matatanggap, there's always be a way. Pagkatapos niya sa HR manager ay sinabihan siya nitong dumeretso sa Director's office para sa final interview. Na labis niyang ipinagtaka. "With all due respect Sir, diba dapat po ang HR ang mag iinterview sa akin?" Nagawa niyang itanong. "Yeah you're right. But I had you interviewed already. The last step will be your final interview." Nakangiting paliwanag nito. "Actually for me, I had no doubts. But we still need every directors approval. We have two directors in this hospital. Don't be upset Miss Vijandre, trust your skill." "Thank you", kiming ngumiti siya. Well she didn't expect na ganito agad ang magiging approach sa kanya. Hindi kasi niya nilagay sa resume niya na nakapag intern siya sa Roseville. She just applied as a new graduated student. Kahit kapalit non ay babalik siya sa umpisa.  Pinapanalagin lang niya na sana walang malalaman ang hospital sa nangyari sa kanya sa California. Ngunit agad siyang inatake nang agam-agam. Paano kung si Drake ang mag iinterview sa kanya? Isa sa mga director doon ang lalaki. At hindi malayong ito mamaya ang bubungad sa kanya. Parang wala ring silbi na palihim siyang nagpasa ng resume doon. Inaasahan kasi niyang HR lang ang final interview. My final step pa palang policy ang hospital na iyon ____ "Maam pwede na po kayong pumasok sa loob",agad siyang napatayo nang magsalita ang  babae na sa tingin niya ay secretary nang naturang director. Nakabukas na iyon kaya dere-deretso siyang pumasok sa loob. Seryosong mukha ni Drake ang sumalubong sa kanya. Hindi nga siya nagkamali ng sapantaha. Pilit niyang maging kaswal at propesyonal sa harap nito. "Good morning doc", paunang bati niya.  Ngunit walang emosyon ang mukha nito. Seryosong sinasalubong siya ng tingin. "I thought you don't like it here",sa halip na sabi nito imbes na sagutin ang pagbati niya. Lihim siyang nagngingitngit. Anong drama nito? Diba nga ito ang may gusto na doon siya? Bakit ito umaastang cold hearted man?  Kung wala lang sila sa opisina nito ay kanina pa niya ito inirapan.  Hindi man lang siya nito pinaupo muna bago komprontahin. "Let's say, I changed my mind", kalmadong sagot niya. Pero sa isip niya ay tinadtad na niya ito ng irap. "My kulang sa resume mo. Why you didn't put your intern history? Ano, magsisimula ka na naman sa umpisa?" Napahigpit ang hawak niya sa dulo nang kanyang sling bag. Bigla siyang napaupo sa visitors chair na naroon. Anong sasabihin niya? "I--- I just want to.... To start again. I mean, hindi ko gustong gamitin ang record ko doon sa pag apply ko dito",lihim siyang napakagat labi. I know her reason was lame pero ano ba kasing irarason niya? Alam naman nitong nadeport siya. "You're lying...." Sumikdo ang puso niya sa sinabi nito. Totoo naman ang sinabi nito pero bakit sinundot niyon na parang karayom ang kaibuturan ng kanyang puso? "You knew that I was being deported. I'm sure alam mo rin ang dahilan. What if the hospital will about my intern history record?" Saglit na lumambot ang anyo nito. Hindi siya sigurado kung namalikmata lang siya dahil bumalik din iyon sa pagiging  seryoso nito. "You know what, just forget it. I shouldn't have waste my time coming here." Sabay tayo at tinungo ang pinto. Sinira na nito ang professional mood niya. Bakit nga ba hindi pa niya itinodo ang pagsumpa dito noon? Uggghhh! Kung sana naging mangkukulam na lang ako! "Hey, wait up! Balat sibuyas ka talaga!" Napatigil siya sa paghakbang at galit itong nilingon. Mas lalo siyang nanggalaiti sa sinabi ng lalaki. Ang sarap nitong takbuhin at pilipitin sa leeg. "It's better to be sensitive than being insensitive like you! You brute!" Umuusok ang ilong na lumabas siya sa opisina nito. Napapatingin sa kanya ang mga taong nakakasalubong niya ngunit wala siyang pakialam. Galit siya. At hindi niya alam kung bakit. May pa sabi sabi pang feel my heart ang gago! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD