Hindi niya maiwasang mailang sa Physical Therapist na dinalhan sa kanya ng kapatid. Ang malala pa ay iniwan siya nito doon. Ang sabi nito ay babalikan lang siya kapag tapos na siya.
The therapist was so freaking handsome. And his name was Taddeo.
"So, are you sure about this? Or having a change of mind?" Friendly ang tono nito.
"Never been sure in my life. I really wanted to walk soonest, doc."
"Okay then Miss Vijandre. Can I call you Addison?"
"Sure doc." Nakangiting tugon niya.
This man is freaking handsome!
Wee, gwapo pa kay Drake?
Shut up mind!

Taddeo was a good guy. Hindi niya maiwasang mailang sa simpleng pagpapalipad hangin nito sa kanya. Days had passed ay nakagaanan niya ito nang loob. Kahit papano nalilibang siya para hindi masyadong pakaisipin si Drake na pinanindigan niyang iwasan. Nakakapang abot sila sa bahay but she did her best not to talk to him and avoid him totally. It's hard but she have to. Magiging kawawa lang siya sa huli.
She felt comfortable at Taddeo's presence. Lagi siya nitong pinapatawa. Malaki ang naitulong nito para agad siyang makapaglakad. And now she's having a last session with him.
"Why psychiatrists and not psychologist?" Tanong nito. Nasa cafeteria sila nang naturang hospital. Niyaya siya nitong magkape bago siya uuwi.
Nagkibit siya ng balikat. "I don't want to be stuck inside clinic alone. I want to wear scrub and tend people. Hindi ko kasi nakikita ang sarili ko sa counseling dahil masyadong maikli ang pasensya ko. Me too, have some issues."
"I really want to ask you something...."
"Then ask away!" Sagot niya.
"I'd followed you the other day."
Hindi natuloy ang akma niyang paghigop ng milktea dahil sa sinabi nito.
"You followed me? Where? Why?" Sunod-sunod niyang tanong.
Tumikhim ito.
"I don't know. I just want to know where you live."
"And?" Napapantastikuhang wika niya.
"I saw you with Kuya Andrew that day."
"With who?!" Napalakas ang kanyang boses. Napatingin sa gawi nila ang ibang customer.
"Hey, you don't have to shout."
"What is the name again?"
"Andrew. Drake Andrew."
Saglit niyang kinalma ang sarili. No. Hindi maaari. Nagkataon lang na magkapareho ang pangalan. Hindi ito ang Andrew na stalker niya sa California. It will never be him.
But her heart and her pulse have the same beat.
"You mean, Drake Madrigal? His name is Andrew?"
"That's his second name. Our mom, used to call him that."
"Wait,wait, wait. Magpreno ka naman. Pahingi ng tubig. Hihimatayin ako sa mga sinasabi mo." Pinaypayan niya ang sarili. Talagang nakakashock naman kasi ang sinasabi ng kanyang kaharap.
"You're exaggerating. Hindi naman kayo mukhang close."
"How can you say that?" Takang tanong niya.
"You look upset when he approached you", paliwanag nito.
Naalala niya ang tinutukoy nito. Nagkasalubong sila ni Drake sa labas nang gusali. Galing siya noon sa therapy session niya. Kinabahan siya noon dahil sinumbatan siya nitong umiiwas siya. Na itinanggi niya ng todo kahit huli na siya.
Huminga siya nang malalim pagkatapos uminom ng isang basong tubig. Pilit kinalma ang sarili para hindi magtaka ang kausap.
"You called him Kuya. Then I heard this word "our mom", she quoted. "Can you explain it to me?"
"Well, it's just between you and me. Since we're quite close to each other, maybe I can trust you."
"Okay?"
"Kuya Drew is my brother. Half brother I mean. Our mom, married my father and they got me. That's make us brothers."
"Why I don't see you with him then?" Taas kilay na tanong niya.
"Because he hated me. He hated us. He thought that mom abandoned his father because of my dad."
"It wasn't?"
"Of course, it was not!"
"I think I need to go. Pay for my tea please",saka madaliang tumayo.
"Addy wait! What's wrong? Did I say something that made you upset?" Tanong nito. Hinawakan pa nito ang kanyang braso at tuluyan na ring napatayo.
"Nothing Taddeo. It's just that, I'm tired today. Thank you."
Marahan niyang hinila ang kamay at dali-daling umalis doon. Maraming bagay ang tumatakbo sa kanyang isip. His name, his past and his family.
Isang tao lang ang alam niyang magkukumpirma sa nasa isip niya. Alam niyang may tendency na hindi agad magsasalita ang kanyang kapatid but she need to use some tactics to make her talk.
Nang nasa sasakyan na siya. Sinabi agad niya sa driver na si mang Agustin na dumeretso sa clinic ni Drake. She badly need to talk to him.
Tinawagan niya ang kapatid bago pa man sila makakarating sa pupuntahan. Hindi pa man niya narinig ang sasabihin nito ay malakas ang pakiramdam niyang tama ang kanyang hinala.
Those birthday cards, love quotes and flowers.
"Addy?" Sagot nito sa kabilang linya.
She composed herself first at pinasigla ang boses. Kunwari masaya siya.
"Ate! I had my last session today!"
"I already knew that Addy, but I'm happy for you."
"One more thing ate, I've just learned that Drake was been in California when I was there!"
"Oh, really?"
"Hindi mo alam?"
Mahinang tawa ang narinig niya mula sa kabilang linya.
"Glad that he finally told you."
"So, he really did?" Nag iba agad ang tono ng kanyang boses.
"What? Addy, what's this?"
"I'm your sister, why you choose to lie to me?" Hindi niya maiwasang sumbat.
"Lying is different from keeping someone's secret Addy! And I can't believe that you just used that kind of tactics in me! Where are you now?"
"Looking for that old man. Bye!"
"Addy---
Hindi na niya pinatapos pa ito at kaagad na pinatayan ng tawag. Mabilis ang hakbang na bumaba siya nang sasakyan at pumasok sa gusali.
Malayo pa siya ay nakangiti na sa kanya ang assistant ng lalaki.
Wala siyang sinayang na oras at sinabi agad dito ang kanyang sadya.
"Ma'am,hindi po pumasok ngayong araw. Ibang doctor po ang nakatoka ngayon sa loob. Hindi rin po siya pumasok sa hospital."
"Ganun ba, sige okay lang. Salamat."
Maaaring nasa unit lang nito ang binata. Nakita niyang umalis din ito kanina pero saan nagpunta? Akala niya ay papasok ito sa trabaho.
_____
Hindi niya tinigilan ang kakakatok sa pinto nang unit nito hangga't hindi iyon bumukas.
Malamig na titig ng lalaki ang sumalubong sa kanya. At ito pa yata ang mukhang may galit sa kanya? Aba, matindi!
"Why are you here?" Seryosong tanong nito. Napakunot ang noo niya dahil amoy alak ang hininga nito.
"Umiinom ka ba?" Hindi niya mapigilang tanong.
"It's none of your business!" Matigas nitong tugon.
"You're really used to say that words on me huh?"
"Just tell me what you want!"
Humakbang siya palapit dito at seryosong sinalubong ang tingin nito. Nakipagtagisan siya dito nang tingin hangga't ito rin ang huling sumuko. Tiim bagang itong tumalikod at walang salitang bumalik sa loob. Agad siyang sumunod sa likod binata at pinagmasdan ang bawat galaw nito. Natuon ang tingin niya sa baso ng alak na nasa mesa.
"What's wrong with you?" Nabahiran ng pag alala ang kanyang boses. Pabagsak itong naupo sa sofa at tinungga ang tira nitong alak.
"Do you like him?" Hindi tumitinging tanong nito. Natigilan siya. Anong ibig nitong sabihin? "Maybe yes, because after you met him you ignored me like you never know me."
"Like who?" Naguguluhang tanong niya. Diba dapat siya ang may kokomprontahin dito? Bakit baliktad yata?
"That bastard therapist!"
Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Hindi niya kilala ang kausap. This is not him. Why is he furiously mad?
"That bastard is your brother!" Hindi niya mapigilang sigaw. Napahakbang siya paatras nang padaskol itong tumayo at nag aapoy ang tingin na hinarap siya.
"He is not my brother. He will never be my brother. Put that in your mind. Now tell me, do you like him?"
Lasing na ito alam niya. Namumula ang mukha nito at kuyom ang kamaong nakatingin sa kanya na para bang siya ang kaaway nito.
"What if I am? What will you do?" Panghahamon niya. May pakiramdam siyang hindi tama ang pagsagot niya lalo na sa estado nito. But she want to know his reaction.
"Just f*cking tell me if you like him! F*ck it!"
"Yes I do! Happy now?"
Mapait itong natawa. "How dare you! How dare you!"
Dapat hindi na niya ito patulan dahil nakainom ito. Pero hindi niya mapigilan ang kanyang emosyon.
"No, how dare you! How dare you to followed and watched me when I was in California! How dare you!"
Nag iba ang reaksyon ng mukha nito. Ang kanina'y galit nitong reaksyon ay napalitan ng pamumutla. Mariin itong napalunok.
Siya naman ay tuluyan nang napahikbi. "Why? All along you've made me believed that you never care for me. Why did you do that?"
Bumuka ang bibig nito ngunit walang salitang lumabas doon. Ilang segundo pa bago nito nagawang ibuka ang bibig para magsalita.
"H-how did you know that?"
Napailing siya. Wala pala talaga itong balak na sabihin sa kanya ang ginawa nito.Mapait siyang napangiti. How dare him.
"You have no idea how I'd been hoping that you appear on my doorstep and say sorry for what you did! You have no idea."
"Because I was not. Not at all! I am not sorry for hurting and pushing you away. I will never be sorry for that Addy. You know why? Look at you now? If I tolerate your craziness before? Sa tingin mo ba, nandiyan ka sa kinatatayuan mo ngayon?"
"Sino ka para pangunahan ako. You could've at least tell me that I need to wait. But instead you threw those awful words that only God knows why!"
"Addy, hindi pwedeng sa akin lang umikot ang mundo mo. You deserve to explore, to enjoy your life and do what you want!"
Umiling siyang napaatras. "You knew that it's only you that I've been wanted. You are my world,Drake. But all of that was before. Not today, not ever."
"Addy, I'm so scared!"
"Scared of what?"
"I-- I....
Napailing siya at tuluyan nang tumalikod. Sapo ang dibdib na tumuloy siya sa kabilang unit. Naabutan niya si Bandit na nakatingala agad sa kanya at umuungot.
Binuhat niya ito at dinala sa kwarto. Niyakap niya itong pahiga.
"Dapat matuwa ako diba?" Humihikbing kausap niya sa aso. "I should be happy that he watched me everywhere. Pero hindi e, he was so unfair Bandit. Alam mo ba yon? All along I was thinking how to get rid of my feelings for him tapos malalaman ko na lang kung anong pinanggagawa niya? Bandit, nababaliw na ako sa totoo lang."
Kung may nakakakita lang marahil sa kanya ay tiyak masasabihan siyang baliw. Sinong matinong tao ang maglalabas nang sama ng loob sa aso? Definitely, siya lang. Dogs are better than human. Dogs never judge you but human does.
Pero ang kayakap niya ngayon ay hindi naman nakakasakit, tsismoso lang. Isang ideya ang pumasok sa kanyang isip.
"Wanna go home with me?" Tanong niya dito. Tumahol naman ito at dinilaan siya sa pisngi na ikinangiwi niya. "Stop it Bandit, or you'll not gonna go with me."
"You're not gonna bring him anywhere!"
Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang boses na iyon. Nasa pintuan ito at nakatingin sa kanila ni Bandit na magkayakap sa kama. Hindi man lang niya naramdaman ang pagpasok nito. Maaaring nahulasan na ang lalaki dahil basa ang buhok nito.
Napasimangot siya. How can he managed to be handsome kahit mas matanda pa ito sa kanya? At siya, kapag umiyak lang papangit na. Samantalang ang lalaking ito nalasing na nga't lahat-lahat ay gwapo pa rin.
Ang unfair ng mundo!
Hindi niya ito pinansin. Bagkus bumangon siya at tinungo ang damitan. Wala naman siyang gaanong gamit doon kaya wala siyang dadalhin. She'll be leaving. Hindi siya nakakapag isip nang mabuti kapag nasa malapit lang ito. Natatakot siya para sa sarili.
A lot of what if's lingered in her mind. What if he just like her? What if he's just having a good time?
Self okay ka lang? Stalking you for a long years could not be just for fun.
What if kung hindi naman pala love iyon? What if.....
What if gaga ka talaga?
Uggghhh! She better move or else she will gone crazy. Having Drake around made her gone crazier.
What if, he loves you? Anong gagawin mo? What if kung hindi? Bokya ka na naman? At ano, mag momove on ka ulit? E hindi ka pa nga nakamove on!
"You're leaving?" Nagawa nitong itanong. Nakita nitong nililigpit niya ang kakaunting gamit.
"This is the better idea."
"Can I ask you something? And please answer me honestly."
Natigilan siya. Bahagyang nanginig ang boses nito. Nilingon niya ito para lang matigilan nang makitang namumula ang mata nito.
"Do you really like Taddeo?"
"I had it answered already", kinagat niya ang dila sa loob ng bibig. Kung hindi ba naman siya gaga, gusto niyang mapangiti sa tono nang boses nitong parang nagseselos. "I don't know why you sound like that. Kung tutuusin ito naman ang gusto mo noon diba? Na magkagusto ako sa iba?"
"I didn't remember myself saying that", salubong ang kilay nitong tugon. He's right though.
"But you still pushed me away. And that's mean everything."
"I already told you the reason Addy, and I will never sorry for that. Maybe I was sorry for the way I hustled you. But that's the only way I know to stop you."
Bumuntung hininga siya. "Okay. That's it. It's done. Ano pang magagawa ko? What done, is done. Can I leave now?"
"Tell me,do you really like him?"
"Goodness! Does it really matter to you,huh?"
"Yes! It is!"
Napakurap na lang siya sa reaksiyon nito. Alam niya ang tinatakbo nang usapan nila pero hindi niya maiwasang kabahan. She's not ready for this. No one can't blame her, all her life she believed that this man never care for her.
"Why? Why it bothers you?"
Napatingala ito at napahilamos. Tensyonado ang katawan ng binata dahil nakikita niyang hindi mapalagay sa isang lugar ang mga kamay nito. Naroong ilagay nito sa beywang, sa bulsa at maya-maya ay ihihilamos na naman at tatalikod sa kanya.
"Can't you just read between the lines?"
Aba't gawin pa akong manghuhula.
"Alam mo,mas maiging itigil na lang natin ang pag uusap na ito. Hindi ako manghuhu--
"Because I like you!"
Hindi siya nakaimik. She's aware of that. Susundan ba siya nito sa abroad nang palihim kung hindi siya nito gusto? Pero bakit pakiramdam niya disappointed siya sa sagot ng binata?
"There, I said it. Now, maybe it's time for you to say something?"
Magpakipot ka bakla!Huwag kang easy to get!
"Okay."
"Okay? That's all you can say? Pagkatapos mo akong akit-akitin,all you can say was, okay?"
"Aba't! Hindi kita inakit! Talagang maalindog lang ako. At anong gusto mong sagot ko?"
Masaya ka!
"That you like me too!"
"Aba masaya ka!"
Inirapan niya ito at nagpatuloy sa ginagawa. Ang lalaking ito,otso deretso kung magsalita. Hindi man lang siya ligawan muna.
Gusto agad-agad! Manigas ka!
"Uuwi na ako,see you when I see you. Ciao!"